Semua Bab His Infinite Affection (Sequel of Debt Repayment): Bab 31 - Bab 40
80 Bab
The Set-up
Hindi maiwasang makaramdam ng kaba si Ronnel ng ipatawag siya ni Mr. Saderra sa opisina nito. May nagawa ba siyang mali o baka naman may ipapagawa ito sa kaniya? Huminga siya ng malalim at lumabas ng elevator ng bumukas iyon sa ika-walong palapag ng gusali kung saan naroon ang opisina ng CEO. Tinahak niya ang daan patungo sa opisina ng CEO sa kanang bahagi ng pasilyo. Nang marating iyon, tumayo si Mr. William na sekretaryo ni Mr. Saderra, ayaw kasi ni Mrs. Saderra na babae ang maging sekretarya nito. Selosa kasi ang asawa nito. Binuksan nito ang pintuan ng opisina at inilahad ang kamay sa nakabukas na pintuan."Pasok ka na Mr. Sarmiento, hinihintay ka ni Sir Saderra." anito. Nagpasalamat siya rito, ngumiti lamang ito sa kaniya at bumalik na sa kaniyang mesa. Naglakad siya papasok ng opisina at ng makapasok, dahan-dahan niyang isinara ang pinto. Nakayuko ang ulo ni Mr. Saderra sa mga papeles na nasa mesa nito pero alam nito na dumating na siya. Nagtaas ito ng tingin at nagtama ang ka
Baca selengkapnya
Infinite Love
"Sir, may bisita po kayo." ani Ms. Iya nang pumasok ito sa opisina ni Jarred. Napakunot-noo siya. Sino naman ang bibisita sa kaniya? Wala siyang inaasahang bisita ngayon."Sino?" tanong niya. "Si Ms. Viesta po." tugon nito. "Okay. Papasukin mo, Ms. Ferran." aniya. Niluwagan ni Ms. Iya ang pagkakabukas ng pintuan ng kaniyang opisina at pumasok si Genesaret na may dalang paper bag. Nakangiti ito habang papalapit sa kaniya. Napatayo siya."Ms. Viesta. Anong sadya natin?" tanong niya. Nang makalapit ito sa kaniya ibinaba nito ang dalang paper bag sa mesa. Matamis pa rin ang ngiti nito sa kaniya."Pwede ba kitang makasama ngayon sa lunch?" tanong nito. Lumabas siya sa mesa at hinarap ito. Huminga siya ng malalim at tiningnan itong maigi. Kitang-kita ni Jarred ang pagkislap ng mga mata nito na tanda na may pagtingin ito sa kaniya."I'm sorry Genesaret but i'll refuse your offer." aniya. Bumalatay ang lungkot sa mga mata nito dahil sa pagtanggi niya sa paanyaya nito. Napakagat-labi ito a
Baca selengkapnya
Reconciliation
Nang marating ni Jasmine ng RSC, bumaba siya ng Montero ng pagbuksan siya ng pintuan ni Mang Ador, ang personal driver nila. Nang nakaraang buwan lang nag-hire ang kaniyang magulang ng personal driver dahil kadalasan nagpapaiwan si Samuel sa opisina at nauunang umuwi si Adhalia at ayaw ng kaniyang ama na magmaneho ang kaniyang ina ng mag-isa. Ganoon ka-alaga ang kaniyang ama sa kaniyang ina. Ganun din si Jarred sa kaniya.Nang nasa tapat na siya ng sliding door ng kompanya, binati siya ni Mang Sandoval na tinugon naman niya ng isang pagbati rin. Dagli siyang pumasok ng buksan nito ang sliding door. Halos lahat ng mga nasa lobby ay napatingin sa kaniya. Kitang-kita sa mukha nila ang paghanga at inggit dahil siya ang mapapangasawa ni Jarred Racqueza. Dumako rin ang paningin nila sa may kaumbukan niyang tiyan, ilang buwan na lang ang hihintayin niya at mailalabas na niya ang anghel na bunga ng pagmamahalan nila ni Jarred. Nagtungo siya sa elevator bitbit ang malaking paper bag na nagla
Baca selengkapnya
The Laptop
