All Chapters of Marriage Under Pressure (Tagalog): Chapter 71 - Chapter 80
94 Chapters
Chapter 70: Life and Death
PAPALABAS ng ospital si Iñigo ngunit hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na magalit sa nangyari kay Eunice. Gusto niyang suntukin si Stefan ngunit pilit niyang pinigilan ang kanyang sarili.Lumingon si Iñigo nang sandaling makalabas siya ng ER. “Maghintay ka lang Stefan Salvatore. Babawiin ko sa ‘yo si Eunice. Maghintay ka lang!”At nagsimula nang maglakad papalayo sa ospital si Iñigo na may buong determinasyon na mabawi si Eunice sa mga mapanakit na mga kamay nito.***MAINGAT na hinawi ni Stefan ang kurtina kung saan naroon ang kanyang asawa—nakahiga at bakas ang panghihina sa itsura nito lalong-lalo na ang pangingitim sa ilalim ng mga mata nito. Napakahawak nang mahigpit si Stefan sa kurtinang hawak niya habang pinagmamasdan ang kanyang asawang nakahiga.Naagaw ang pansin ni Stefan nang marinig niya ang boses ng isang babae sa kanyang tabi.“Excuse me, Sir.”Napalingon si
Read more
Chapter 71: Plan & Repentance
PENHAWK APARTMENT,Hahang kumakain ang magkapatid na Gretta at Astolfo ay biglang nag-ring ang cellphone ni Gretta dahilan para maibaling niya ang kanyang pansin dito at mapataas ang kanyang kilay.“Bakit, Gretta? May problema ba?” tanong ni Astolfo nang mapansin ang pagbabago sa reaksyon ng mukha nito.“Mukhang may magandang balitang dumating,” saad nito na may ngisi sa kanyang labi.Nanahimik si Astolfo at agad na sinagot ni Gretta ang tawag ng taong pinamanman niya sa asawa ng kanyang apo na si Stefan“Anong balita?” bungad niyang tanong sa taong nasa kabilang linya ng telepono.“Ma’am, naaksidente ang asawa ni Mr. Salvatore. Nasa ospital ito kasama ang isang lalaki na nagngangalang Iñigo,” pag-uulat ng lalaking nasa kabilang linya.Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Gretta sa kanyang narinig. “Is that so?” maikling tugon nito. “Kumusta lagay niya? Ang bata? Patay na ba?”“Hindi pa po sila patay, Ma’am pero nasa kritikal ang kanilang kalagayan” sagot ng lalaki. “Napag-alaman ko rin p
Read more
Chapter 72: Apology & Exposé
“I’M SORRY.”Iyon ang lumapas sa bibig ni Stefan dahilan para matigalgal si Eunice sa kanyang pagkakahiga.Naglakad papalapit si Stefan sa higaan ni Eunice at hinawakan ang kamay nito nang marahan at may buong pag-iingat. “I’m sorry,” pag-uulit niyang paghingi ng tawad sa kanyang asawa. “I apologize for hurting you without understanding your point of view. I’m sorry for being a jerk and harming our child as a result of my childish and irrational reasoning.” Pagpapatuloy niya saka tumingin sa mga mata ni Eunice nang diretso. “I sincerely apologize. I know that saying sorry won’t be enough after what you’ve been through as a result of my actions, but I’m willing to go to any length to make amends. If you want to punish or torture me, I’ll accept it until you’re satisfied. I'm not going to hold a grudge against you for what you’re going to do. I—”Hindi natul
Read more
Chapter 73: Move
