“Mama, pigtails, Mama. Tapos want ko rin po nitong clip na ‘to. Lagay mo po to my hair,” masiglang utos sa akin ni Chantal at inabot ang maraming makukulay at naliliit na hairclips na hawak niya. Excited siyang pumunta sa harapan ko at tumalikod para ayusan ko na siya ng buhok. Aayusin ko na sana siya ng buhok subalit agad ko ring narinig ang pag-angal ni Jarvis na nasa tabi namin ni Chantal at alam kong kanina niya pa kami inoobserbahan. “Chanty, sabi nga ni Tatay, ‘di raw puwede pagawain ang Mama kasi nga raw baka raw mapagod tapos ‘di maging healthy ang baby. Gusto mo ba ‘yon?” sermon niya sa kapatid. Agad na humaba ang nguso ni Chantal at nakasimangot na tiningnan ang kapatid, “Eh ‘di naman mapapagod si Mama Lyana, Jarvis. She’s sitting naman, ah?” giit niya. Umismid naman si Jarvis at hindi pa rin nagpatinag sa sinabi ng kakambal. Sunod-sunod siyang umiling habang naka-krus ang dalawang braso sa dibdib. “Sabi ko naman sa ‘yo, ako na maggaganyan sa ‘yo, ‘di na si Mama para
Last Updated : 2026-02-03 Read more