All Chapters of His Infinite Affection (Sequel of Debt Repayment): Chapter 51 - Chapter 60
80 Chapters
The Offer
"Sir, tuloy na daw po kayo." anang babae na marahil ay sekretarya ni Mrs. Racqueza. Tumango siya."Okay." aniya at naglakad na papasok sa loob ng opisina. Nang nasa tapat na siya ng pintuan ay huminga muna siya ng malalim at inayos ang kaniyang suot na suit. Sa totoo lang kinakabahan siya sa paghaharap nila ni Jasmine. Hindi niya alam kung paano at saan magsisimula, nakaka-intimidate kasi ito. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan at pumasok sa loob. Nadatnan niya si Jasmine na nakaupo sa swivel chair nito at nakatingin sa kaniya. Nagtama ang kanilang mga mata. Ngumiti ito sa kaniya na dahilan para matigilan siya at mapako sa kinatatayuan. Mas lalo pala itong gumaganda kapag ngumingiti. Ginantihan niya ito ng ngiti."Good morning, Mrs. Racqueza." magiliw niyang bati rito. Tumayo ito lumabas sa loob ng mesa. Inilahad nito ang sofa para doon sila maupo."Have a seat, Mr. Jacquesz." anito na walang emosyon. Ganun talaga siguro kapag walang pakielam sa iyo ang isang tao.Naglakad na s
Read more
Friends
"Dad." ani Vincyll ng sagutin nito ang tawag. Umupo ito at ganoon din siya. Tiningnan siya nito ngunit saglit lamang iyon at muling ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. "Okay, dad. Ibibigay ko kay Mrs. Racqueza ang phone para makausap ka niya." anito at inalis sa taenga ang aparato tsaka iniabot iyon sa kaniya. "Bakit?" Nagtatakang tanong niya."Gusto ka raw makausap ni dad, may sasabihin siya sa iyo." anito at ngumiti.Lumitaw tuloy ang mapuputi nitong ngipin. Bagay rito ang ngumingiti dahil gumagwapo ito. Kinastigo niya ang sarili doon. Ano ba ang nangyayari sa kaniya? Bakit niya ito pinupuri? Hindi dapat siya ma-attract sa iba dahil may asawa na siya. Huminga muna siya ng malalim bago inabot ang cellphone at inilagay sa kaniyang taenga. Tiningnan niya si Claria."Iwan mo muna kami, Claria. Okay na." aniya at nginitian ito. Tumango ito, tumayo at nagpaalam sa kanila. Wala ng dahilan para bantayan pa siya ni Claria. Maybe, she should trust Vincyll this time."Good day po, Mr. J
Read more
The Dinner
"Baby, salamat ah kasi pumayag kang mag-dinner tayo kina Mr. Jacquesz." ani Jasmine habang inaayos niya ang pagkakabotones ng polo nito. Pupunta kasi sila ngayon sa tahanan ni Mr. Vinnencio Jacquesz para sa paanyaya nito ng dinner. Ipinalibot nito ang mga kamay sa kaniyang beywang at hinalikan ang kaniyang noo."No worries, baby. Basta kasama ako walang problema. Pero kung mag-isa mo lang talagang hindi kita papayagan." anito sa seryusong boses. Tiningala ni Jasmine ang kaniyang asawa at kitang-kita sa mga mata nito ang kaseryusohan sa mga katagang binitawan. Ngumiti siya rito pero sa totoo lang kinakabahan siya. Paano na lang kapag nalaman nito na nakipagkaibigan siya kay Vincyll ng wala ang pahintulot nito? Huminga siya ng malalim para kahit papaano maibsan ang kabang nararamdaman. Tsaka na lang niya sasabihin ang bagay na iyon. Wala naman masama makipagkaibigan hangga't wala kang ginagawang masama. Sa kaso kasi niya, seloso si Jarred kaya mas mainam na huwag muna niya sasabihin.
