All Chapters of Sold for a Billionaire's Son: Chapter 61 - Chapter 70
117 Chapters
CHAPTER SIXTY-ONE
Lloyd"Hindi ko rin in-expect na magagawa ko 'yon kay Matthew! Hindi ko naman sinasadyang paliparin siya't gustuhing umabot sa gano'n, ano! May konsensiya naman ako kahit papaano!" Paliwanag ko kay Alex habang ang tingin ko ay nasa mga bituin pa rin. "Ano ba kasing nangyari? Bakit umabot sa gano'ng sitwasyon?" pang-uusyosong tanong niya. "I saw him and Olivia! Sobrang dikit nila sa isa't isa. Alam mo 'yong parang romantic view sa mga romance movie kapag malapit na ang ending? Gano'n sila ka-close. Konti na nga lang at magkakapalit na sila ng mukha, 'eh!" Seryoso naman ang pagkakasabi ko't hindi rin naman ako nagbibiro ngunit laking gulat ko nang biglang humagalpak ng tawa si Alex, dahilan para lingonin ko siya."Ano namang nakakatawa sa sinabi ko, ha?!" magkasalubong ang dalawang kilay na tayong ko sa kaniya."Kunwari ka pang nabigla ka sa ginawa mo kay Matthew! Bakit kasi ayaw mo pang aminin na affected ka dahil nagseselos ka!" nakabungisngis na sambit niya habang napapailing pa.
Read more
CHAPTER SIXTY-TWO
Chapter 62OliviaTahimik akong nakaupo sa sulok habang pinagmamasdan si Matthew na hindi pa rin nagigising hanggang ngayon. Sabi ng doktor, dahil na raw ito sa gamot na ininom niya kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin siya dumidilat.Habang nakatingin ako kay Matthew ay hindi ko maiwasang isipin ang nangyari kanina. Hindi ko kasi lubos akalain na maaapektuhan si Lloyd kapag nakita niya kami ni Matthew na magkasama. Hindi ko alam kung nagselos ba siya, o sadyang sira na talaga ang ulo niya kaya niya ginawa 'yon.Habang nag-iisip ako'y bigla akong sinenyasan ni Daddy Richard. Itinuro niya ang labas na sa pakiwari ko'y sinasabi niyang lumabas na muna ako para makapag-usap kami.Kagaya ng sinabi niya'y lumabas nga ako at makalipas lamang ang ilang sandali ay sumunod na rin siya sa akin. Pagkalabas niya'y naupo siya sa upuan na malapit lamang sa pintuan ng kwarto ni Matthew at tsaka naupo doon."Tapatin mo nga ako, Olivia! Ano ba talagang nangyari sa anak ko?! Bakit umabot sa gano'n?" ser
Read more
CHAPTER SIXTY-THREE
OliviaNaalimpungatan ako nang bumukas ang pintuan at pagtingin ko'y pumasok mula roon si Lloyd. I was so surprised when I saw him holding a basket of fresh fruits. Nakita kong inilapag niya iyon sa lamesa at tsaka naghila ng upuan at inilagay sa sulok.Hindi ko siya tiningnan nang matagal pero tumatakbo siya sa isip ko noong mga oras na 'yon. Bringing fruits for his brother made me realize na hindi naman pala siya ganoon ka-sama na kapatid knowing na nasa kalagitnaan na ng gabi at halos lahat ng supermarket ay sarado na rin.Tahimik ang paligid namin noong mga oras na 'yon hanggang sa basagin niya ang katahimikan nang magsalita siya."Puwede ka nang umuwi para makapagpahinga ka, Olivia! Ako nang bahala kay Matthew." Aniya.Tahimik ang paligid kaya't umalingawngaw ang boses niya sa buong kwarto kahit na hindi naman kalakasan ang pagkakasabi niya.Hindi ko siya sinagot. Nanatili ako sa kinauupuan ko hanggang sa magsalita siyang muli."Kung iniisip mong may gagawin akong masama kay Matt
Read more
CHAPTER SIXTY-FOUR