NATIGALGAL ang dalawang magkapatid nang marinig nila ang sinabi ni Stefan sa kanila.“Paano niya nagawang malaman ang tungkol sa CCTV?” mahinang tanong ni Astolfo sa kanyang sarili dahilan para mabilis na mapalingon si Gretta kay Astolfo at binigyan ito nang matalim na tingin na siyang ikinakuyom ng bibig nito.“Kung wala na kayong sasabihin maaari na kayong makaalis. Hindi namin kayo kailangan ng asawa ko sa pamamahay na ito,” mariing saad ni Stefan. “Now, leave!”“Pero, Hijo—”“Tayo na, Kuya Astolfo,” sabal na saad ni Gretta.“Pero—”Humarap si Gretta kay Astolfo at tinignan ito nang diretso sa mga mata nito. “Umalis na tayo,” mariin nitong saad na tila may nais ipakahulugan sa kanyang pagkakasalita.Walang nagawa si Astolfo kung ‘di sumunod kay Gretta at sabay na umalis ang magkapatid sa lugar na iyon.Humarap si Stefan kay
Read more
Chapter 74: Start Again
KALAHATING buwan ang lumipas at lahat ng bagay sa pagitan nina Stefan at Eunice at tila isa pa ring panaginip ang lahat na nangyayari para kay Eunice. Kasalukuyan silang nasa parke para ipasyal siya ng kanyang asawa.Tinignan ni Eunice ang kanyang tiyan at marahan itong hinimas. “Hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat na nangyayari tila isang himala ang lahat, anak ko. Akala ko hindi na kami magkakaayos ng ama mo dahil sa labis na galit niya sa akin noon,” wika nito habang patuloy na hinihimas ang kanyang tiyan na walong buwan na ang laki.“Mahal,” tawag ni Stefan sa kanyang asawa sa baritonong boses nito.Napalingon si Eunice sa direksyon kung saan nanggaling ang boses ng kanyang asawa. Nang sandaling makita niya si Stefan ay nakita niya ang matamis nitong ngiti na nakaguhit sa g’wapo nitong mukha.Naglakad papalapit si Stefan sa kanyang asawa at naupo sa tabi nito saka iniabot ang dala nitong chocolate waffle pie na paborito ni Eunice.“I bought your favorite waffle,” nakangiting wi
Read more
Chapter 75: Culprit
HALOS hindi makapagsalita si Eunice dahil sa nilamon ang kanyang isipan nang samu’t saring emosyon—tuwa, bigla, lito at kirot sa kanyang dibdib na halos hindi siya makahinga. Hindi niya sukat akalain na matapos ang lahat na nangyari sa kanila ni Stefan ay magagawa nitong ibigin siya ng tunay tulad ng kanyang nararamdaman.“Stefan...” mahina niyang sambit sa pangalan nito kasabay nang pag-agos ng mga luha sa kanyang mga mata.Biglang gumuhit ang pagkabahala sa mga mukha ni Stefan nang sandaling makita nito ang biglang pagluha ng kanyang asawa.“Why, Mahal? What’s the reason for your tears? Did I say anything that offended you?” Sunod-sunod nitong tanong na bakas na bakas sa mukha nito ang labis na pagkataranta at pagkalito nang sandaling iyon.Umiling si Eunice para itanggi ang haka-hakang iniisip ng kanyang asawa. “Wala…wala kang sinabi na masama,” wika nito na pilit kinokontrol ang kanyang emosyon.“Then, why are you crying? You’re making me worry, Mahal. Will you tell me what made y
Read more
Chapter 76: Hunting Time
HALOS walang mapaglagyan ang mga ngiti nina Gretta at Astolfo lalo na at nasa kanilang mga kamay na ang last will and testament ni Divina.“Sa wakas nasa atin na ang huling testamento ng bastardang matanda na ‘yon!” tuwang-tuwa na saad ni Astolfo nang makita ang testamentong nasa kanyang mga kamay. “Mapapasaatin na rin ang lahat ng kayamanan na iniwan ni Papa.”“Dapat lang na bawiin natin ang kayamanan na nararapat na para sa atin na hindi karapat-dapat sa bastardang iyon o sa apo ng bastardang matanda at mas lalong hindi sa isang katulong!” mariing saad ni Gretta.Humarap si Astolfo kay Gretta. “Ngayon na nasa atin na ang last will and testament at selyo, ano na ang sunod nating gagawin, Gretta?”“Kailangan nating kausapin si Atty. Cabalquinto siya ang makakatulong sa atin para palitan ang nakasaad sa testamentong ito.”“Nakakasiguro ka ba riyan sa abogado na ‘yan, Gretta? Baka ilaglag tayo niyan.”Ngumisi si Gretta. “Kuya, walang taong maglalaglag sa ‘yo kung pera ang kanilang sinas
