All Chapters of One Night With The Villacorta's Heir: Chapter 11 - Chapter 20
33 Chapters
10
Napalingon ako sa pinto at nagulat ako ng makita si Tristan, napangiti ako at saka tumakbo sa kinatatayuan nya at sya'y niyakap. Hindi ko alam ang sayang nararamdaman ko dahil ngayon ko lang naranasan ang ganitong klaseng surprised."Are you happy with this?" Tanong ni Tristan habang nakaturo ang dulo ng kanyang hinututuro sa mga bagay na nakakalat sa loob ng kwarto "I have a question." Kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya.Tiningnan ko sya ng deretso, napakunot ang noo ko ng bigla syang ngumiti. Tinitigan kong mabuti ang mapupungay nyang mga mata, napangiti na lamang ako ng mabasa ko ro'n ang excitement."Sige lang." Sambit ko, nagulat ako ng bigla nya akong hilahin dahilan para maglapit ang mukha naming dalawa "A-ano bang ginagawa mo?" Naguguluhang tanong ko sa kanya, napapikit na lamang ako dahil ang akala ko ay hahalikan nya ako."Will you be mine?" He asked dahilan para imulat ko ang aking mga mata."Matagal na akong sa'yo," Sagot k
Read more
11
"Ang sarap pala ng ganito 'no? Hindi mo kailangang bumyahe ng malayo para lang makita ako." Natawa na lamang ako sa sinabi n'yang iyon, hindi ko alam pero magmula kahapon ngayon ko lang sya nakitang ngumiti ng ganito "Stop staring at me, hindi ako buwan." Gracel said, I just shook my head before lent her a kiss."I was actually buying a lot for our future house kaso napaisip ako, masyado pang maaga para do'n at isa pa...........marami pa ang puwedeng mangyari ng hindi natin inaasahan." I said before kissed her again."Hmm." "What?""Totoo ba?""Ang alin?""Na ako pa lang ang naging girlfriend mo." "Yes, why?""Wala lang.""Hindi puwedeng wala, alam kong may gusto kang tanungin pero nahihiya ka lang." "Wala nga."I was about to teased her again kaso biglang nag-ring ang phone ko kaya agad ko 'yong kinuha."Hello? Tristan Villacorta's speaking." Bungad ko.[How's you
Read more
12
TRISTAN'S POV.Hindi ko talaga maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko si Gracel, s'ya ang dahilan kung bakit nabubuo ang araw ko. She complete me."L-lo," utal kong sabi nang makita ko ang Lolo ko.Nakaupo s'ya sa couch habang may hawak na tasa. He's wearing a black tuxedo. Napatikhim pa ako bago tuluyang lumapit sa kanya at nagmano, hindi ko alam na ngayon ang uwi nya."Sa'n ka nanggaling?" He asked in a serious way.Napag-desisyunan kong umupo muna bago sumagot sa kanya, it's been 1 year magmula no'ng huli kaming nagkita. Hindi man lang ako na-excite na makita s'ya."Company," maikli kong sagot."I want you to marry Aira, the daughter of Mr. Sandejas." Para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig kong iyon nagtatanong kong tiningnan si Lolo "Alam mong maka-pangyarihan ang pamilya nila, at kung s'ya ang mapapang-asawa mo hindi mo na kailangan pang mag-alala. Sagot na nila ang mga utang
Read more
13
