All Chapters of Suddenly Married to a Billionaire: Chapter 31 - Chapter 40
107 Chapters
TCC #16.1 The New Secretary
Halos magsisigaw sa galit si Dustin nang malamang nilayasan siya ng sekretarya niyang si Mariel. Ang masaklap ay dinala nito ang record ng kanyang schedule sa buong buwan ng Abril. Nawawala rin ang ilan sa mga mahahalagang gamit ni Dustin sa kanyang opisina."Find Mariel! NOW!"Agad na nagsitakbuhan ang kanyang mga tauhan sa pangunguna ni Feever para hanapin ang taksil at magnanakaw na si Mariel. Pabalik balik na naglalakad si Dustin habang nakahawak sa kanyang sentido ang kanyang kaliwang kamay at ang kanyang kanang kamay naman ay nakasuot sa bulsa ng kanyang kulay abong pantalon."Hindi ako dapat nagtiwala sa babaeng 'yon!" Saad ni Dustin.Natigil lang ang kanyang paglalakad nang pumasok sa kanyang opisina ang kanyang Papang si Don Alexander."I told you that I don't like her. Hindi mo naman ako pinakinggan." Naglakad si Don Alexander patungo sa paborito niyang pwesto at doon umupo. Naka de kwatro ito habang nakatingin sa mukha ng dismayado niyan
Read more
TCC #16.2 Celestine's Courage
"Girl, may work ka na ba? Sama na lang kaya tayo sa paghahanap ng trabaho? Wala pa ring tumatawag sa mga pinasahan ko ng resume eh. Lahat sila puro paasa. Nakakaloka!", wika ni Freya habang humihigop ng palamig."Inaalok ako ni Clark na magwork sa kanya kaso kahit gustuhin ko man, hindi pwede eh. Biglang pumapasok sa isip ko 'yung mga warning ni Dustin. Ewan ko ba parang nakaramdam ako bigla ng takot sa Papa niya. I mean kay Papa.", sambit ni Celine habang nangangain ng fishball.Tumingin ang dalawa sa tahimik na si Celestine. Naninibago sila dahil sa kanilang tatlo ay ito palagi ang nag oopen ng kung anu-anong topic. Niyakap nina Celine at Freya si Celestine."Cele, mukhang ang lalim ng iniisip mo ah. Baka pwede ka naming usungan sa bitbit mo. Pakiramdam kasi namin eh masyado nang mabigat eh.", turan ni Freya.Tinapik ni Celine ang likod ni Celestine at saka siya nagsalita, "Basta andito lang kami palagi ni Freya kapag kailangan mo ng mapaghihingahan. Au
Read more
TCC #16.3 Hide and Seek
"Shantal pwede ba wag mong gamitin ang koneksyon mo kay Papa?" Inis na saad ni Dustin sa kanyang bagong sekretarya."What happened Dustin? Bakit ka nagkakaganyan? The last time we met, gustong gusto mo akong makita palagi. Gustong-gusto mo ang mga halik at bawat paghaplos ko sa iyong katawan."Nilapitan ni Shantal si Dustin matapos nitong ikandado ang pinto ng opisina ni Saavedra. Inuumpisahan na naman niyang akitin si Dustin gaya ng kanyang plano. Hindi niya ginagawa iyon para maghiganti sa kanyang kapatid, ginagawa niya iyon dahil mahal na niya si Dustin."Stay away from me Shantal! Kasal kami ng kapatid mo. Baka nakakalimutan mo." May pagbabantang tonong sambit ni Dustin.Tumawa ng malakas si Shantal bago muling ibinalik ang kanyang tingin sa lalaking bukod tanging nagpatibok ng puso niya. Nilapitan niya ito at hinila palapit sa kanya. Ramdam na nila ang hininga ng bawat isa."If you can resist my charm, my hotness and my body, then I won't both
Read more
TCC #16.4 Forsaken Bond
Mariing ipinikit ni Shantal ang kanyang mga mata nang marinig niya ang boses ng kanyang Ate Celine. Ang kanyang mga daliri ay hindi mapakali samantalang ang kanyang isip ay nagtatalo kung lalabas ba siya ng banyo o hahayaan niyang makita siya ng kanyang kapatid sa mismong opisina ng asawa nitong si Dustin. Nang maalala niyang muli ang bilin sa kanya ni Dustin ay napagdesisyunan niyang lumipat ng kanyang pinagtataguan. Hindi siya pwedeng lumabas na lang basta pero maaari naman niyang padaliin ang paghahanap ni Celine sa kanya. Mula sa may bath tub ay lumakad siya patungo sa likod mismo ng pinto ng restroom. Pumwesto siya roon para mas madali siyang makita ni Celine. Dinig na dinig na niya ang mga papalapit na yabag at ang kasalukuyang pagtatalo ng mag-asawang Saavedra. “Bakit mo ba ako pinipigilang pumasok sa restroom ha, Dustin?” Inis na saad ni Celine nang bigla na naman siyang hawakan sa kanyang kamay n
Read more
TCC #16.5 Celine's Trap
Nanlaki ang mga mata nina Feever at Celestine nang makita nilang halos magkakasunod na lumabas sina Celine, Dustin at Shantal sa banyo. Nagsalubong naman agad ang kilay ni Freya at biglang kumulo ang dugo niya nang masilayan niya si Shantal. “Anong ginagawa ng isang traydor dito sa opisina ng asawa ng kaibigan namin?”, masungit na saad ni Freya habang tinatapunan niya nang mababagsik na tingin si Shantal. Tahimik lang si Celestine habang pinagmamasdan si Celine na kanina pang uminom ng uminom ng tubig. “Mag-iihi ka niyan Maám Celine.” Komento ni Feever. Hindi na niya napigilang hindi punahin si Celine dahil halos maubos na nito ang tubig na laman ng pitsel. Nilingon ni Freya si Feever at pinanlakhan ng mga mata. Ibinaling naman ni Shantal ang kanyang tingin kay Feeve
Read more
TCC #17.1 Don Alexander's Crib
Nagdadalawang isip si Celine na bumaba sa sasakyan. Nasa tapat na siya ng gate ng mansyon ni Don Alexander. She’s tapping her hands while holding the car’s steering wheel. Sumandal siya sa upuan bago nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Kinuha niya ang kanyang cellphone at idinayal ang numero ng kanyang Tatang Clenthon. Agad namang sinagot ng kanyang Tatang ang tawag niya. [ “Anak, kamusta ka na? Miss ka na namin dito. Ang tagal mo na ring hindi dumadalaw. May pera ka ba diyan?” ] Iniikot ni Celine ang kanyang mga mata bago sumagot sa tanong ng kanyang Tatang. Hindi talaga nawawala sa usapan ang pera sa tuwing tatawag siya. “Wala pa po akong pera Tatang eh. Natanggal po kasi ako sa trabaho”, pakli ni Celine. Narinig niyang nagmura ng mahina ang kanyang Tatang.
