Nag-asaran naman kami pagkatapos noon bago ako bumaba para magluto na nang tanghalian namin. Sinigang na lang ang lulutuin ko dahil ayon ang gusto ko ngayon, saktong naghahalo ako ng luto ko ng biglang may yumakap sa’kin, natigilan pa ako sandali pero naging ayos rin naman ako. Mukhang kailangan ko na masanay sa ganito dahil love language ata ng asawa ko ang physical touch.
“Ang bango mahal,” komento niya habang nakapatong pa ang baba sa balikat ko, kumuha naman ako ng sandok para ipatikim sa kaniya ang sabaw.
“Oh tikman mo,” sabi ko at lumingon sa kaniya.“Hala baka maging kambal pa anak natin,” sabi niya kaya napakunot ang noo ko, na-gets ko naman ang sinabi niya nung nakita ko ‘yung pagpipigil niya ng tawa kay
Napatawa akong muli dahil sa naisip ko, wala akong tatay. Simula ng isilang ako sa mundong ‘to ay wala na akong tatay, kaya wala akong kikilalaning tatay. Tawa lang ako ng tawa na parang baliw, napatigil lang ako ng hawakan ni Hendrix ang kamay ko.“No, wala akong tatay Ma,” sabi ko naman habang nakangiti kahit unti-unti na namumuo ang luha sa mga mata ko.“Anak, pakinggan mo muna ang tatay mo,” kalmadong sabi ni Mama at tinanguan ako pero umiling ako.“Hindi, kumain na tayo para makauwi na rin kami agad. Tama na 'yang joke mo Ma,” sabi ko naman at sumubo pa ako ng pagkain.Sobrang tahimik sa lamesa, kutsara at tinidor lang ang maririnig, nararamdaman ko naman na tinitingnan nila ako. Hindi
Nagising ako ng maramdaman na tila ba ay gusto akong gisingin ng araw dahil sa mismong mukha ko nakatapat ang sinag, pinilit ko na lang 'wag mag-isip ng hindi maganda para hindi agad masira ang araw ko. Nag-inat ako at doon ko nakita na nakapatong ang kamay ni Hendrix sa may tiyan ko kahit na nakadapa siya, doon ko lang rin napansin na may umbok na ang tiyan ko, mukhang nagpapakita na si baby.Malapit na pala mag-four months si baby at malapit na rin malaman ang gender niya. Kinurot ko naman ng pasimple si Hendrix para magising siya dahil pareho kami may pasok ngayon, hindi niya pa ako pinansin nung una at kumunot lang ang noo pero noong kurutin ko ang ilong niya ay doon naman siya napadilat at napatingin sa’kin.“Good morning ganda,” bati niya
Ilang linggo ang nakalipas buti na lang at hindi na kami nagkaroon ng away ni Bea dahil ayoko na rin naman talaga ma-involve sa kung anong meron sa kanila ng boyfriend niya.“Sunduin kita mamaya, sa labas na lang tayo mag-dinner. Six pm tapos ng klase mo ano?” tanong ni Hendrix noong malapit na kami sa campus kaya tumango ako.“Okay, ingat ka sa pag-drive mahal,” sabi ko naman at humalik na sa kaniya bago ako bumaba ng sasakyan.Pagkarating ko sa meeting place namin ay nandoon na sila kaya pumasok na kami ng sabay sabay. Pinagtitinginan na naman ako dahil halata na ang tiyan ko pero hindi ko na pinansin dahil bakit ba ako mahihiyang buntis ako?“‘Yung akala mo siya ‘yung mabait pero siya pa unang nabuntis,” sabi agad ni Bea pagkapasok namin ng room pero nilagpasan ko na silang magkakaibigan dahil ayoko sila pagbuhusan ng lakas.“Sure kaya siya sa tatay noon or baka iba ang tatay?” tanong ni Geraldine at tumawa naman sila ng sabay sabay, napansin ko ring hindi na nagsasalita si Nica at
