All Chapters of The Billionaire's Puppet: Chapter 11 - Chapter 20
29 Chapters
Chapter 11
EVERLEIGHHabang ako ay nasa banyo habang naliligo, bigla ay lumitaw na naman sa isip ko ang ginawang paghapit ni Alcair sa aking bewang kagabi. Kinilabutan ako sa ginawa niyang iyon. Nagpa-ulit-ulit pa sa akin ang mahinang sigaw ko. Napapikit ako ng mariin. Dapat talaga ay maiwasan ko siyang makita, maliban na lang kung tungkol sa trabaho ko kay Ezra. Umalis muli si Ezra at hindi ko na nagawa pang itanong kung saan iyon dahil matapos kong maligo ay umalis na raw siya. Pagdating sa paalis-alis ko sa mansyon, hindi iyon naging problema pagdating sa kan'ya dahil binibigyan niya ako ng kalayaan. Kahit papaano ay may safe place rito para sa akin. Ang mundong ito ay hindi naman pala gano'n kadelikado para sa akin. Ngayon ay sa ibang mall naman ang punta ko. Ang sabi sa akin ni Ryker ay pagmamay-ari ito ni Alcair ngunit sa ibang pangalan niya. Mas pinili niya na rito kami magkita upang hindi malaman ni Ezra na nagk
Read more
Chapter 12
EVERLEIGH"AY NASUNOG!" sigaw ko matapos makita ang pancake na aking ginawa. Ibibigay ko sana ito kay Ezra ngayong umaga, at makahingi na rin ng tawad dahil sa nagawa ko kagabi. Kung tutuusin, ako ang mali. Binili niya ako at wala akong karapatang tumutol sa gusto niyang gawin, kaso ay hindi pa ako handa sa ganoong bagay, at sana ay naiintindihan niya ako. Umaasa ako, na sana nga maintindihan niya ako. Bago ko buksan ang pinto ng kwarto niya ay huminga muna ako ng malalim. Ngumiti ako at pinilit maging natural pagdating sa kan'ya ngayon para hindi siya mailang. Binuksan ko ang kurtina ng kwarto niya saka lumapit sa kan'ya habang dala-dala ang isang pancake at kape na aking ginawa para sa kan'ya. "Good morning." Ngiti kong sabi sa kan'ya at napatitig naman siya sa akin. "Coffee oh, Ezra." Pag-alok ko sa kan'ya at napatingin sa pancake na gawa ko at sunog pa talaga. Nag-aalangan akong ibigay iyon sa kan'ya ngunit n
Read more
Chapter 13
EVERLEIGH"Bakit mo 'ko tuturuan ng self defense? Parang binibigyan mo na rin ako ng pagkakataon na makalaban sa 'yo kapag binalak mo na akong patayin." Tinignan niya ako, "Dahil sa sinabi mo, parang binigyan mo na rin ako ng pagkakataon na patayin na kita ngayon hangga't wala ka pang natututunan." Napaawang naman ang bibig ko at naiwang tameme."Magsimula na tayo," bulong niya at ilang hakbang mula sa akin ay tumayo siya roon. "When someone has bad intention towards you, guard your face and maintain a defensive posture like this." Aniya at katulad ng sinabi niya ay hinarang niya ang braso sa mukha. Pero hindi naman ganoon nakaharang. Ang kaliwang paa naman niya ay medyo nasa unahan, habang ang kanan na paa niya ay nasa likuran nito at may pagitan din ang dalawa."Kung gusto mo agad matapos ang laban, patamaan mo sa mata o sa ilong. The eyes and nose are the most sensitive soft spots on your attacker's face. Pag-aaral
Read more
Chapter 14
