Lahat ng Kabanata ng Mr. Vilmora's Accidental Bride: Kabanata 11 - Kabanata 20
39 Kabanata
11 - Confrontation and Confession?
Naiwan namang tahimik ang dalawa sa sala at tangging tunog lang na nanggagaling sa telebisyon ang maririnig. Halos hindi pa rin makatingin si Chyna kay Hendrix habang si Hendrix naman ay nakatuon lang ang paningin sa kaniyang asawa. "Bakit ka pala nagpunta?" tanong naman ni Chyna para matapos ang katahimikan. "Nandito ka eh, susunduin lang sana kita kaso pinapasok ako ni Mama," sagot nito sa asawa at napansin naman ni Chyna ang tinawag nito sa kaniyang Ina pero pumikit na lang ito para iwaksi ito sa isip niya. Natahimik naman silang muli pagkatapos noon, magsasalita na sana ulit si Hendrix ngunit tinawag na sila ng Ginang para kumain kaya nagpunta na sila sa hapag at sabay-sabay kumain. "Kamusta ka naman Hendrix?" tanong ng Ina ni Chyna. "Okay lang naman ho, medyo busy lang sa trabaho," sagot nito bago uminom ng tubig. "Alagaan mo rin ang sarili mo ha, baka naman magkasakit ka niyan kakatrabaho," paalala naman nito. "Opo. Nililimitahan ko rin ang masyadong pagtatrabaho para naaa
Magbasa pa
12 - We're a real couple now.
Chyna’s POVHindi ko na alam anong mararamdaman ko, sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nakangiti pa ‘tong lalaking ‘to sa harap ko. Feeling ko hindi totoo ‘to, baka nagha-hallucinate na lang ako. “Matagal ko na napapansin na may gusto ka sa ’kin Chy, ‘yung mga ngiti mo noon na simple lang, umaabot na hanggang mata kapag kaharap mo ko. Minsan pa nga naririnig kita na tumitili sa kwarto mo, nakikita ko paano ka nabibigla kapag may ginagawa akong kakaiba para sa ’yo . . . oo Chy napapansin ko lahat. Paanong hindi ko mapapansin kung sa ‘yo lang din naman nakatuon ang atensyon ko?” tanong niya, unti-unti namuo ang luha sa mata ko, tang*na namang hormones ‘to, nagiging sobrang emotional akong tao kahit hindi naman.“Pero hindi mo naman ako gusto,” sabi ko at napaiyak na nga. Tinakpan ko ang mukha ko habang umiiyak naramdaman ko naman ‘yung kamay niya at tinanggal ang takip sa mata ko, hindi matigil ang pagtulo ng luha ko kaya kahit nakatingin na ako sa kaniya ay tumutulo pa rin ang
Magbasa pa
13 - The butterflies
Ganoon lang ang naging daloy ng bawat araw namin, sabay kami sa breakfast, ihahatid niya ako sa campus, after naman ng classes ko ay siya rin ang susundo sa akin at sabay kami maghahanda ng dinner namin.Sa campus naman ay mukhang alam nang may boyfriend ako dahil madalas na rin siya makita, sa tuwing hinahatid at sinusundo niya ako ay pinagtitinginan kami. Paano ba namang hindi kami pagtitinginan eh napakaganda na nung kotse tapos napaka gwapo rin nung may-ari, pero okay na rin dahil simula nung makita kaming magkasama ay nawala na rin ang isyu na may sugar daddy ako.“Wala ba talaga si prof?” tanong ko kay Veronica dahil nagliligpit na siya ng gamit niya.“Ayan tulog pa, nag-announce na may meeting lahat ng professors kaya early dismissal ang lahat,” sabi niya kaya tumayo na rin ako at kinuha na ang mga gamit ko.“Uuwi ka na ba?” tanong ko naman nung palabas na kami.“May training ako ngayon eh. Si Hanz na lang pasamahin mo, aalis ka ba?” tanong niya naman kaya umiling ako.“Oh ano
Magbasa pa
14 - Accidents happen
Nakaupo lang ako dito sa may bench habang naglalaro ang mga kaklase ko sa court, P.E kasi namin ngayon pero nagsabi naman ako sa prof ko na hindi ako pwede maglaro dahil buntis ako, naintindihan niya naman at hindi na siya nagtanong. Nage-enjoy lang ako panoodin si Nica na ang saya saya maglaro sa may court, player ng volleyball si Nica at mga ganitong activity talaga nagpapasaya sa kaniya. Nakita ko naman si Allyson na palapit sa ’kin kaya ngumiti ako sa kaniya.“Pagod ka na?” tanong ko at inabutan siya ng pamunas ng pawis dahil pawis na pawis siya.“Medyo, kanina pa rin ako naglalaro eh. Ewan ko ba diyan kay Nica, parang hindi napapagod,” sabi niya naman at umupo sa tabi ko."Sa ganiyan siya masaya eh," sa
Magbasa pa
15 - Small gestures and sacrifices
Pagkarating ng mag-asawa sa ospital ay naasikaso naman agad sila dahil hindi ganoon karami ang tao. Nakapagpa-check up naman agad si Chyna sa doctor at mukhang okay lang naman ang lahat, doon lang nakampante si Hendrix.“Okay lang ang lahat Mister, ‘wag niyo na lang masyadong pagurin o paggalain ang asawa niyo para hindi na kayo masyadong nagpa-panic,” sabi ng doctor kaya tumango naman si Hendrix at nagpaalam na.Mabilis lang rin silang nakauwi sa bahay nila, umakyat agad si Chyna para makapagpalit ng damit at si Hendrix naman ay dumiretso sa kusina para magluto ng tanghalian nila kahit pasado ala una na ng tanghali. Hindi na ito nag-abala magpalit at itinupi na lang ang sleeve ng polo niya hanggang siko niya.Ganoon ang inabutan ni Chyna
Magbasa pa
16 - A normal day.
