All Chapters of His Infinite Affection (Sequel of Debt Repayment): Chapter 11 - Chapter 20
80 Chapters
Lies
Kitang-kita ni Jarred ang pagliwanag ng mukha ni Raquel dahil sa kaniyang balita. Kitang-kita ang kasiyahan roon. Tumayo si Raquel at lumapit sa kaniya para bigyan siya ng isang mahigpitt na yakap. Dagli naman siyang tumayo para tanggapin ang yakap ng kaniyang Tita Raquel. Nang maghiwalay sila sa pagkakayakap. Hinaplos ni Raquel ang kaniyang pisngi."Masaya ako para sa iyo, iho." tiningnan nito si Jasmine na mataman lamang na nakatingin sa kanila. Nginitian nito si Jasmine at iniunat ang mga kamay rito."Pwede ba kita mayakap, iha?" tanong nito. Dagling tumayo si Jasmine at tinanggap ang paanyaya nito. Humiwalay si Raquel sa pagyayakapan nila at tinitigan si Jasmine."Alagaan mong mabuti si Jarred, huwag kayong papayag na masira ang inyong samahan ng kung sinuman. magpakatatag kayong dalawa," tumingin ito kay Jarred "hindi madali ang buhay may asawa. madami kayong pagsubok na pagdaraanan, pero malalampasan niyo iyon kung nagtitiwala kayo sa isa't-isa." mahabang sermon nito sa kanila.
Read more
Mrs. Cardova
Matapos malaman ni Jarred ang buong katotohanan sa kaniyang tiyahin. Hindi niya maiwasang makaramdam ng guilty dahil hindi niya pinakinggan ang paliwanag noon ng kaniyang ama, magpapaliwanag sana noon si Dante pero sinabi niya na huwag na itong magpaliwanag dahil gusto na niyang kalimutan ang nakaraan. "Okay ka lang?" tanong sa kaniya ni Jasmine. Bumaling siya sa kasintahan. Kitang-kita ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Huminga siya ng malalim at inihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Nang maitabi ang sasakyan, hinarap niya si Jasmine."Hindi ko lang maiwasan na makaramdam ng guilty dahil isinantabi ko ang tangkang pagpapaliwanag ni dad sakin. Dapat pinakinggan ko siya, dapat hindi ako naging makasarili. Dapat— pinutol na ni Jasmine ang iba pa niyang sasabihin sa pamamagitan ng pagsapo ng mukha niya gamit ang dalawang palad nito."Hindi pa naman huli ang lahat, baby. Puntahan natin ngayon sina Tita Celeste at Tito Dan para maipaliwanag mo yung side mo. Pero sana, huwag kang maga
Read more
Wrong Affection
"Gusto sana kitang makausap, Jarred kung iyo sanang mamarapatin." anito at ibinaba sa center table ang hawak na tasa. Napatitig si Jarred sa ginang, kababakasan ang mukha nito ng pagkabalisa at pagod. Tumango siya."Sige po. Tungkol po ba ito kay Beatriz?" tanong niya. Wala namang ibang dahilan kung bakit narito ang ginang kung hindi patungkol ito kay Beatriz. Nagsumbong ba si Beatriz sa ina niya? Wala siyang dapat na ikabahala, dahil hiwalay na sila ni Beatriz ng magkaroon sila ng relasyon ni Jasmine."Iwan ko muna kayo, baby. Doon muna ako sa itaas." ani Jasmine. Akmang hahakbang na ito ng pigilan niya itong sa braso."Stay, baby." aniya sa seryusong tinig."Pero sa tingin ko wala akong karapatan na makinig sa pag-uusapan ninyo, kaya sa itaas muna ako." giit nito. Hinila ko siya at inakbayan tsaka inilapit ang labi sa kaniyang taenga."You have the rights, baby. Your my future wife." aniya. Napakagat-labi ito na wari'y pinipigilan ang kilig dahil nasa harapan nila ang ginang."Mau
Read more
The Advice