EVERLEIGHNanginginig ang kalamnan ko sa sobrang  galit. Ang lakas ng loob niya! Sa papel lang naman kami mag-asawa at hindi niya ako pagmamay-ari."A-Aarrgghhh!" sigaw ko dala ng pagkairita. Mula sa labas ng Mall, sa gilid nito ay may tumatawag na bermuda grass. Maraming nagtatambay dito dahil sa sariwang hangin at pumunta ako rito para lang lumamig ang ulo ko. Binalewala ko ang tingin ng iba at kahit yayamanin ang suot ko ay nahiga ako roon at tinignan ang asul na kalangitan. Mula naman rito, ang isip ko lumipad na sa kabilang mundo. Oo, tinuring ko ng ibang mundo itong kinalalagyan ko ngayon.Dito na siguro ako mamamatay. At mamamatay ako na hindi pa rin naipapaliwanag kung ano ba talaga ang totoong nangyari.Bigla naman ay pumasok sa isipan ko si kuya. "Musta na kaya siya?" wala sa sariling naitanong ko. Nawala siya sa isip ko dahil sa mg
Read more
Chapter 15
EVERLEIGHHindi pa ata ako umaabot ng isang linggo sa puder niya pero gumagaan na ang loob ko sa kan'ya. ‘Nasaan na ang astig na Everleigh na nakilala ko?’"Mukhang lumilipad ang isip mo, ah?" nagugulat na napalingon ako sa gilid ko. Si Alistair. Hindi naman ako nagsalita. "Habang naglalakad tayo papunta kay boss, may gusto sana akong itanong." Hindi ko siya nilingon, "Ano iyon?" tanong ko at nanatiling sa daan ang tingin. "Hindi ka naman siguro magugulat kung naghanap ako ng impormasyon tungkol sa 'yo, 'di ba?" tanong niya at tumango ako. "Iyon ba ang tanong mo? Hindi ko na siguro kailangan ng sagot diyan dahil madali lang naman malaman kung ano ang magiging sagot ko." "Tsk. Hindi iyon ang pinaka-tanong ko." "Ano pala kung gano'n?" "Wala akong nakuhang ano mang impormasyon tungkol sa 'yo. Ang tanong ko ay sino ka. Sino ka ba, Everleigh? At anong pagkatao mo?" Maliit na ngumiti ako, "Noong tinatanong niyo ako kung paano
Read more
Chapter 16
EVERLEIGH "Everleigh, buksan mo na 'tong pinto, please?" si Ezra at sunod-sunod na ang pagkatok sa pinto. "W-Wait lang," Hindi na ako magkandaugaga sa paglalagay ng concealer na mahaharangan ang pasa ko sa may mukha. Hindi niya ako p'wedeng makitang ganito. Kahit pa wala naman akong kasiguraduhan kung may pakialam ba siya kung sakaling makita niya 'to. "Thanks God, binuksan niya rin!" si Ezra habang nakaupo sa sahig kaharap ng pinto ng kwarto. Natawa naman ako, "Bakit ka ba nagkakagan'yan?" tanong ko at tumayo naman siya. "Honey, I'm sorry. I'm so sorry. Hindi ko sinasadya—" "Ano ka ba? Sinabi ko na sa 'yo, okay lang sa akin." "Liar. Kung gano'n ay bakit hindi mo man lang ako nilingon kanina? Umiyak ka ba? Sorry na," malungkot niyang ani. "H-Hindi. Ayos lang, walang problema sa akin 'yon. Bago pa ako dumating sa 'yo ay ganoon ka na talaga, 'di ba? Kaya wala akong karapatang pigilan ka dahil binili—" "So kung may karapatan k
Read more
Chapter 17
EZRA"Napapansin ko na nagiging malapit ka na sa babae. Alam mong hindi 'yon maaari sa organisasyon natin." Komento ni Luther. Ang bago kong pinagkakatiwalaan sa pera na lumalabas at pumapasok sa organisasyon. "Stupid. Ganoon talaga si Ezra sa mga nagiging babae niya, 'di ba Ezra?" Pagtutol ni Chester. Tumango ako, "Kailangan na maipakita ko na siya ang kahinaan ko para malaman ko kung sino ang mga tunay kong kalaban." Pumalakpak si Chester na para bang tuwang-tuwa dahil tumumpak siya. "HAHAHAHA well," "About Everleigh, wala akong nakuhang impormasyon sa kan'ya. Alam kong hindi mo pinag-utos sa akin ang bagay na ito pero tinrabaho ko na dahil iniisip ko na baka masyado kang kampante sa babaeng 'yon." Si Archie. Magaling siya pagdating sa mga computer. Siya rin ang inaatasan ko pagdating sa pagkakalap ng ano mang impormasyon sa iba't ibang tao. "You don't need to do that. I know her, I know all about her." Mahinang sagot ko at napangiti ng
