“Manang Lerma, napatulog ko na ang kambal. Si Preston ho ba, tapos na sa triplets?” Tumigil si Manang Lerma sa paghuhugas ng mga boteng ginamit ni Preston sa pagpapadede ng tatlo kaya naman tingin ko ay maging siya ay tapos na sa pagpapatulog sa triplets. “Ha? Ay, hindi ko napansing lumabas. Baka nandoon pa rin sa kuwarto. Kanina pa ibinigay sa akin ‘tong mga bote, e. Hugasan ko na raw para matuyo na kaagad,” sagot niya kaya’t wala sa sarili akong patango. “Tulog na po ba ang triplets noong pumunta kayo sa kuwarto?” Mabilis na umiling si Manang Lerma kaya’t lihim akong bumuntong hininga. Mukha ngang naghihirap ngayon si Preston, ah? Deserve. “Naglalaro sila noong pumasok ako. Noong umalis naman ako, nag-iiyakan ‘yong tatlo,” kaswal na sagot sa akin ni Manang Lerma kaya naman agad na nagtagpo ang aking dalawang kilay. Bumuntong hininga ako. “Bakit ho nag-iiyakan? Nag-away po ba? May masakit sa kanila?” Nag-aalalang tanong ko sa kaniya pabalik. “Ay, hindi. Nagpapala
Última actualización : 2026-02-03 Leer más