THIRD PERSON'S POV.
Busy ngayon sa trabaho si Carter nang makatanggap s'ya ng tawag galing pilipinas, tumawag ang kanyang ama."Dad, wag ngayon I'm busy." Sambit nito sa kabilang linya.[Nandya'n na ba si Tristan?] Tanong ng Daddy nya na si Jonas."Yes, kahapon pa s'ya dumating dito. And as far as I now, inaasikaso na nila ang mga papers for the wedding." Kuwento ni Carter sa kanyang ama.[W-what?] Gulat na tanong ni Jonas."Yes, Tristan decided to marry the Sandejas daughter to save the company." Pagpapatuloy ni Carter.[Are you sure?] Pag-uusisa ni Jonas."Dad, sasabihin ko ba naman sa'yo ang lahat ng 'yon kung hindi totoo. Later ka na tumawag, I need to finish what I'm doing." Napa-buntong hininga pa si Carter bago tuluyang ibaba ang cellphone nya.Busy sa pagta-type si Carter, tila ba may hinahabol syang oras. Hindi nya na rin namalayan pa ang mga oras. Walang plano si Carter na umuwi sa kanilang taIt's been a month, hindi pa rin naghihilom ang sugat sa puso ko. Sinubukan kong hanapin si Gracel pero hindi ko s'ya nakita, feeling ko lumalayo s'ya sa akin. Nagpasya akong pumunta sa bahay nila, nagbabaka-sakali na baka naka-uwi na s'ya."Kuya Roy, ano na?" Si Kuya Roy ang pinababa ko para tingnan kung may tao sa bahay nila Gracel."Mayro'n pero hindi ko kilala, lalaki e. Na sa 40 plus ang edad, matangkad tapos medyo puti na ang buhok." Imbes na magsalita pa, agad akong lumabas ng kotse. Rinig ko pang nagsalita si Kuya Roy ngunit hindi ko na ito pinansin, mas kailangan kong mahanap si Gracel kaysa makinig sa sasabihin nya.Finally! Na'ndito ang Papa ni Gracel, dali dali akong lumapit sa kinaroroonan nito. Akala ko magugulat syang makita ako pero nagkamali ako, wala man lang bakas ng pagkagulat sa mukha nya."S-sir," utal kong tawag rito.Nahihiya ako dahil sa nangyari, dalawang buwan na rin ang lumipas nang huli kong makita ang pamilya nila. Nakakalungkot ang nangyari dahil hindi
Muntik na akong mahulog sa kinahihigaan ko ng marinig ang tunog ng cellphone ko tanda ng may nag-send ng message. Kinuha ko ito, si Tristan.From: Mister ko "Nasa'n ka? Papunta ako ngayon sa bahay nyo."Ilang beses akong napalunok nang mabasa ang text nya, na'ndito s'ya sa Pilipinas? Magkahalong takot at excitement ang nararamdaman ko. Takot na baka kapag nalaman nya, piliin nya kami at pabayaan ang kumpanya nila at excitement naman dahil gustong gusto ko na ulit syang makita. Nananabik na ako sa kanyang mga yakap at halik.Hindi ko alam kung paano ikakalma ang aking sarili, pilitin ko mang pigilan ang nararamdaman ko ay hindi ko kaya."Bakit parang iba 'yang ngiti mo?" Tanong ni Mama, nagulat pa ako dahil hindi ko naramdaman ang pagpasok nya rito sa kwarto "Sumagot ka, bakit?" ulit nya."Na'ndito na ulit sa Pilipinas si Tristan!" Masaya kong sabi, nakangiti akong humawak sa aking tiyan habang hinihimas ito.Nakita ko kung paano tumamlay ang mukha ni Mama, nawala rin ang ngiti sa ak
"Umiri ka pa!" Sigaw sa'kin ng Doctor.Huminga ako ng malalim at umiri ng umiri. Mahigpit akong napahawak sa dulo ng hospital bed na hinihigaan ko ng maramdaman ko ang pag-awang ng puwerto ko, hingal na hingal ako. Hindi ko na nagawang bumitaw sa hinahawakan kong bakal dahil sa sakit, feeling ko mauubusan na ako ng dugo."Kaunti pa!" Muling sigaw ng doctor, pumwersa ako "Aba, bilisan mo! Madami pa akong paaanakin!" Sigaw pa nito sa akin.Iniangat ko ang ulo ko para makita ang doctor, babae s'ya at mukhang masungit ang mukha. Kumunot ang noo ko ng magtama ang tingin naming dalawa."Akala mo naman napakadaling manganak e 'no? E kung ikaw kaya ang mahiga ro'n at pairihin kita? Tingnan ko lang kung hindi lumuwa 'yang matress mo!" Inis na sabi ng aking ina.Hinigpitan ko ang pagkaka-hawak ko sa bakal, huminga ako ng malalim bago umiri. Dalawang beses akong umiri ngunit wala pa ring lumalabas."Tristan! Walang hiya ka! Papatayin kita!" Sigaw ko, at finally! Lumabas na ang baby ko, pangalan
I'm here now at the bar, nagpapaka-lasing. Akala ko nakalimutan ko na ang lahat, pero hindi pa pala dahil kahit anong gawin ko naka-dikit na talaga sa akin ang nangyari. My child doesn't deserve this kind of shit, it's all my fault."Tristan?" Rinig kong tawag ng kung sino, napalingon ako sa likuran ko "Hey, what's up?" Napakunot ang noo ko, hindi ko makilala kung sino lalaking na sa harap ko."Who are you?" Walang emosyon kong tanong sa lalaki, I heard him laugh."Damn bro, it's me Aby." Pagpapakilala nya, my brows furrowed. Aby was my first year college best friend, napailing ako bago tumayo at yakapin s'ya. 7 years na rin ang nakalipas mula no'ng hindi na kami nagkita, lumipat kasi sila dito sa America."I miss you," nakangiti kong sabi."Damn bro, it's been a year." Natatawa n'yang sabi.Halos ilang minuto rin kaming nagkuwentuhan, hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi nya dahil pa-iba iba s'ya ng language kung mag-salita. Ilang sandali pa, may tumapik sa braso ko. Nilingo
