All Chapters of Hiding My Professor's Daughter: Chapter 31 - Chapter 40
63 Chapters
Chapter 16.3
PRESENT TIMEIT TOOK a while before everything she heard from Nelma could finally sink into her mind. Hindi niya sukat-akalaing aabot sa puntong gagawa nang matindi si Reign para lang sirain ang pangalan at imahe niya sa buong campus. Ang isa pang hindi niya lubos na matanggap ay ang mapait na katotohanang kapatid ni Nelma ang lalaking kasama niya sa litrato noon!Her jaw dropped in surprise. Nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa kaibigan na patuloy ang pag-iyak."Paano mo nagawa sa 'kin 'to, Nelma? Akala ko ba kaibigan kita?" tanong ni Vesper na may lamig at galit sa paraan ng pananalita nito. "Hindi mo ba naisip na posible akong matanggalan ng scholarship dahil sa kahihiyang inabot ko? Kaya ako nag-aral sa edad kong 'to ay para matustusan ang anak ko pagdating ng araw pero anong ginawa mo? Ha?" aniya. Muli na namang nag-uunahan ang luha niya pababa sa kanyang pisngi."Wala akong choice, Ate! Pinagbantaan ako ni Reign na tatanggalin niya ako sa school at sisirain niya ang pamil
Read more
Chapter 17.1
KASAGSAGAN ng gabi. Nakaparada ang magarang service car ni Mavi sa parking lot ng condo building na tinitirahan ni Reign. Limang minuto nang nasa loob ng sasakyan si Mavi kasama sina Robert at Luther ngunit hindi pa rin ito lumalabas.Mag-isang tinutungga ni Mavi ang isang bote ng alak mula sa backseat. Ayaw niyang pumunta sa bar dahil tiyak paglabas niya ay siguradong wasak siya kaya nagpabili na lang siya ng alak kay Luther at ginawang painuman ang sariling sasakyan.Walang magawa ang dalawa kundi hayaan ang kanilang amo na gawin ang gusto kahit naisin man nilang pigilan ito. Nagmamatigas si Mavi at nagpupumilit na harapin si Reign sa kabila ng paglalasing nito dulot ng matinding stress dahil sa eskandalong kinasangkutan ni Vesper sa school.Mula sa rearview mirror ay makikita ni Robert si Mavi na halos gawing tubig ang iinom na alak."Sir," pukaw ni Robert kay Mavi. "I don't think it's good for you to leave the car. It's too dangerous.""Tama si Robert, Boss," sang-ayon ni Luther. "
Read more
Chapter 17.2
"MAVI, you're here," she greeted him. Dumiretso ito papasok sa unit niya nang walang kibo. Agad namang isinara ang pinto at para sa seguridad nilang dalawa ay minabuti ni Reign na i-lock iyon.Kakaiba ang Mavi na kaharap niya ngayon kumpara sa usual Mavi na kasama niya sa school. He looked so messy, and so is the polo he was wearing. Amoy niya rin ang alak sa katawan nito at mapapansin ang expression sa mukha nito na halatang masama ang loob."What brings you here? Wala ka bang kasama?" tanong niya kay Mavi."My bodyguards were outside. Hindi naman ako magtatagal. I just wanna tell you something," he answered coldly."And that would be?" she asked again, pretending to be innocent though, she has a good idea what he meant by those words.Mula sa likod ay nilingon siya ng lalaki—busangot ang mukha. "Ano bang gusto mong mangyari, Reign? Wala ka bang kakuntenuhan? Matapos mong awayin si Vesper, sinira mo ang gown niya sa party, tapos ngayon pinahiya mo siya sa buong campus just by exposing
Read more
Chapter 18
PUTING kisame ang tumambad kay Mavi pagdilat ng mga mata niya kinabukasan. He was greeted with silence as he roamed his eyes around the four sides of his room. He thought for a moment, trying to recall the events from last night.Pakiramdam ni Mavi ay nanikip ang dibdib niya nang maalala niya ang naging paghaharap nila ni Reign at sa kasamaang palad ay nauwi sa isang mainit na pagtatalik. Ang bawat indayog, halinghing at laway na pinagsaluhan nila ay talaga namang nagbigay ng kilabot sa kanyang sistema.It's a one-night mistake he deeply regretted. If he can only refresh his mind and continue with his life as if it never happened, he'll do so.Sa kabilang banda, may bahagi ng isip niya ang naguguluhan. Upang masagot ang mga katanungang bumabagabag sa kanyang isipan ay minabuti ni Mavi na bumangon mula sa kama at lumabas ng kwarto.Naabutan niya sa living room sina Robert at Luther na nakaupo sa sofa. Kusang tumayo ang mga ito at akmang lilipat sa gilid ngunit pinigilan sila ni Mavi."