Dahil linggo at wala si Ate Tessa, nagprisinta si Jarred na siya ang magluto para sa hapunan. Kahit papaano natututo na ito. Dahilan niya gusto daw siya nitong ipagluto na ikinatuwa naman niya. Hindi niya tuloy maiwasang makaramdam ng kilig dahil ipagluluto siya nito. Abala siya sa pagwawalis sa salas ng marinig niyang tumunog ang doorbell ng kanilang bahay. Napakunot-noo siya. Sino naman kaya ang bisita nila ngayon? Dali-dali siyang lumabas ng bahay at nagtungo sa gate tsaka binuksan iyon. Natigilan siya ng makita si Genesaret at si Mr. Viesta. Ngumiti ng tipid si Genesaret sa kaniya."Good evening, Ms. Saderra." bati ni Ginoong Viesta. Ngumiti siya pabalik rito."Magandang gabi po. Pasok po kayo." ganting-bati niya at niluwagan ang pagkakabukas ng gate. Ikinumpas ni Ginoong Viesta ang kamay na nagpapahiwatig na hindi ito papasok sa loob."Si Genesaret ang may sadya sa inyo. Nagluto siya ng dinakdakan na pagsasaluhan niyo." magiliw nitong tugon. Napatingin siya kay Genesaret, kusan
Read more
The Kiss
Hindi maiwasan na magtampo ni Jarred kay Jasmine dahil pakiramdam niya ipinamimigay siya ni Jasmine. Diba dapat nagseselos ito na ihahatid niya si Genesaret sa kanila? Oo, nandoon na sa malaki ang tiwala nito sa kaniya pero mali din ang sobrang pagtitiwala dahil parang ang nangyayari wala ka ng pakielam sa kaniya si Jasmine. Malalim siyang napabuntong-hininga."Ang lalim nun ah. May problema ba?" tanong ni Genesaret sa kaniya. Napalingon siya rito, at muling itinuon ang paningin sa daan."Wala, may naisip lang ako." aniya. Tumango-tango naman ito."Okay. Pwede magtanong?" tanong nito."Ano yun?""Gaano mo kamahal si Jasmine?" tanong nito na ikinabaling niya rito. Hindi niya naiwasang mapakunot-noo dahil sa tanong nito. Kailangan ba nitong tanungin ang bagay na iyon?"Bakit mo naman natanong?" tanong niya."Wala lang. Curious lang ako." sagot nito."Mahal na mahal ko si Jasmine. Sobra. Siya ang buhay ko. Hindi ko na kayang mawala pa siya sa buhay ko." aniya. Tumango-tango si Genesaret.
Read more
The Call
Tinitigang mabuti ni Jarred si Jasmine. Hinihintay na magalit ito o kaya ay sigawan siya. Pero hindi iyon ang nangyari. Bagkus, ngumiti ito at hinalikan siya sa tungki ng ilong."Hindi mo naman kasalanan iyon, baby. Oo, inaamin ko nagseselos ako dahil ginawa niya iyon pero walang dahilan para pairalin ko ang selos ko. Bakit? Ayaw kong mag-away tayo dahil sa maliit na bagay lang iyon. Pero, ramdam mo ba na May gusto siya sa iyo?" tanong nito at hinaplos-haplos ang kaniyang dibdib at mas isiniksik ang katawan sa kaniya. Tumango siya."Oo, ramdam ko. Gusto mo bang iwasan ko siya?" tanong niya. Umiling si Jasmine at umilap ang mga mata."No, baby. You don't have to do that. Hayaan mo lang siya. Ipakita mo lang sa kaniya na hindi ka interesado sa kaniya, tiyak na lalayo siya." anito na may diin ang pananalita. Gamit ang kaniyang hintuturo, iniangat niya ang mukha nito para matitigan ito."You trust me that much. Akala ko ba ipagdadamot mo na ako?" tanong niya na hinaluan niya ng pagtatampo
Read more
Brave
Alas-dose y medya palang ng tanghali ay nakagayak na si Jasmine para sa pagkikita nila ni Genesaret. Nagpadala na siya ng mensahe rito gamit ang cellphone ni Jarred. Hindi man ito tumugon sa kaniyang mensahe, ayos lang iyon sa kaniya. Kung wala pa ito ng halos kalahating oras ay aalis na siya. Napatingin siya sa salamin ng kwarto ng pumasok si Jarred, kitang-kita niya ang paghanga sa mga mata ito habang tinitingnan siya. Ngumiti siya rito ng magtama ang kanilang paningin mula sa salamin."Nasobrahan mo naman ata sa pagpapaganda, baby." anito habang naglalakad palapit sa kaniya. Humarap siya at ngumisi sa kasintahan."Gusto ko lang makita ni Genesaret na hindi kung sino lang ang kasintahan mo. Gusto kong iparating sa kaniya na ang ganda na meron ako, ay ang gandang hindi mo na pakakawalan pa." aniya na nakataas ang kilay. Tumawa ng mahina si Jarred at nang makalapit sa kaniya ay ipinalibot nito ang mga kamay sa kaniyang beywang at hinapit siya palapit rito. Tinitigan siya nito ng mat