Nagdadabog ako habang pababa ng hagdan dahil sobrang aga ako ginising ni Hendrix ngayon, normal kong gising kapag may pasok ako ay alas sais ng umaga pero ngayon wala pang alas sais ay gising na ako. Ngayon na kami maga-ayos ng kwarto pero nakakabadtrip talaga na sobrang aga niya ako ginising.“Mahal ang aga nakasimangot ka,” bungad niya ng umupo ako sa dining table.“Ang aga naman kasi,” inis na sabi ko at inirapan pa siya, narinig ko naman ‘yung mahina niyang bungisngis kahit na nakatalikod sa’kin.“Nakakatuwa ba ‘yon Hendrix Gabrielle ha?” tanong ko kaya humarap naman siya agad nang nakangiti.“Akala ko kasi gusto mo gisingin kita ng maaga kasi gusto mo magpintura tayo ng kwarto. Gusto mo magpintura ng dingding ‘di ba?” tanong niya at nilapag na ang plato sa lamesa, kaagad ko naman naalala na sinabi ko nga pala ‘yon.“Okay,” sabi ko na lang at kumuha na ng fried rice na niluto niya, nilagyan niya naman ako ng ulam.“Napag-isipan mo na ba ano ipe-paint mo doon?” tanong naman ni Hend
Magbasa pa
17 - It was a perfect day, until he came.
Nag-asaran naman kami pagkatapos noon bago ako bumaba para magluto na nang tanghalian namin. Sinigang na lang ang lulutuin ko dahil ayon ang gusto ko ngayon, saktong naghahalo ako ng luto ko ng biglang may yumakap sa’kin, natigilan pa ako sandali pero naging ayos rin naman ako. Mukhang kailangan ko na masanay sa ganito dahil love language ata ng asawa ko ang physical touch.“Ang bango mahal,” komento niya habang nakapatong pa ang baba sa balikat ko, kumuha naman ako ng sandok para ipatikim sa kaniya ang sabaw.“Oh tikman mo,” sabi ko at lumingon sa kaniya.“Hala baka maging kambal pa anak natin,” sabi niya kaya napakunot ang noo ko, na-gets ko naman ang sinabi niya nung nakita ko ‘yung pagpipigil niya ng tawa kay
Magbasa pa
18 - No, you are not.
Napatawa akong muli dahil sa naisip ko, wala akong tatay. Simula ng isilang ako sa mundong ‘to ay wala na akong tatay, kaya wala akong kikilalaning tatay. Tawa lang ako ng tawa na parang baliw, napatigil lang ako ng hawakan ni Hendrix ang kamay ko.“No, wala akong tatay Ma,” sabi ko naman habang nakangiti kahit unti-unti na namumuo ang luha sa mga mata ko.“Anak, pakinggan mo muna ang tatay mo,” kalmadong sabi ni Mama at tinanguan ako pero umiling ako.“Hindi, kumain na tayo para makauwi na rin kami agad. Tama na 'yang joke mo Ma,” sabi ko naman at sumubo pa ako ng pagkain.Sobrang tahimik sa lamesa, kutsara at tinidor lang ang maririnig, nararamdaman ko naman na tinitingnan nila ako. Hindi
Magbasa pa
19 - Another 'normal' day in Chyna's life.
Nagising ako ng maramdaman na tila ba ay gusto akong gisingin ng araw dahil sa mismong mukha ko nakatapat ang sinag, pinilit ko na lang 'wag mag-isip ng hindi maganda para hindi agad masira ang araw ko.  Nag-inat ako at doon ko nakita na nakapatong ang kamay ni Hendrix sa may tiyan ko kahit na nakadapa siya, doon ko lang rin napansin na may umbok na ang tiyan ko, mukhang nagpapakita na si baby.Malapit na pala mag-four months si baby at malapit na rin malaman ang gender niya. Kinurot ko naman ng pasimple si Hendrix para magising siya dahil pareho kami may pasok ngayon, hindi niya pa ako pinansin nung una at kumunot lang ang noo pero noong kurutin ko ang ilong niya ay doon naman siya napadilat at napatingin sa’kin.“Good morning ganda,” bati niya
Magbasa pa
20 - And it started.
Ilang linggo ang nakalipas buti na lang at hindi na kami nagkaroon ng away ni Bea dahil ayoko na rin naman talaga ma-involve sa kung anong meron sa kanila ng boyfriend niya.“Sunduin kita mamaya, sa labas na lang tayo mag-dinner. Six pm tapos ng klase mo ano?” tanong ni Hendrix noong malapit na kami sa campus kaya tumango ako.“Okay, ingat ka sa pag-drive mahal,” sabi ko naman at humalik na sa kaniya bago ako bumaba ng sasakyan.Pagkarating ko sa meeting place namin ay nandoon na sila kaya pumasok na kami ng sabay sabay. Pinagtitinginan na naman ako dahil halata na ang tiyan ko pero hindi ko na pinansin dahil bakit ba ako mahihiyang buntis ako?“‘Yung akala mo siya ‘yung mabait pero siya pa unang nabuntis,” sabi agad ni Bea pagkapasok namin ng room pero nilagpasan ko na silang magkakaibigan dahil ayoko sila pagbuhusan ng lakas.“Sure kaya siya sa tatay noon or baka iba ang tatay?” tanong ni Geraldine at tumawa naman sila ng sabay sabay, napansin ko ring hindi na nagsasalita si Nica at
Magbasa pa
PREV
1234
DMCA.com Protection Status