“Bakit nandiyan ‘yan?” tanong ko nang matanaw ko si Kim sa labas ng bahay namin at mukhang papasok na pero nakita niya ang sasakyan namin.“I don’t have an idea,” sagot ni Hendrix habang nagda-drive palapit ng bahay namin.“Hi, I just wanted to drop by to give you this, nag-shopping kasi ako sa sweet place at naalala kita kaya ayan,” sabi ni Kim noong pagkalabas namin ng sasakyan at agad na inabutan si Hendrix ng isang paper bag, napairap naman ako at nilagpasan na lang siya at binuksan ang gate sa garahe.“Grabe sobrang insensitive,” bulong ko habang naglalakad papasok ng bahay.Bumalik naman ‘yung pagkabadtrip ko dahil sa kaniya kaya hindi na lang ako nakipag-usap dahil baka masapak k
Nandito kami ni Nica ngayon nakasandal sa may puno dito sa may likod ng school dahil hinihintay namin sila Hanz at mamaya ay aalis kami, pupunta kami doon sa may peryahan na nagbukas na dahil 'Ber' months na ulit.“Tingnan mo, maganda?” tanong ni Nica at hinarap sa’kin ang sketch pad niya, ini-sketch niya ‘yung view namin ng school ngayon kaya napangiti naman ako.“Maganda,” sagot ko at tinuon na ulit ang paningin ko sa langit dahil sobrang ganda ng langit ngayon.Pumikit ako para umidlip sana dahil maya maya pa ang dismissal nila Hanz, sobrang nakakarelax kapag ang tahimik lang ng paligid tapos ang lamig ng simoy ng hangin kahit nakatirik ang araw.Makakaidlip na sana a
Third Person’s POVBiglaan ang naging pagbangon ni Chyna dahil sa pakiramdam nitong nasusuka siya, nagising rin ang kaniyang asawa ng marinig ang malalakas na yabag ni Chyna. Agad na nasuka si Chyna sa bowl nang makarating siya doon at nakasunod naman sa kaniya si Hendrix at inalalayan siya.“Aray ko po,” mahinang sabi naman ni Chyna ng maramdaman ang sakit ng kalamnan niya.“Anong masakit?” tanong naman ni Hendrix sa asawa habang hinuhugasan ang mukha ng asawa niyang nakatungo pa rin sa tabi ng bowl.“Bangon na diyan, doon ka na muna sa kwarto,” sabi pa nito sa asawa at tinulungan siyang tumayo at inakay pabalik ng kama nila.Bumalik naman si Hendrix p
“Tawagan mo ako kapag uuwi ka na ha,” paalala naman ni Hendrix sa asawa.“Yes po. Bye! Ingat ka sa pag-drive ha,” sabi ni Chyna sa asawa at humalik dito bago bumaba ng sasakyan.Pinanood pa ni Chyna hanggang sa makalayo ang sasakyan bago siya pumasok sa bahay nila ng Ina dahil nagbalak silang magsimba ngayong araw, hindi naman nakasama si Hendrix dahil may aasikasuhin sa kumpanya kaya hinatid na lang siya nito.“Mama, nandito na ako,” sabi ni Chyna nang makapasok sa sala nila ngunit walang tao doon.“Mama?” tawag pa niya ulit ngunit nakarinig na siya ng nagu-usap mula sa kusina kaya nagpunta siya doon, nagulat naman siya ng makita kung sino ang kasama ng kaniyang Ina habang naga-ayos
“S- saan galing ‘yan?” tanong ko kay Nica habang nakatingin sa litrato na nakapost.“Hindi ko alam pero kung sino man ang nag-post niyan napakalaki niyang gag*! Anong kakatapos niyo lang gumawa ng ‘deed’ sa loob ng locker room? Eh ni hindi ka pa nga nagkakajowa bago ka kinasal,” galit na sabi naman ni Nica sa tabi ko.Nahihiya ako pakiramdam ko ay nabastos ang pagkatao ko sa picture na ‘yon, tapos ‘yung post pa mukhang magpapahamak sa’kin dito sa school. ‘After doing the deed’ lang ang caption noon pero dahil sa locker room ang picture baka mapagalitan pa ako lalo na ang picture ko ay palda lang at walang damit kaya kitang kita ang harapan ko.