Olivia"Buti naman at makakalabas na rin ako sa wakas! Sumakit ang katawan ko dahil sa ilang araw na paghiga ko." Sambit ni Matthew habang iginagalaw ang kaniyang balakang, saka siya umupo sa wheelchair.Kaya naman niyang maglakad. Sa katunayan nga'y malakas na siya. Para ngang walang nangyari, 'eh, pero bilin kasi ni Daddy Richard na ganito ang gawin kay Matthew. Siguro'y dahil na rin sa pag-aalala kaya ganoon na lang ang pag-aalala niya kahit na sinabi na ni Matthew na maayos na siya.Habang tulak-tulak no'ng nurse ang wheelchair kung saan nakaupo si Matthew, si Zander naman ay dala-dala ang lahat ng gamit ni Matthew habang ako naman ay naglalakad lamang sa likod nila. Tahimik lamang akong pinakikiramdaman sila hanggang sa mapansin kong pinigilan ni Matthew ang nurse kaya't napahinto ito."Olivia," aniya sabay hawak sa kanang kamay ko.Tiningnan ko lamang siya't hinintay ang kaniyang sasabihin. Hanggang sa ilang sandali pa'y nagsalita na rin siya. "Puwede bang huwag na akong mag-wh
Read more
CHAPTER SIXTY-FIVE
Chapter 65OliviaPaakyat na sana ako sa kwarto upang magpahinga nang marinig kong tawagin ni Daddy Richard ang pangalan ko. Nang lingonin ko siya'y natagpuan ko siya sa bandang pintuan ng opisina niya sa first floor.Pagpasok ko ay pinaupo niya ako kaagad. Ewan ko ba pero ang bigat nang pakiramdam ko ngayon. Maging ang kabog sa dibdib ko ay napakabilis rin. Hindi ko maintindihan kung ano bang nararamdaman ko ngayon."I'll be honest with you, Olivia! Alam mong higit kanino man, ang mga anak ko ang pinaka importanteng bagay para sa akin." Aniya at pagkatapos ay malalim na nagbuntong hininga. Pinilit kong tumingin ng deretso sa kaniya noong mga oras na 'yon kahit na medyo naiilang na ako."Hindi ko pa 'to nababanggit sa daddy mo pero siguro naman, sasang-ayon siya sa gusto kong mangyari!" dagdag niya pa. "Ano pong ibig ninyong sabihin?" magkasalubong ang dalawang kilay na tanong ko. "I want you and Lloyd to live on your own. Alam kong malaki naman 'tong mansiyon ko pero masyado na 't
Read more
CHAPTER SIXTY-SIX
LloydIyon ang kauna-unahang pagkakataon na nakita kong umiyak nang sobra si Olivia. Para bang ang matapang na Olivia ay panandaliang naglaho nang marinig ko ang pag-hagulgol niya sa loob ng cr.Ayos naman siya kanina no'ng kumakain kami. Oo nga't tahimik siya ngunit palagi naman talaga siyang gano'n. Anong nangyari sa kaniya, bakit bigla siyang umiyak?Dahan-dahan akong naglakad pabalik sa kama. Saka naupo at nagbuntong hininga ng malalim. Hindi ko pa rin talaga maalis sa isip ko si Olivia. May kung ano sa akin na nag-aalala sa kaniya.Hanggang ilang sandali pa, nagpasiya na akong magbihis. Tama! Dapat kong sundan si Olivia. After all, asawa ko pa rin naman siya kaya dapat sigurong magpakalalaki muna ako ngayon. Dapat ko munang kainin at lunukin ang pride ko upang damayan siya sa kung ano mang pinagdadaanan niya ngayon.Nang matapos akong magbihis ay kinuha ko na ang susi ng kotse kotse ko. Pagkalabas ko nang kuwarto ay nakasalubong ko si Matthew. Bigla na namang pumasok sa isip ko s
Read more
Chapter Sixty-Seven
LloydHabang nakahiga ako sa malambot kong kama ay iniisip ko ang sinabi sa akin ni Francheska kahapon. Totoo nga kaya ang sinabi niya na mahal ko na si Olivia? Bakit hindi ko kaagad iyon sinagot kung alam ko naman talagang hindi iyon totoo?Kung hindi ko siya mahal at wala naman akong nararamdaman sa kaniya, ano 'tong pag-aalala na nararamdaman ko sa dibdib ko? Bakit pakiramdam ko'y mabigat ang dibdib ko dahil hindi ko alam kung ano na bang lagay niya ngayon?Hindi ko tuloy maiwasang mapabalikwas sa higaan habang iniisip ko si Olivia. Ayos na kaya siya ngayon? Siguro naman ay maayos siya dahil kasama niya ang daddy niya. Safe naman siguro siya dahil hindi naman siya papabayaan nito.Habang paikot-ikot ako sa kama't iniisip si Olivia ay bigla akong nakarinig nang pagkatok. Kasabay nito ang pagtawag sa pangalan ng asawa ko.Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin si Matthew na nakatayo sa harapan ng pintuan ko."What do you need from her?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya."May s