Natigilan si Jasmine ng marinig ang sinabi ni Jarred. Napatingin siya sa kasintahan at hindi maiwasan na tumalim ang kaniyang mga mata. Kailan ba titigil si Genesaret sa pagpapapel sa kanilang relasyon? "Galit ka ba sa akin, baby?" nag-aalalang tanong ni Jarred sa kaniya. Mukhang natakot ata niya ang kasintahan dahil sa pagbabago ng kaniyang ekspresyon. Ngumiti siya rito at umiling. Walang dahilan para magalit siya sa kasintahan."Hindi ako galit sa iyo, baby. Walang dahilan para magalit ako sa iyo. Ano ang sinadya niya sa iyo?" tanong niya. Bumuga ito ng marahas na hininga."Akala ko galit ka. Kinabahan ako doon." anito. Natawa siya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at umupo sa kandungan nito tsaka ipinalibot niya ang braso sa leeg nito. Nagulat ito sa ginawa niya."Bakit naman ako magagalit sa iyo? Malaki ang tiwala ko sa iyo, baby at alam ko na hindi mo siya e-entertain-in diba?" aniya na may pilyong ngiti sa mga labi. Ngumiti si Jarred."Oo, baby. Sa katunayan, prinangka ko na siy
Baca selengkapnya
Pleasuring Him (SPG)
Hindi maiwasang kabahan ni Jarred ng makita ang galit na ekspresyon ng kasintahan dahil sa natuklasan nito. Bakit ba kasi hindi niya iyon sinabi kanina? Hindi naman kasi niya alam na bubuksan nito ang laptop niya. Madali lang kasi ang password niyon, pangalan nito. Lumapit siya dito at sinapo ang mukha nito."Huwag ka naman magalit, oh? Nagawa ko lamang iyon dahil sobrang namimiss kita. Hindi ako mapalagay ng sabihin mo sa akin na kailangan mo ng space, kaya nakisuyo ako kay tita na lagyan ng device ang kwarto mo para makita kita. Sorry, baby. Please forgive me." aniya rito na hindi maiwasang panginigan ng kamay dahil sa kabang nararamdaman. Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito. Blangko ang ekspresyon nito."Baby, tell me naman kung ano masasabi mo?" aniya. Tumawa ito ng malakas na ikinakunot-noo niya. Anong ibig sabihin nito? Pinagtitripan ba siya ng kasintahan? Sinapo nito ang mukha niya."Hindi naman ako nagagalit sa iyo. Prank lang na naggagalit-galitan ako para mak
Baca selengkapnya
Possessive
Ngayon ang araw na pupunta si Jasmine sa VTC kasama si Ronnel. Nakasuot siya ng dress na kulay puti na may bulaklak na desenyo. Halata na ang limang buwan na tiyan niya, hinaplos niya iyon at dinama ang paminsan-minsan na pagsipa ng bata sa loob. Ilang buwan na lang isisilang na niya ang anak nila ni Jarred, magiging ina na siya. Magiging pamilya na sila ni Jarred. Napatingin siya sa pintuan ng bumukas iyon at pumasok si Jarred. Napaka-gwapo nito sa suot na black suit. Lumapit ito sa kaniya at hinapit siya palapit sa katawan nito. Amoy na amoy niya ang mabango nitong hininga maging ang pabango nito na mas nagpadagdag sa kagwapuhan nito. Ngumiti si Jarred na ginantihan din niya ng masuyong ngiti. Tinitigan siya nito ng buong pagsuyo at pagmamahal."Napakaganda mo ngayon, baby. Sa araw-araw mas lalo kang gumaganda." puri nito sa kaniya habang titig na titig sa kaniya. Inirapan niya ito pero hindi niya maitatanggi na kinilig siya sa sinabi nito."Mambobola ka talaga kahit kailan. Ikaw ri
Baca selengkapnya
Nobody's Perfect
Ilang minuto ang lumipas ay dumating na ang owner ng Vinn Textile Company na si Vinnencio Jacquesz, magreretiro na kasi ito bilang CEO kaya ang papalit ay ang anak nito na si Vincyll Jacquesz na mamayang gabi pa nila makikita at mskikilala sa isasagawang party kung saan iaanunsiyo na ito na ang bagong CEO ng VTC.Ngayon, narito sila Jasmine at Jarred para pag-usapan ang pagiging investor ng CEO ng kompanya sa SCF. Pagkatapos mapag-usapan ang mga dapat pag-usapan at mapirmahan ang mga dapat pirmahan ay nagpaalam na ang apat na kasama nila Jasmine at Jarred na kasosyo rin ni Mr. Jacquesz sa negosyo at may iinvest din sa SCF, ibig sabihin iisang pangalan lang ang gagamitin nilang lima pero mas malaki ang share ni Mr. Jacquesz. Sa kabila nun, hindi humingi ng paumanhin si Jarred kay Mr. Renan sa inasta nito kanina. The typical attitude of a Racqueza. Inilahad ni Mr. Vinnencio ang kamay sa harapan ni Jasmine na tinanggap naman niya. Wala naman sigurong dahilan para pagselosan ito ni Jarre