GRACEL'S POV.Lagi kong napapansin na may kausap si Mama Veron sa cellphone nya, pero kadalasan hindi nya ito pinaparinig sa akin. Tila may tinatago syang bagay na hindi ko alam."M-ma, sino po 'yong kausap nyo?" Tanong ko, nagbabaka-sakali na baka si Tristan 'yon.Hinawakan ni Mama Veron ang magkabila kong pisngi, nakaramdam ako ng kakaiba sa mga kilos nya. Nagtatanong ko syang tiningnan pero hindi man lang ako nakakita ng kakaibang ekspresyon sa kanyang mukha, napapaisip tuloy ako kung ano ang itinatago nya."H'wag mo nang intindihin pa si Tri—" hindi na naituloy ni Mama Veron ang sasabihin nya nang bumukas ang pinto, iniluwa nito si Carter."May pamilya na sa America si Tristan, ang sabi nya pa nga sana raw ay maging masaya ka." Para akong nauupos na kandila nang marinig ang sinabi ni Carter, nanghihina ako "Joke lang!" Kunot noo kong nilingon si Carter at pinaghahampas."Siraulo ka ba?" Inis na sabi ko sa kanya, halos bumagsak pa ako dahil sa sinabi nya tapos joke lang pala "Anong
TRISTAN'S POINT OF VIEW.Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga dahil sa pagod. Mula no'ng umalis ako sa bahay napag-desisyunan kong mag-tayo na lang ng business since may nabili naman akong farm rito, nagtanim ako ng strawberries and apples ang problema nga lang ay wala akong kasama sa pag-aasikaso rito dahil ayon sa balitang natanggap ko umuwi si Carter sa Pilipinas."Damn! Nakakapagod." Muli akong bumuntong hininga bago maupo, inabot ko ang tubigan ko at uminom "Ganito pala kapag walang sumusuporta sa'yo, lahat gagawin mo mabuhay ka lang at maka-ahon sa lubak na nilubugan mo." Tanging nasambit ko, bahagya pa akong napangiti.Ilang sandali pa, lumubog na ang araw kaya napag-desisyunan kong umuwi na dahil masama ang timpla ng langit baka umulan. Malapit lang dito ang bahay na nabili ko kaya naglakad na lang ako pauwi, habang naglalakad may napansin akong kakaiba sa pantalon na suot ko "Ano 'to?" Naguguluhang tanong ko ng maramdamang may tumama na matulis na bagay sa hita ko, s
TRISTAN'S POINT OF VIEW...Ngayon na, ngayon na ang oras para bumalik na ako sa bansang kinalakhan ko. Nalayo man ako sa bansang iyon, naging masaya naman ako dahil nabigyan ko ng oras ang sarili ko at nabigyan ko rin ng oras ang mga bagay na hindi ko pa nagawa."Goodbye, I will miss you." Paalam ko kay Sister Edna, s'ya ang naghatid sa akin dito sa airport dahil hindi alam ni Daddy na babalik na ako sa Pilipinas "Don't worry, since I'm going back to the Philippines you can borrow my farm." Nakangiti kong sabi, napalingon ako sa entrance ng Airport nang marinig na aalis na ang eroplanong sasakyan ko pabalik sa Pinas "Goodbye," hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Sister Edna, dali dali akong lumakad palayo sa kanya at nang makarating ako sa sliding door papasok sa loob hindi ko naiwasang hindi s'ya lingunin, kumakaway s'ya sa akin.Mapait akong napangiti nang makitang may mga luhang tumulo mula sa mga mata nya, kumaway na lang ako bago tuluyang tumalikod sa kanya "Here," ibinigay ko a
Ilang oras na ang nakalipas at hindi pa rin bumabalik si Carter, gabi na at hindi ko pa rin natatapos ang pinapagawa nya. Kailangan ko nang umuwi dahil paniguradong hinihintay ako ng mga anak ko, baka nga umiiyak na ang mga 'yon ngayon.Nagdesisyon akong puntahan na si Claire sa opisina nya, mabuti na lamang at hindi pa s'ya umaalis "Gracel, may problema ba?" Agad na bungad nya nang makapasok ako rito sa loob.Napakagat pa ako sa ibabang labi bago nagsalita "Ah kasi Claire......" Aaminin kong nahihiya ako, hindi naman sapat na dahilan ang pagiging magkaibigan namin para umalis na lang ako ng walang paalam."Ano ba 'yon? Sabihin mo na," sambit nya habang nakatutok ang mata sa laptop, pasimple pa akong dumungaw sa laptop nya pero hindi ko man lang nakita kung ano ang ginagawa nya "bilisan mo, time is gold." Dagdag pa nito, napatikhim pa ako."Magpapa-alam sana ak—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang sumenyas si Claire na tumigil ako 'tsaka nagsalita."Umuwi ka na dahil ti