Read more
Chapter 19
BUONG ARAW na nasa condo si Mavi upang ayusin ang grades ng mga estudyante niya. Nakapagdesisyon na siya at wala nang magbabago pa ro'n. Still, he needs to make sure everything has been settled before he entrusts his job to another faculty member. After all, naging malapit din naman sa puso niya ang bawat mag-aaral na hinawakan niya at hindi siya bababa ng entablado nang wala silang grado.Alas-sais na siya natapos sa kanyang trabaho. Pagod na sumandal si Mavi sa sofa habang iniwang nakabukas ang laptop na nakapatong sa ibabaw ng cocktail table. Inilagay nito ang mga palad niya sa likod ng kanyang ulo at sandaling pumikit. He sighed heavily, wondering when will all be over. Ang dami na nga niyang iniisip lately tapos may dumagdag pang malaking problema.As he gradually opened his eyes, he can see the reality of life, that people don't live on cloud nine but in the world like a staircase where you can go up and down.Naagaw ng katok ang atensyon niya dahilan upang lumingon kina Robert a
Read more
Chapter 20
TAAS-NOONG nilakad ni Reign ang malawak na campus na may ngiti sa kanyang labi. For the first time, she was able to share smiles with the people around her. Nababasa niya sa mukha ng mga ito ang pagkagulat at paninibago subalit hindi niya 'yon pinansin at tuloy-tuloy lang siya sa pagrampa na parang isang modelo.Hindi niya maitatago ang kanyang gayong successful ang plano niya laban kay Vesper. There's no doubt that she's starting to feel stressed and getting delusional about what is inside of the small present she sent her.Natitiyak niyang tuluyan nang lalayuan ni Vesper si Mavi at masosolo na rin niya ang lalaki. Hindi magiging madali subalit kampante siyang sa huli, sa kanya babagsak ang isang Mavi Villahermosa.Habang palapit siya sa science building ay napansin ni Reign ang mga taong nagkukumpulan sa labas. Sa dami ng mga ito, mistulang enrollment dahil halos nakapila na sila sa iisang direksyon."Huh?" she reacted, clueless.Dala ng kuryosidad, nagpasya si Reign na pumunta roon
Read more
Chapter 21
Eight years ago...SA ISANG carinderia huminto ang magarang sasakyan ni Bradford. Ayon sa kanyang source ay dito pinaniniwalaang nagtatrabaho ang dating kasintahan na si Vesper matapos itong mag-drop out sa school at pinaalis ng sarili nitong ama.Binuksan niya ang pinto ng backseat kung saan siya naupo at lumabas ng sasakyan. Pinagtitinginan man siya ng mga taong dumaraan sa gilid ng kalsada ay wala siyang pakialam. Pumasok siya sa loob ng kainan. Maririnig ang radyo na nakapatong sa ibabaw ng mesang madalas paglagyan ng mga kalderong may lamang ulam.Hapon na no'n kaya 'di katakatakang wala nang kumakain noong mga oras na 'yon at kaunti na lang ang naka-display na ulam. Hinagod niya ng tingin ang maliit na carinderia at sa mesang nakapwesto sa sulok ay nasilayan niya ang babaeng abala sa paglilinis ng mesa na ginamit ng customer na kaaalis lang. Ang talaga namang umagaw ng pansin ni Bradford ay ang laki ng pinagbago sa pisikal na anyo ng babae. Ang dating sopistikada at isa sa pinak
Read more
Chapter 22