Read more
TCC #17.2 Ang Pagtatapat ni Celine
Celine could feel some butterflies in her stomach while taking a peek at Don Alexander’s serious face. Nangangatal rin ang kanyang kamay habang hawak-hawak ang tasa na may lamang tsaa. Nagitla siya nang biglang tumawa ng malakas si Don Alexander. “Why are you feeling anxious in front of me? Your actions and facial expressions reflect it.” Sambit ni Don Alexander. Tinawagan niya ang isa sa mga katulong niya para punasan ang mesa. Natapon ang tsaa ni Celine nang hindi niya namamalayan. “Naku! Pasensya na po. Hindi ko napansin na natatapon na pala ang tsaa ko.” Nahihiyang saad ni Celine sa katulong. Ngumiti lang ang katulong kay Celine na nagpapahiwatig na hindi siya dapat humingi ng pasensya. Sinenyasan ni Don Alexander na lumabas muna ng silid ang kanyang katulong. Mabilis namang tumalima ito sa kanya.
Read more
TCC #17.3 Don Alexander's Swift Action
Tila may kadenang nakatali sa mga paa ni Celine. Ramdam niya ang bigat ng mga ito. Halos hindi siya makahakbang palabas ng sala. Paulit-ulit sa kanyang isip ang sinabi ni Don Alexander na tatanggalin niya bilang CEO ng Saavedra’s Group of Companies si Dustin dahil sa eskandalong kinasangkutan nito. Nanlalamig ang buong katawan ni Celine. Pinagpapawisan siya ng malamig at para bang unti-unting nanghihina ang kanyang mga tuhod. “Hindi ko lubos maisip na ganun kabigat ang ipapataw na parusa ni Papa kay Dustin. Sigurado akong mag-iiba ang ihip ng hangin. Kakayanin ko bang pakisamahan ang nag-aapoy sa galit na si Saavedra?” Mabagal man ang bawat hakbang ni Celine ay nakarating din siya sa kinaroroonan ng kanyang sasakyan. Nangangatal ang kamay niya nang kinuha niya ang susi ng sasakyan sa kanyang bag. Napasandal siya
Read more
TCC #17.4 Feever's Mission
Mabilis na humakbang si Dustin palapit sa kinaroroonan nina Feever at Celine. Nagpakawala siya ng isang napakalakas na suntok sa mukha ni Feever na agad nagdulot ng pagdurugo sa labi nito. “FEEVER!” Malakas na sigaw ni Celine habang dalas-dalas tumakbo patungo sa napaupong si Feever. Tinapunan niya ng mabagsik na titig si Dustin na ngayon ay nakapewang sa harap nila. Dumura si Dustin matapos tingnan ng nakakamatay sina Celine at Feever. Humakbang siya para mas lalong mapalapit sa dalawa. Yumuko siya at itinukod ang isang tuhod. Ipinatong niya ang kanyang braso sa kanyang tuhod at ngumiti ng nakakaloko kay Feever. Nagpapahid ng dugo sa kanyang labi ang kanyang dating kanang kamay. “Kulang pa ‘yan sa atraso mo sa akin. Paano mo ako nagawang traydurin? Papalitan mo ako sa posisyon ko?” Tumaas ang kilay ni Saavedra a
Read more
TCC #17.5 Forced Departure
Nakaupo ng prente si Dustin sa may couch habang nakatingin ng malalim sa kanyang asawang si Celine. He narrowed his eyes when he saw her smile. “May nakakatawa ba, Celine?” Namilog ang mga mata ni Dustin nang sinagot lang siya ni Celine ng isa pang ngiti. He narrowed his lips and bit it. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at lumakad palapit sa kanyang asawa. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ni Celine at tinitigan ito ng matalim. Halos tumagos sa kaluluwa ni Celine ang pagtitig na iyon ni Dustin. “May alam ka ba kung bakit nangyayari ang lahat ng ito?” Napawi ang kurba sa labi ni Celine. Inilapit niya lalo ang kanyang mukha kay Saavedra. Kaunting galaw lang at mahahal*kan na nila ang isa’t isa. ‘Wala siyang alam. Ma
Read more
PREV
123456
...
11
DMCA.com Protection Status