Read more
Suspicious
"Nagagalak ako dahil pinaunlakan niyo ang imbitasyon ko." ani Vinnencio sa kanila habang sila ay nasa hapag-kainan at kumakain. Masasarap ang mga pagkain na nakahain at mukhang ipinaluto iyon sa magagaling na chef. Ngumiti si Jarred."Opo, wala naman pong dahilan para hindi ko paunlakan ang imbitasyon niyo, Mr. Vinnencio. Ikinagagalak din po namin na makaharap at makasalo sa hapag-kainan ang isang kilalang negosyante. Isa itong karangalan." sagot niya. Ngumiti lamang si Mr. Vinnencio at ipinagpatuloy na ang pagkain. Tiningnan niya sa gilid ng kaniyang mata si Vincyll, nakita niya ang pagngiti nito kay Jasmine. Sinulyapan niya si Jasmine at nahuli niyang nakangiti ito kay Vincyll. Hindi na lang niya iyon binigyan ng malisya, dahil wala naman masama roon. Pero bakit parang may kutob siyang hindi maganda? Isinawalang-bahala na lamang niya iyon at itinuon ang pansin kay Jasmine."Baby, gusto mo pa ba?" tanong niya. Natigilan ito at sinulyapan siya. Tumango ito."Oo, baby. Gusto ko pa."
Read more
Fear
Abala si Jasmine sa pagpirma ng mga dokumento na nasa mesa nang tumunog ang message alert tone ng cellphone niya na nasa ibabaw rin ng mesa. Dinampot niya iyon at tiningnan kung sino ang nagpadala ng mensahe. Binuksan niya ang mensahe ng makitang galing iyon kay Vincyll.May ibibigay ako. On the way na ako at malapit na rin ako sa SCF.Iyon ang nilalaman ng mensahe. Napangiti siya. Ano kaya ang ibibigay nito sa kaniya? Biglang sumagi sa isip niya si Jarred. Hindi pa nito alam ang relasyon na mayroon sila ni Vincyll, ang pagiging magkaibigan. Napakagat-labi siya. "Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pagtatapat sa kaniya. Wala pa akong lakas ng loob. Siguro hindi pa ngayon ang tamang panahon para malaman niya." wika niya sa sarili. Buebuelo muna siya. Napahilot siya sa sintido ng biglang sumakit iyon. Ipinagpatuloy niya ang pagpirma sa mga dokumento habang hinihintay si Vincyll. Ito lang ang ginagawa niya. Hindi kasi siya pwede ma-stress kaya bawal sa kaniya ang anumang office w
Read more
Communication
"Dude!" gulat na sambit ni Khael ng pumasok siya sa opisina nito nang umagang iyon. Tumayo ito mula sa kinauupuang swivel chair at sinalubong siya. Nag-fist bump silang dalawa. "Kamusta dude?" tanong niya rito. Ngumiti si Khael, tinungo ang sofa at naupo. Sumunod naman siya at naupo sa katapat nitong sofa."Ito okay lang naman. Ikaw? Sigurado ako na may problema ka kaya ka naparito? Tama ba ako?" tanong nito at ipinatong ang paa sa hita nito. Huminga siya ng malalim."Oo, meron. May problema ako. May inililihim sa'kin si Jasmine." pagtatapat niya. Kumunot ang noo nito at napailing-iling."Mukhang malaki g problema nga iyan. Okay! Bago natin pag-usapan iyan. Mas maganda na may beer tayong pinagsasaluhan." anito't tumayo tsaka nagtungo sa ref. Pagbalik nito ay may dala na itong dalawang beer in can. Inihagis nito sa kaniya ang isa na kaagad naman niyang nasalo. Bumalik ito sa kinauupuan kanina. Binuksan niya ang beer in can, ganun din si Khael."Paano mo nasabi na naglilihim sa'yo si
Read more
Be Contented
Pagdating nila Jasmine at Jarred sa mansiyon. Bubuksan na sana ni Jasmine ang pinto sa passenger's seat ng pigilan siya ni Jarred. "Bakit?" kuryos niyang tanong."Ako na ang magbubukas." anito at kinindatan siya. Natawa siya at ngumiti."Bumabawi?" tanong niya."Syempre naman!" anito at lumabas na ng lamborghini at umikot patungo sa passenger's seat. Naiiling na lang siya habang nakatingin rito na binubuksan ang pintuan. Lumabas siya ng mapagbuksan siya nito. Akmang ihahakbang na niya ang paa patungo sa loob ng bahay ng pigilan siya nito sa bewang. "Wait baby. Pipiringan kita. May surpresa kasi ako sa'yo." anito na nagpakilig sa kaniya. Mahilig talaga si Jarred sa sorpresa. Napangiti siya. "At ano naman iyang surpresa mo?" tanong niya. Nag-uumapaw ang puso niya ng mga sandaling iyon dahil sa kagalakan dahil okay na sila at walang naging problema sa pagtatapat niya."Kung sasabihin ko hindi na sorpresa. Close your eyes, baby."Ipinikit niya ang mga mata. Naamoy niya ang mabangong
