Semua Bab The ruthless CEO's second chance: Bab 71 - Bab 80
267 Bab
Chapter Nineteen(PART FIVE OF PART SIX)
HATING-gabi ng magpasiya si Sabrina na tumakas at pumunta sa lugar na sinasabi ng lalaki. Nasa kaniya na ang sampung milyon at ang kailangan nalang niya ay makatakas sa bahay na iyon. Masyadong maraming bantay kaya alam niyang mahihirapan siya. Pasado alas dose na ng umaga ng buksan niya ang pinto at lumabas. Hinack niya ang CCTV na meron doon upang hindi malaman ni Aiden ang kaniyang ginagawa. Natuto siya mag-hack ng camera habang siya ay nagtatrabaho dahil aksidente niya itong natutunan. Pagkabukas niya ng pinto ay tahimik na hallway ang sumalubong sa kaniya at dala-dala ang isang back pack ay tahimik siyang tumakbo pababa ng hagdan. Kinailangan niyang yumuko sa hagdan tutal at madilim upang hindi siya mapansin ng mga gising na gaurd. Tagumpay siyang nakababa sa hagdan ngunit bago siya makapasok sa kusina ay naguslat siya ng mayroong papalabas na mga gaurd mula doon kaya napatago siya sa gilid habang pigil hininga siyang nakatingin sa mga bul
Baca selengkapnya
Chapter Nineteen(PART SIX)
"Wow boss totoo nga! Mayaman talaga ang napangasawa ng babaeng to!" parang baliw na sabi ng isa habang inaamoy din ang pera na nagkalat. Nagsilapitan ang mga ito sa lamesa dahil doon na ikinagalit ng anak niya. "Aalis kayo o pasasabugin ko mga ulo niyo?" malamig na sabi ni Hoven na siyang ikinaalis agad ng mga ito at bumalik sa kinalalagyan nila kanina. Si Sabrina naman ay nagsitayuan ang mga balahibo dahil sa pagsasalita ng lalaki, hindi niya napigilan ang sarili at napatingin dito. Malaki ang pinagbago ni Hoven magmula ng magkahiwalay silang dalawa. Mas lalo itong gumwapo at lumaki ang katawan habang mas lalong sumeryoso ang muka na tila ba'y mayroong malaking problema. "Chill ka lang anak, pagmasdan mo ang pera natin!" natutuwang sabi ni Edward sa kaniyang anak ngunit iniangat lang ni Hoven ang kaniyang mata na siyang ikinatagpo ng mata nila ni Sabrina. Nagulat siya dahil doon at agad na napaiwas ng tingin sa lalaki. 
Baca selengkapnya
Chapter Twenty: CCTV (PART ONE OF PART THREE)
LUMABAS si Aiden ng kaniyang kwarto dahil gusto niyang makita si Sabrina kung ito ay nagpapahinga na ba. Palagi niya itong ginagawa sa tuwing matatapos siya sa trabaho dahil pasado alasdose na siya kung matapos sa paper works na hindi niya nagagawa. Sa isang buwan na lumipas ay dinadala na niya sa bahay ang kaniyang papaer works at si Raymond ang nag hahandle ng kanilang kumpanya. Ayaw iwan ni Aiden ang kaniyang asawa kung kaya't isinama niya sa bahay ang kaniyang trabaho. Katulad ngayon ay katatapos niya lamang at mag aalas dos na ng madaling araw. Sa sobrang busy kanina ay natambakan siya ng trabaho. "Wife? Ba't gising kapa?" Nagulat si Sabrina ng biglang may magsalita sa kaniyang pintuan at nakita niya soon si Aiden. Gusto niyang hampasin ang sarili ng maalala niyang nakalimutan niyang isara ang pinto pagkauwi niya kanina. Mabuti nalang at tapos na siya magbihis at papahiga na sa higaan. "Hindi ba usong kumatok Aiden?! Ginulat mo ako!" Nakahawak sa dibdib na sabi niya dito
Baca selengkapnya
Chapter Twenty(PART TWO OF PART THREE)