Tristan sent me a message. "Gracel, always remember that no matter what ikaw lang ang babaeng mahal ko. Gusto ko rin humingi ng tawad sa'yo babe, babalik ako at sa araw ng pagbabalik ko pangako..............magpapakasal na tayo." Nang mabasa ko ang message ni Tristan agad akong nakaramdam ng kakaiba. Iba ang pahiwatig ng mensahe nya, tila ba aalis s'ya at iiwan ako. "Nak, bakit parang bigla kang tumamlay?" Tanong ni Mama, imbes na magsalita at sagutin ang kanyang katanungan binigyan ko na lamang s'ya ng mapait na ngiti.I decided to call Tristan, ilang beses ko itong dinial ngunit ni isa sa tawag ko ay hindi nya sinagot. Hindi ako tumigil kakatawag, hindi naman siguro s'ya busy para hindi sagutin ang tawag ko. "Kung ayaw sumagot itext mo na lang," rinig kong sabi ni Papa. Napatango ako.To: Mister ko"Busy ka ba? Bakit hindi mo sinasagot?" "Tristan, kinakabahan ako sa'yo. Naka-ilang missed ca
Read more
14
THIRD PERSON'S POV.Busy ngayon sa trabaho si Carter nang makatanggap s'ya ng tawag galing pilipinas, tumawag ang kanyang ama."Dad, wag ngayon I'm busy." Sambit nito sa kabilang linya.[Nandya'n na ba si Tristan?] Tanong ng Daddy nya na si Jonas."Yes, kahapon pa s'ya dumating dito. And as far as I now, inaasikaso na nila ang mga papers for the wedding." Kuwento ni Carter sa kanyang ama.[W-what?] Gulat na tanong ni Jonas."Yes, Tristan decided to marry the Sandejas daughter to save the company." Pagpapatuloy ni Carter.[Are you sure?] Pag-uusisa ni Jonas."Dad, sasabihin ko ba naman sa'yo ang lahat ng 'yon kung hindi totoo. Later ka na tumawag, I need to finish what I'm doing." Napa-buntong hininga pa si Carter bago tuluyang ibaba ang cellphone nya.Busy sa pagta-type si Carter, tila ba may hinahabol syang oras. Hindi nya na rin namalayan pa ang mga oras. Walang plano si Carter na umuwi sa kanilang ta
Read more
15
It's been a month, hindi pa rin naghihilom ang sugat sa puso ko. Sinubukan kong hanapin si Gracel pero hindi ko s'ya nakita, feeling ko lumalayo s'ya sa akin. Nagpasya akong pumunta sa bahay nila, nagbabaka-sakali na baka naka-uwi na s'ya."Kuya Roy, ano na?" Si Kuya Roy ang pinababa ko para tingnan kung may tao sa bahay nila Gracel."Mayro'n pero hindi ko kilala, lalaki e. Na sa 40 plus ang edad, matangkad tapos medyo puti na ang buhok." Imbes na magsalita pa, agad akong lumabas ng kotse. Rinig ko pang nagsalita si Kuya Roy ngunit hindi ko na ito pinansin, mas kailangan kong mahanap si Gracel kaysa makinig sa sasabihin nya.Finally! Na'ndito ang Papa ni Gracel, dali dali akong lumapit sa kinaroroonan nito. Akala ko magugulat syang makita ako pero nagkamali ako, wala man lang bakas ng pagkagulat sa mukha nya."S-sir," utal kong tawag rito.Nahihiya ako dahil sa nangyari, dalawang buwan na rin ang lumipas nang huli kong makita ang pamilya nila. Nakakalungkot ang nangyari dahil hindi
Read more
16
Muntik na akong mahulog sa kinahihigaan ko ng marinig ang tunog ng cellphone ko tanda ng may nag-send ng message. Kinuha ko ito, si Tristan.From: Mister ko "Nasa'n ka? Papunta ako ngayon sa bahay nyo."Ilang beses akong napalunok nang mabasa ang text nya, na'ndito s'ya sa Pilipinas? Magkahalong takot at excitement ang nararamdaman ko. Takot na baka kapag nalaman nya, piliin nya kami at pabayaan ang kumpanya nila at excitement naman dahil gustong gusto ko na ulit syang makita. Nananabik na ako sa kanyang mga yakap at halik.Hindi ko alam kung paano ikakalma ang aking sarili, pilitin ko mang pigilan ang nararamdaman ko ay hindi ko kaya."Bakit parang iba 'yang ngiti mo?" Tanong ni Mama, nagulat pa ako dahil hindi ko naramdaman ang pagpasok nya rito sa kwarto "Sumagot ka, bakit?" ulit nya."Na'ndito na ulit sa Pilipinas si Tristan!" Masaya kong sabi, nakangiti akong humawak sa aking tiyan habang hinihimas ito.Nakita ko kung paano tumamlay ang mukha ni Mama, nawala rin ang ngiti sa ak
