All Chapters of The Contract: Chapter 41
41 Chapters
Epilogue
“Congratulations.” Wika ng lahat nang nasa mesa kina Olivia at Vanadium. Nandito sila ngayon sa reception ng kanilang kasal at masayang nagkukwentuhan. Nakapalibot ngayon sa mesa ang apat na kaibigan ni Vanadium, ang pamilya ni Olivia, pati na rin ang pamilya ni Nanay Rina. Nandito rin ngayon sina Thori at Inday samantalang si Seleni naman ay hindi nakarating dahil may biglaan daw itong emergency. Nagpadala na lamang ito ng regalo sa mag-asawa at ngayon niya lang din nalaman na magpinsan pala ang babae saka si Vanadium. Hindi man lang ito nasabi sa kaniya noon ni Leni pero ayos lang, hindi naman iyon masyadong importante. “Salamat.” Ngumiti ng matamis si Olivia sa lahat ng nasa mesa. “Anak,” lumingon si Olivia sa kanyang Inay na siyang tumawag sa kaniya. 
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status