Napatingin si Aiden sa kaniyang cellphone kung saan pangalan lamang ni Keon ang nakarehistro sa cellphone dahil hindi niya maintindihan kung bakit parang mas lalong naging attached si Keon sa kaniyang asawa. Nawala lamang ito ng isang buwan at bigla nalamang naging ganoon. "She's okay Keon, kagagaling ko lang sa kwarto niya," Narinig niya ang paghinga ng malalim ni Keon na tila nakahinga ito ng maluwag kaya mas lalo siyang nagduda sa kapatid. "Mabuti naman kung ganoon kuya, sige kuya mag-iimbestiga pa kami," Ibinaba na nito ang tawag at doon ay hindi natuloy ang plano niyang pagpapahinga dahil naghanap din siya ng sagot kung bakit nagkaganoon ang kanilang CCTV. ***"Are you ready wife?" Napalingon si Sabrina sa pintuan ng mayroong magsalita doon at sinamaan niya ito ng tingin. "Hindi ba uso sayo ang kumatok Aiden?! Paano kung nag bibihis ako huh!" singhal niya dito na ikinangisi ni Aide
Baca selengkapnya
Chapter Twenty(PART THREE)
Nasabi nalamang niya sa kaniyang sarili at nilibang ang sarili sa pagtingin sa labas ng bintana. Buong byahe ay wlang nagsalita sa kanila at ng makarating sa bangko ay agad na bumaba si Sabrina at mabilis na kinuha ang bag sa likuran. "Hey wife! Ako na ang mag-dadala niyan," Nakita niya si Aiden na kabababa lamang nito ng kotse ngunit agad niya itong nilapitan. "Jan ka lang sa loob! Ayoko na malaman nila na mag-asawa tayo mag kakagulo Aiden. Ako na ang magbabayad at hintayin mo nalamang ako maliwanag?" Natigilan si Aiden dahil sa sinabi ng babae ngunit  hindi nito inantay ang kaniyang sasabihin dahil basta-basta nalamang itong umalis at pumasok sa loob ng bangko. Wala na siyang nagawa kung di ang pumasok sa loob at inintay ang babae. Si Sabrina naman ay mabilis na itinapon sa isang sako sa labas ng fire exit ang laman ng kaniyang bag at iniwan ang isang papel na naglalaman ng kasulatan na bayad na sila sa utang. G
Baca selengkapnya
Chapter Twenty-One: Tama ng bala(PART ONE OF PART FIVE)
SABRINA "NO," Napasimangot ako dahil sa sinabi ni Aiden mula sa pang sampu ko ng dress na nasusukat. Isang linggo na ang nakalipas at bukas na ang party nila. Hindi talaga ako naghanap ng dress kasi balak ko ay kung anong meron ako 'yun na lang ang kaso nagalit saakin ang magaling kong asawa at kinaladkad ako papunta dito kahit todo tanggi ako. "Ikaw kaya mag-sukat dito! Nakakangawit na Aiden!" Reklamo ko sa kaniya at naupo sa tabi niya. Nakita ko na napatawa nalamang ang isang sales lady na katulong ko sa pag-aayos ng aking sarili. Hindi naman sila nagsasalita o nagtatanong kung anong meron saamin pero alam kong may idea na sila dahil sa paraan ng pagtawag nito saakin. "Sige wife ako ng pipili," Napatingin ako kay Aiden na hindi makapaniwala dito. Kanina pa kami paikot-ikot nung sales lady upang makapili lamang ng maayos at disenteng damit ngunit ang lahat ng iyon ay puro 'no' ang natatanggap ko. Siya din pala ang pipili hindi pa ginawa kanina. Napa cross arms nalang ako
Baca selengkapnya
Chapter Twenty-One(PART TWO OF PART FIVE)
***SINIPAT ko sa aking sarili habang Nakatingin sa malaking salamin na nasa aking harapan. Nandito ako ngayon sa aking kwarto, sa itaas na kwarto kung saan ay nalinisan ko noon. Dito na ako lumipat magmula ng ipagamot ako ni Aiden, ayun na nga nakasoot ako ngayon ng isang magarbong gown habang ang aking buhok ay nakaipit pa-bun sa aking likuran at nag iwan ako ng kakaunting hibla upang magkaroon ng design.Hindi ako makapaniwala sa babaeng nakikita ko sa salamin, hindi ko akalain na mayroon pa akong igaganda. Kanina ay mayroong ipinadala saakin si Aiden na mag aayos saakin at kaagad ding umalis ng matapos akong ayusan. Light lamang ang aking make-up dahil sabi nila ay maputi naman daw ako kaya lahat ay babagay saakin.“Wife are you ready?”Nagulat ako ng mayroong kumatok sa pintuan at nataranta dahil doon, naglakad ako papunta sa pinto ngunit dahil nakasoot na ako ng heels at hindi talaga ako marunong magsoot niyon ay natapilok ako at bumagsa
Baca selengkapnya