NAGULANTANG ang mga netizens at fans dahil sa panibagong kontrobersiyang kinakaharap ni Mavi Villahermosa nang kumalat sa social media ang mga litrato nito sa Wonderrealm Amusement Park kasama ang isang non-showbiz person at isang batang babae.It was uploaded by a dummy account with the caption, 'The secret of Mavi Villahermosa'. May ilang mga netizens ang nakapagsabi na ang babaeng kasama nito sa amusement park ay isa sa mga estudyante ni Mavi at ang batang nasa litrato ay ang kanilang anak. Umani iyon ng sangkatutak na reaksyon at naging bali-balita hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.Dahil dito, lalong humigpit ang seguridad ni Mavi upang maproteksyonan ang sarili. Kahit sa tinutuluyan niyang condominium complex, hindi siya tinantanan ng mga camera at media dahilan para manatili muna sa loob ng condo si Mavi hanggang sa lumamig ang sitwasyon.Sinubukan niya ring magpadala ng magbabantay sa apartment ni Vesper ngunit hindi pumayag ang landlord ayon sa hiling ni Vesper na b
Read more
Chapter 23.1 (Past)
Eight years ago...TREMBLING with fear, Vesper was staring at the pregnancy test she was holding. Ilang minuto na siya sa loob ng banyo at hindi sigurado kung kakayanin niya pang lumabas matapos makita ng kanyang mga mata ang dalawang guhit sa pregnancy test kit.Nagsimula ang kanyang pagdududa nang hindi siya datnan ng isang buwan, bagay na imposibleng mangyari dahil regular ang menstruation niya. Napapadalas din ang pagsama ng pakiramdam niya at may mga episode na siya'y naduduwal o nagsusuka. Dahil dito, nagpasya na si Vesper na mag-take ng PT at ang resulta ay labis niyang ikinabahala. Paano niya itatago sa daddy niya ang kanyang pagbubuntis? Natatakot siya sa maaaring reaksyon o gawin sa kanya nito sa oras na malaman ito ng kanyang ama. Dalawa lang ang posibleng mangyari kung sakali—it's either she will lose her riches or worst, her child.Matagal niyang itinago ang relasyon niya kay Mavi sapagkat alam niyang tututol ang daddy niya dahil ibang mundo ang ginagalawan niya kumpara k
Read more
Chapter 23.2 (Present)
PRESENT TIMEHALOS 'di umalis ng funeral homes si Bradford kung saan nakahimlay pa rin ang mga labi nina Reign at Peter Ibarra. Ngayon ang huling araw ng burol ng mag-ama at bukas ay nakatakda nang ihatid ang dalawa sa kanilang huling hantungan.Gaya ng pag-asikaso niya sa paglilibingan ng kanyang mga yumaong mahal sa buhay, naayos na rin ni Bradford ang plano niyang paghihiganti kay Mavi.Binigyan niya ng ilang araw si Luther para gawin ang kanyang inuutos. Sana lang, sa susunod na pagtawag niya rito ay may magandang balitang ihahatid sa kanya si Luther.Damn, he was so excited to hear the next trending topic—'Prince of Melody' Mavi Villahermosa was killed. Kulang pa ang kasalukuyang kontrobersiyang kinakaharap ng lalaking 'yon para makaganti sa lahat ng atraso nito hindi lang sa kanya, kundi pati kay Reign na sinaktan niya nang husto.Muli ay nakatayo si Bradford sa harap ng mga labi ni Reign habang hinahaplos ang salamin ng kabaong ng dalaga. Sa halip na malungkot ay makikita sa hit
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status