Read more
Chapter Sixty-Eight
Lloyd"What did you do to Olivia?" sigaw ko na sinabayan rin naman ni Matthew."Anong ginawa mo kay Olivia, Papa?" tanong niya."I don't know what you're talking about!" malamig na tugon ni Daddy. Ni isang saglit ay hindi man lamang niya kami nilingon. Sa halip ay nakatuon ang kaniyang atensiyon sa mga papeles na kaniyang pinipirmahan sa ibabaw ng lamesa.Kapwa kami ni Matthew na nakatayo sa harap ni Daddy habang siya naman ay tila hindi interesadong lingonin kami."Tatayo na lang ba kayo riyan? I still have lots of things to do,so get out!" he added. "I will ask you this question once at kapag hindi mo ibinigay ang impormasyong gusto namin, pasensiyahan na lang, Daddy!" Napalingon sa akin si Matthew matapos kong sabihin iyon. Dahil din do'n ay nakuha ko ang atensiyon ni Daddy. Binitawan niya ang ballpen na hawat niya at humarap sa amin. "What do you need?" he said in a cold tone. "Anong ginawa mo kay Olivia? Bakit naglayas siya?" "Naglayas?" he smirked. "I didn't do anything.""
Read more
Chapter Sixty-Nine
Lloyd"Kuya, may nararamdaman ka na ba para kay Olivia?" tanong ni Matthew na siyang bumasag sa katahimikan sa loob ng kotse ko. Kasalukuyan akong nagda-drive no'ng tanungin niya iyon. Walang imik ko lamang siyang nilingon at pagkatapos ay muli kong itinuon ang aking atensiyon sa daan at nagpatuloy sa pagmamaneho. "Alam kong weird pero masaya akong magkasama tayo ngayon!" dagdag pa niya. Hindi pa rin ako sumagot. Hinayaan ko lang siyang magsalita nang magsalita. Mapapagod rin siya. "Alam mo, Kuya? Matagal kong pinangarap na makasama kita nang matagal gaya nito. Simula pa no'ng nalaman kong may kapatid pala ako!""Shut up! You're annoying!" pagrereklamo ko sa kaniya. "Kahit na lagi tayong nag-aaway at palagi kang galit sa akin, alam mo bang tinuturing pa rin kitang kapatid? Ginagalang pa rin kita gaya nang-" hindi niya na natapos ang kaniyang sinasabi nang lingonin ko siya't pandilatan ng mata. "Ano ba?! Sinabi ko bang mag-drama ka dito? I'm still hated you! Yes, I allowed you to
Read more
CHAPTER SEVENTY
Lloyd"Tingnan kaya natin siya sa sementeryo?" sambit ni Matthew habang hinihintay ko ang in-order naming pagkain sa receiving area ng drive thru.Nagpasiya kaming um-order para kapag nakita namin si Olivia at hindi pa siya kumakain ay may kakainin siya kaagad."Of all places, sa sementeryo pa talaga, Matthew? Kahit kailan talaga, hindi ka nag-iisip, 'no!" pagsusungit na sambit ko at pagkatapos ay inikot ang aking mata sa kaniya."Hindi 'yon imposible, Kuya! Hindi mo ba alam na patay na ang Mommy niya? Namatay siya no'ng pinanganak niya si Olivia.""I disn't know! Never niyang nabanggit sa akin 'yon!""Palagi mo kasi siyang sinusungitan kaya siguro 'di malapit ang loob mo sa kaniya, pero kung kikilalanin mo lang siya? You will know how amazing she is!"Hindi ko na siya sinagot pa. Pagkakuha ko nang order ko ay umalis na rin kami agad. Ang sabi ni Matthew, ilang kilometro raw ang layo no'ng sementeryo sa building na pag-aari ng Daddy ni Olivia. Pamilyar naman ako sa sementeryong iyon
Read more
PREV
1
...
56789
...
12
DMCA.com Protection Status