Read more
Chapter 77: Facts
MATAPOS na mahuli nina Inspector Vasquez at PO3 Abarientos ang kasabwat nina Astolfo at Gretta ay dinala nila ito sa presinto at agad na sinimulan na tinanong sa buong nangyari nang araw bago mamamatay si Divina.“Mr. Pedroza, hanggang kalian mo balak manahimik? Alam mo bang mas nilalagay mo sa alanganin ang sarili mo dahil sa ginagawa mong ito?” mariing pagpupunto ni Inspector Vasquez.Napakuyom nang mahigpit si Oscar at pilit na pinipigilan ang kanyang sarili.“Mr. Pedroza!”Hinampas ni Oscar ang mesa na may buong panggigigil. “Ilang beses ko ba kailangang sabihin sa inyo na wala akong kasalanan!” mariing saad nito.“Sa tingin mo ba papaniwalaan ko ang lahat ng sinasbi mo?” tanong ni Lemuel na nakataas ang isang kilay.“Bakit ba ayaw niyo ako paniwalaan?” nasisiphayong tanong ni Oscar na halos mawala na sa kanyang sarili.“Kung ganoon sabihin mo sa akin, sino ang taong ito?” At nilapag ni Lemuel ang litrato sa mesa at inilapit iyon kay Oscar. “Ngayon, sabihin mo sa akin sino ang lal
Read more
Chapter 78: Cutting Strings
MATAPOS na malaman nina Stefan na sina Astolfo at Gretta ang may kagagawan ng pagkamatay ng kanyang lola ay nagsimula na silang magmanman at magplano ng kanilang gagawin para mahuli ang mga ito.“Are you sure you’ll be okay here? Don’t you want to come to my office with me?” nag-aalalang tanong ni Stefan kay Eunice.Ngumiti si Eunice at hinaplos ang pisngi ng kanyang nag-aalalang asawa. “Ayos lang ako dito, Mahal. Wala ka dapat na ipag-alala.”“But—”“Trabaho ang pupuntahan mo, Mahal. Ayoko na maging sagabal ako sa pagtatrabaho mo kaya ‘wag ka ng mag-alala. Ayos lang ako rito,” pangungumbinsing saad ni Eunice.Gustuhin man ni Stefan na umangal dahil nag-aalala siya na baka kung ano ang mangyari sa kanyang asawa habang hindi siya nakatingin dito lalopa’t ngayon na alam niya ng sina Gretta at Astolfo ang may kagagawan kung bakit namatay ang kanyang lola. Natatakot siya na baka may gawin din itong masama kay Eunice.Inabot ni Eunice ang pisngi ni Stefan at hinalikan ito roon dahilan para
Read more
Chapter 79: Awaken
ISANG MALALIM na paghinga ang pinakawalan ng isang lalaki mula sa kanyang pagkakagising na tila ba ito’y ang unang beses niyang makakalanghap ng hangin. Ilang beses itong nagpahinga-bunga habang iginagala ang kanyang mga mata sa puting k’warto na kanyang kinaroroonan. Ilang beses siyang nagpakurap-kurap ng mga mata na tila inaanalisa ang buong paligid. Makalipas ang ilang minuto na pagkurap ng mga mata ay sinubukan niyang igalaw ang kanyang katawan ngunit hindi niya ito magawang maigalaw o kahit na maiangat man lang. Pakiramdam niya ay namamanhid ang kanyang buong katawan at hindi niya man lang ito maramdaman.“What’s happening?” tanong niya sa kanyang sarili.Sinubukan niyang ibukas ang kanyang bibig para magsalita ngunit ramdam niya ang panunuyo nito maging ang kanyang lalamunan dahilan para walang lumabas na tinig sa kanyang lalamunan. Anumang pilit na subukan ay wala talagang boses na lumalabas sa kanyang bibig.“What exactly did happen?” nasisiphayo at naguguluhan niyang tanong s
Read more
PREV
1
...
5678910
DMCA.com Protection Status