Read more
A Favor
Hindi maiwasang mapangiti ni Jarred ng marinig ang naging pag-uusap nina Jasmine at Genesaret. Dapat na ba siyang kabahan sa pagbabago ni Jasmine. Nagbago ito simula ng magdalang-tao ito. Hindi kaya epekto iyon ng pagdadalang tao nito? Natawa siya sa isiping iyon. Sa totoo lang, masaya siya dahil nagiging palaban na si Jasmine na dati ay hindi nito ginagawa. Masyadong mabait ito, pero ngayon natuto na ito sa mga pinagdaanan nila sa relasyon na mayroon sila. Pagdating naman sa kaniya ay malambing ito. Ang sarap sa pakiramdam na ipinaglalaban ka ng iyong katipan.Napatayo siya mula sa kinauupuang sofa ng marinig ang ugong ng sasakyan na papasok sa compound. Marahil sina Jasmine na iyon, naglakad siya palabas ng bahay, naabutan niyang binubuksan ni Ronald ang pintuan sa backseat kung saan naroon ang kasintahan. Hindi niya maiwasang mapangiti ng masilayan ang kagandahan ng katipan. Nakasuot kasi ito ng fitted black na skirt na hanggang taas ng tuhod ang haba na pinaresan ng white sleeve
Read more
The Offer
Abala si Ronnel sa pag-sasaayos ng report niya para maipasa niya bukas ng may matanggap siyang e-mail galing kay Mrs. Saderra. Binuksan niya iyon at binasa ang mensahe nito. "Ronnel, ikaw na ang bahala kay Jasmine bukas. Sinabihan ko na siya na ikaw ang gagabay sa kaniya sa pamamahala ng kompanya. Malaki ang tiwala ko sa iyo Ronnel. Ikaw lang kasi ang pinakamatagal sa kompanya at alam kong magagabayan at matuturuan mo siya ng maayos." iyon ang nakasaad sa mensahe. Jasmine Saderra, nakita niya na ito ng minsang dumalaw ito sa magulang sa kompanya. Matagal na iyon. Bago pa lamang siya noon sa kompanya. Sa pagkakaalam niya mga nasa disenuwebe anyos pa lamang ito noon. Samantalang siya ay bente-uno na. Dalagang-dalaga na siguro ito ngayon. Hindi niya makakalimutan na nagkaroon siya ng paghanga dito noon at hanggang ngayon naman. Napaka-ganda niya at maganda ang kutis ng katawan na talagang alagang-alaga nito. Makintab na buhok at maamong mukha. Ang alam niya kasintahan nito si Jarred R
Read more
Paranoid
Hindi maiwasang makaramdam ng inis si Jarred sa magiging biyenan niyang babae. Oo, payag siya na pamahalaan ni Jasmine ang SCF, pero hindi kasama roon na lalaki ang gagabay rito sa mga dapat matutunan ni Jasmine. Naikuyom niya ang kamao, nilalamon siya ng selos sa ideyang may makakasamang ibang lalaki si Jasmine. Tumawag kanina si Mrs. Saderra at sinabing si Ronnel Sarmiento ang magtuturo kay Jasmine. Katwiran nito, matagal ng empleyado si Mr. Samiento kaya mas matuturuan nito ng maigi si Jasmine. Oo, kilala niya si Mr. Sarmiento. Isa na rin ito sa mga Board of Directors na kompanya. Dahil sa sipag at dedekasyon nito kaya napunta rito ang posisyon. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili. Siguro, mas mabuting kausapin niya ang future mother-in-law niya baka sakaling magbago pa ang isip nito. Napatayo siya ng makitang pababa ng hagdan ang kasintahan. Naka-office attire ito at talaga namang hakab na hakab sa kaniyang makurbang katawan ang suot nito. Ngumiti sa kaniya si Ja
Read more
PREV
123456
...
8
DMCA.com Protection Status