Read more
Faith
Napangiti si Jarred ng magmulat siya ng kaniyang mga mata at ang una niyang nasilayan ay ang magandang mukha ni Jasmine. Kahit natutulog ay maganda ito. Sabagay, kelan ba ito naging pangit sa paningin niya? Ganoon siya ka-inlove dito. Iniangat niya ang kaniyang kamay at hinaplos ang pisngi nito na medyo maumbok. Para itong anghel. Kinintalan niya ng masuyong halik ang noo nito."Napakaganda mo talaga kahit natutulog ka." aniya habang titig na titig sa maamong mukha nito. Tumayo siya at maingat na bumaba ng kama para hindi magising si Jasmine. Lumabas siya ng kwarto at nagtungo sa kusina. Naabutan niya si Tessa na naghahanda ng kanilang almusal sa mesa. Bumaling sa kaniya ang kanilang kasambahay at masuyong ngumiti."Good Morning, Jarred. Si Jasmine gising na ba?" tanong nito. Ngumiti siya pabalik rito."Good morning din po. Hindi pa po, dadalhan ko po siya ng pagkain sa kwarto para kapag nagising siya ay kakain na lang kami." aniya at tiningnan ang inihain ni Tessa sa mesa. Bacon, ho
Read more
Carrying A Baby
Napatayo si Jarred sa kinauupuan ng makita si Khael na naglalakad palapit sa kaniya. Nang makalapit ito, binigyan siya ng isang tapik sa balikat."Lumabas na ba ang doctor?" tanong nito. Umiling siya."Hindi pa. Sobrang nag-aalala ako, hindi ko kakayanin kung may masamang mangyari sa kanila," aniya at naihilamos ang mga palad sa mukha. Umupo si Khael sa upuan at tinapik ang bakanteng espasyo niyon."Huminahon ka, Jarred. Magiging maayos din ang mag-ina mo. Ang tanging magagawa mo ngayon ay ang magtiwala." Pag-aalo nito sa kaniya. Umupo siya sa tabi nito."Hindi mo maiiwasan na mag-alala ako. Buhay ng mag-ina ko ang nakasalalay dito. Kung ikaw ang nasa kalagayan ko tiyak na ganito rin ang mararamdaman mo," seryuso niyang saad. Kahit sinong asawa ay mag-aalala kapag nasa ganitong sitwasyon ang iyong mag-ina. Huminga ng malalim si Khael."Oo, nandoon na tayo pero walang patutunguhan ang pag-aalala mo. Ako rin naman nag-aalala kay Jasmine at sa magiging anak niyo pero—" Naputol na ang ib
Read more
Jasmine's Kindness
Napatingin si Jarred sa pintuan ng makarinig sila ng sunod-sunod na katok. Hinalikan niya si Jasmine sa noo bago binuksan ang pinto. Mahimbing itong natutulog para mabawi nito ang lakas na nawala. Ang nars na kutis morena ang napagbuksan niya ng pintuan na ngayon ay nakangiti sa kaniya."Pasok po kayo," paanyaya niya. Umiling ito."No need po. Nais ko lang po ipabatid sa inyo na pwede niyo ng bisitahin si baby," anito. Nanlaki ang mga mata niya dahil sa labis na kagalakan. Sa wakas, makikita na niya ang anak niya! Kaytagal niyang hinintay ang pagkakataong ito para masilayan ang sanggol na bunga ng pagmamahalan nila ni Jasmine."Salamat. Tiyak na matutuwa ang asawa ko kapag nakita niya na si baby kahit sa picture man lang," masigla niyang sad. Kakikitaan sa itsura ni Jarred ang kasiyahan bilang isang ama."Sigurado po iyan. Siya po kasi ang nagdala sa sinapupunan ang bata kaya mas sobra 'yung tuwang mararamdaman ni Mrs. Racqueza," tugon ng nars na may ngiti sa mga labi. Pagkatapos ma
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status