Read more
17
"Umiri ka pa!" Sigaw sa'kin ng Doctor.Huminga ako ng malalim at umiri ng umiri. Mahigpit akong napahawak sa dulo ng hospital bed na hinihigaan ko ng maramdaman ko ang pag-awang ng puwerto ko, hingal na hingal ako. Hindi ko na nagawang bumitaw sa hinahawakan kong bakal dahil sa sakit, feeling ko mauubusan na ako ng dugo."Kaunti pa!" Muling sigaw ng doctor, pumwersa ako "Aba, bilisan mo! Madami pa akong paaanakin!" Sigaw pa nito sa akin.Iniangat ko ang ulo ko para makita ang doctor, babae s'ya at mukhang masungit ang mukha. Kumunot ang noo ko ng magtama ang tingin naming dalawa."Akala mo naman napakadaling manganak e 'no? E kung ikaw kaya ang mahiga ro'n at pairihin kita? Tingnan ko lang kung hindi lumuwa 'yang matress mo!" Inis na sabi ng aking ina.Hinigpitan ko ang pagkaka-hawak ko sa bakal, huminga ako ng malalim bago umiri. Dalawang beses akong umiri ngunit wala pa ring lumalabas."Tristan! Walang hiya ka! Papatayin kita!" Sigaw ko, at finally! Lumabas na ang baby ko, pangalan
Read more
18
I'm here now at the bar, nagpapaka-lasing. Akala ko nakalimutan ko na ang lahat, pero hindi pa pala dahil kahit anong gawin ko naka-dikit na talaga sa akin ang nangyari. My child doesn't deserve this kind of shit, it's all my fault."Tristan?" Rinig kong tawag ng kung sino, napalingon ako sa likuran ko "Hey, what's up?" Napakunot ang noo ko, hindi ko makilala kung sino lalaking na sa harap ko."Who are you?" Walang emosyon kong tanong sa lalaki, I heard him laugh."Damn bro, it's me Aby." Pagpapakilala nya, my brows furrowed. Aby was my first year college best friend, napailing ako bago tumayo at yakapin s'ya. 7 years na rin ang nakalipas mula no'ng hindi na kami nagkita, lumipat kasi sila dito sa America."I miss you," nakangiti kong sabi."Damn bro, it's been a year." Natatawa n'yang sabi.Halos ilang minuto rin kaming nagkuwentuhan, hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi nya dahil pa-iba iba s'ya ng language kung mag-salita. Ilang sandali pa, may tumapik sa braso ko. Nilingo
Read more
19
GRACEL'S POV.Lagi kong napapansin na may kausap si Mama Veron sa cellphone nya, pero kadalasan hindi nya ito pinaparinig sa akin. Tila may tinatago syang bagay na hindi ko alam."M-ma, sino po 'yong kausap nyo?" Tanong ko, nagbabaka-sakali na baka si Tristan 'yon.Hinawakan ni Mama Veron ang magkabila kong pisngi, nakaramdam ako ng kakaiba sa mga kilos nya. Nagtatanong ko syang tiningnan pero hindi man lang ako nakakita ng kakaibang ekspresyon sa kanyang mukha, napapaisip tuloy ako kung ano ang itinatago nya."H'wag mo nang intindihin pa si Tri—" hindi na naituloy ni Mama Veron ang sasabihin nya nang bumukas ang pinto, iniluwa nito si Carter."May pamilya na sa America si Tristan, ang sabi nya pa nga sana raw ay maging masaya ka." Para akong nauupos na kandila nang marinig ang sinabi ni Carter, nanghihina ako "Joke lang!" Kunot noo kong nilingon si Carter at pinaghahampas."Siraulo ka ba?" Inis na sabi ko sa kanya, halos bumagsak pa ako dahil sa sinabi nya tapos joke lang pala "Anong
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status