Baca selengkapnya
Being Fair
Nagising si Jasmine sa pakiramdam na may humahaplos sa kaniyang buhok. Maingat iyon at masuyo. Nagmulat siya ng mga mata at nasilayan ang gwapong mukha ng kasintahan. Ang mukha na kailanman ay hindi niya pagsasawaang titigan at tingnan. Ngumiti ito ng magtama ang kanilang mga mata na tinugon din niya ng isang ngiti."Mukhang napasarap ang tulog ko, baby." aniya at dahan-dahang bumangon."Kaya nga eh. Ang sarap mong pagmasdan habang natutulog. Para akong nagmamasid ng isang anghel." anito. Seryuso man ito sa sinabi pero tinugon pa rin niya ng pag-irap."Ewan ko sa iyo, Jarred. Lagi mo na lang ako binobola!" pagalit niyang ani pero ang totoo ay kinikilig siya ng mga sandaling iyon. Panakaw nitong hinalikan ang pisngi niya."Hindi kita binobola, baby. Gaya nga ng sabi ko, bola lang ang binobola at hindi ka bola para bolahin." anito at kinindatan pa siya. Hindi na lang niya iyon pinansin dahil sobra na ang kilig na nararamdaman niya. Napatingin siya sa wall clock na nakasabit sa itaas ng
Baca selengkapnya
The New CEO
Alas sais y medya na ng gabi. Abala sina Jarred at Jasmine sa paggayak para sa dadaluhang party ngayon. Ito ay magsisimula ng alas otso ng gabi. Nakasuot si Jasmine ng black dress na may split sa gilid na medyo may kaluwangan dahil na rin sa buntis siya. Simple lamang iyon pero napakaganda niya. Litaw na litaw ang kaniyang kaputian dahil sa suot niya lalo at lace ang manggas ng suot nito. Nakaharap siya ngayon sa salamin at inaayos ang kaniyang buhok, kinukulot niya ang dulo niyon.Samantala, nasa gilid lamang na bahagi ng silid si Jarred at nagbibihis habang nakatingin sa kasintahan at hindi maiwasang humanga sa kagandahan nito na kailanman ay hindi niya pagsasawaang titigan at tingnan.Hindi maipagkakaila ang kagwapuhan ni Jarred sa suot na amerikana. Ibang-iba ang dating nito na pakiwari'y ni Jasmine ay lahat ata ng babae sa party ay mapapatingin sa katipan. Naglalagay ng itim na lipstick si Jasmine sa kaniyang labi ng lapitan siya ni Jarred. Nagtama ang kanilang mga mata. Punong-p
Baca selengkapnya
Avidity (SPG)
Hindi pa tapos ang party ay umalis na sina Jasmine at Jarred. Nagpaalam sila kay Mr. Vinnencio Jacquesz. Habang tinatahak nila ang daan pabalik sa inuokopang hotel, napatingin si Jasmine sa kamay ni Jarred na mahigpit na nakahawak sa manibela. Binalingan niya ito, nag-iigting ang panga nito at matalim ang mga matang nakatitig sa kalsada. Hinawakan niya ito sa braso na ikinabaling nito sa kaniya."May problema ba, baby?" nag-aalalang tanong niya. Inihinto nito ang sasakyan sa gilid ng kalsada, bumuga ito ng marahas na hininga at humarap sa kaniya. Umangat ang kamay nito at hinaplos ang kaniyang pisngi."Hindi mo ba napapansin kanina ang tingin na ipinupukol sa iyo ni Vincyll habang kumakain tayo?" tanong nito sa nag-aalalang boses. Umiling siya. Hindi naman na niya iyon napansin kanina dahil ang atensyon niya ay na kay Jarred."Hindi, sa iyo ako naka-focus kanina eh. Bakit ko naman siya papansinin?" tudyo niya pero mukhang nadala roon si Jarred. Seryuso pa rin ang mukha nito. Huminga i
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1234568
DMCA.com Protection Status