Chapter Twenty-One(PART THREE OF PART FIVE)
“Sa labas mo nalang ako intayin Aiden, tatapusin ko lang pag-aayos sa sarili ko. By the way, you look handsome tonight. Bagay sayo ang soot mo,”Napangiti siya dahil sa sinabi ko na ikinahinga ko ng maluwag.“Sige iintayin kita,”Hinalikan niya akong muli sa noo at tumalikod na siya saakin upang pumunta sa ibaba. Nang isara niya ang pinto ay nanghihina akong napaupo sa upuan ng vanity ko. Napaharap ako sa salamin na andoon at nakita ko ang pagtulo ng aking luha mula doon. Agad ko iyong pinunasan dahil alam kong masisira ang make-up ko may pupuntahan pa naman kami.Hindi kona alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung itutuloy ko ba. Kapag hindi ko tinuloy ay buhay namin ni Xenna ang nakasalalay. Napatitig akong muli sa aking reflection. Tama buhay namin ni Xenna ang nakasalalay kaya hindi pwedeng hindi matuloy ang plano ko.‘I’m sorry Aiden pero kailangan kong maging matigas para sa kaligtasan namin, hindi ko kaya n
Baca selengkapnya
Chapter Twenty-One(PART FOUR OF PART FIVE)
Napatingin ako sa rearview mirror at doon ay nakita ko ang pagtataka sa mga mata nito. Ngumiti nalamang ako sa kaniya dahil alam ko na na-occupied nanaman ang utak ko dahil sa kakaisip. Napatingin ako sa bintana at nanlaki ang mata ko ng may makita akong napakaraming tao lalo na nag mga press na nag-aantay sa red carpet na daraanan papasok sa loob ng venue.“Ang dami namang tao Aiden para naman tayong Hollywood actor and actress nito,” natatawa kong sabi na ikinatawa din nito.“Gusto ko na masanay kana sag anito wife dahil asawa kita at isa kang Devaux.”Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya at magtatanong sana dito kung ano ang ibig niyang sabihin ngunit pagtingin ko sa kaniyang kinauupuan ay wala na siya doon at lumabas na ng kotse. Bigla akong kinabahan ng ako nalamang mag-isa sa loob ng kotse. Kitang-kita ko ang pagikot niya sa kotse upang puntahan ang aking pinto at pagbuksan ako.Nakasoot siya ng mask pero kilalang-kilala
Baca selengkapnya
Chapter Twenty-One(PART FIVE)
“Ate Sabby ang ganda mo! Bagay na bagay sayo ang gown na soot mo,” masayang sabi saakin ni Allistair at niyakap ako.“Thank you Allistair, you look handsome too!”“Nasa lahi namin ‘yan ate,” pareho kaming natawa dahil doon.“Hi ate Sabby, you look wonderful tonight.” Sabi ni Allard habang nakangiti at niyakap ako.“Teka parang lyrics ng kanta ‘yan ah! Hahaha,”“Ate naman eh binuking pa,”Natawa kami pareho dahil doon at napatingin ako sa susunod na yayakap saakin. Napalunok ako ng makita si dad na nakangiti at agad na binuka nito ang kaniyang braso kaya naglakad ako papunta dito at niyakap siya ng mahigpit.“Hija, Sabby! Ang ganda-ganda mo ngayong gabi. Kung hindi lang masquerade ang theme ng party ngayon sigurado akong mas makikita at mapapabilib sila sa ganda mo. Ewan ko ba jan sa asawa mo at naisipang ganito ang theme ng party ngayong taon kun
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
678910
...
27
DMCA.com Protection Status