Read more
Chapter 18
EVERLEIGH"H-Ha..." Mahinang hininga ang nilabas ng bibig ko matapos na magising. Mabilis na gumusot ang mukha ko sa naramdamang sakit sa iba't ibang bahagi ng katawan ko. Nilibot ko ang paningin ko kahit pa hindi ko maimulat ng maayos ang kanan kong mata. "N-Nasa'n ako?" nagsimulang mamuo ang luha sa aking mata. "Ezra!" "Wala rito si Ezra." Nilingon ko ang lalaking nagsalita na 'yon. "Sino ka?! Anong ginawa ko sa 'yo?!" sigaw kong tanong at pilit kumakawala sa pagkakatali ng dalawa kong kamay. "Wala. Pero si Ezra meron." Sagot niya."Kung gano'n ay bakit ako ang kinuha niyo at hindi siya?" puno ng galit kong tanong 'yon. Natawa siya, "Bakit? Hahayaan mo bang makitang masasaktan siya?" pagtatanong nito at natigilan ako. Mas lumakas ang tawa niya, "Matagal ko 'tong hinintay! Sa lahat ng mga naging babae niya, ikaw lang napansin ko na tunay niyang pinahalagahan, hindi lang ang katawan mo. Tiyak na may nangyari na sa in—" "
Read more
Chapter 19
EVERLEIGH"AAAAHHHHH!" todo kong sigaw matapos mabugbog ng sobra. "Kung papatayin niyo ako ay barilin niyo na ako!" "Hindi masaya ang gano'n, maganda ang dinadahan-dahan." Sinipa ako sa mukha ng isang lalaki. Sumunod ay tinuhod naman ako ng kasama pa nito sa tiyan. Napaubo na ako ng dugo. "Hindi naman siguro magagalit si boss kung galawin natin 'to, wala rin naman pakialam sa kan'ya si Ezra. Wala na ring kwenta pa ang babaeng 'to." Umiling ako, "Huwag. Nagmamakaawa ako, patayin niyo na lang ako ng walang ginagawang ganito." Pagmamakaawa ko at napaluhod na sa kanilang harap. Nginisihan lang ako ng isang lalaki at mabilis na lumapit. "Tumayo ka!" sigaw niya at hinila ang buhok ko paitaas. "Huwag!" sigaw ko at pinipigilan ang kamay nito na nasa aking damit. Pero wala akong nagawa at malaya niya iyong napunit. Nagsigawan silang tatlo na nasa aking harapan ngayon. Napatili ako matapos na ihiga ako nito sa sahig. "Huwag!" sigaw ko
Read more
Chapter 20
EVERLEIGH "Kahit nakahiga ka lang, nagawa mong inisin si Sylvie. Grabe tabas ng bibig mo, ah." Si Jair at natatawa. Huminga ako ng malalim, "Babalik ba ulit ako kay Ezra agad?" Umayos siya ng upo, "Sa tingin ko. Paniguradong hahanapin ka ni Ezra." "Hindi niya ako hahanapin. Hinayaan niya nga ako sa ganoong sitwasyon." Sagot ko at pumikit.Minulat ko rin agad ang mata ko, "Alam niyo ba ang dahilan kung bakit ako dinakip ng mga taong 'yon?" "Malaki ang kasalanan ni Ezra sa mga Williams—" "Jair, pinapatawag ka ni boss. Hayaan mo muna makapagpahinga si Everleigh." Pagsulpot ni Tobias. "Sige sige," si Jair at nilingon ako. "Labas muna ako, magpahinga ka." Tumango lang ako bago siya mawala sa paningin ko. Mas pinili ko muna ang matulog dahil sa paraan na 'to lang ako makakapagpahinga. Baka mamaya pag-gising ko ay kailangan ko na ulit makabalik kay Ezra. Nag-iisip ako ng paraan kung paano ko siya haharapin. Kung ano-ano a
Read more
PREV
123
DMCA.com Protection Status