Chapter 26 Pagkatapos kong maligo, dumiretso na ako sa vanity desk habang pinupunasan ang basa ko pang buhok gamit ang towel. Hindi na ako nagtaka sa nadatnan ko sa kwarto. Nasa kabilang dulo ng silid si Raven, nakaupo sa maliit na sofa malapit sa bintana. Nasa lap niya ang laptop habang tahimik na nagbabasa ng report. Napabuntong-hininga ako. Parang hindi talaga nauubusan ng trabaho ang lalaking ito. Tahimik akong lumapit sa dresser at nagsimulang gawin ang skincare ko. Paminsan-minsan, sumusulyap ako sa reflection niya sa salamin. Hindi man lang siya gumagalaw. Sobrang tutok. “You’re still working?” tanong ko habang isinasara ang takip ng moisturizer. Hindi niya agad inangat ang tingin. Narinig ko munang huminto ang pagta-type niya bago siya marahang sumagot. “Hm.” Napanguso ako. “That’s not an answer.” Bahagya niyang ibinaba ang laptop at saka tuluyang tumingin sa akin. “It means yes,” kalmado niyang saad. Napailing ako. “Hay, Mr. De Leon.” Tumaas nang bahagya ang isa
Read more