"Jake, hindi ba delikado diyan? Medyo basa ang lupa dahil umambon kaninang madaling araw," pag-aalala ni Adrian mula sa likod."We have safety lines and harnesses kung kinakailangan, Adrian. Besides, five meters lang naman mula sa temporary barrier," kalmadong sagot ni Jake bago tumingin kay Christel. "Unless... natatakot ang ating interior designer?"Ang hamon sa kaniyang tono ay malinaw. Tiningnan siya ni Christel nang may pagtitiim-bagang. "Hindi ako natatakot, Engineer."Lumakad si Jake patungo sa gilid ng talampas, at sumunod si Christel, pinipilit na huwag pansinin ang panginginig ng kaniyang mga binti dulot ng pinaghalong taas ng bangin at ang taong kasama niya. Nang marating nila ang dulo ng minarkahang perimeter, malayo na ang agwat nila kina Gladyz at Adrian na abala sa pakikipag-usap sa surveyor.Huminto si Jake at tumitig sa malawak na lawa sa ibaba. Ang hangin ay humahampas sa kanilang mga damit."Apat na taon, Christel," biglang wika ni Jake, walang pasubali, haban
Read more