Babanatan na sana ng suntok ni Jacob si Set nang makarating sila sa Mayo Clinic nang awatin siya ni Freya. "Jacob, huwag kang gumawa ng eksena rito. Wala tayo sa Pilipinas?" saway ni Freya. "Nag-iinit ang mga kamao ko eh! Simpleng instruction, hindi pa niya nasunod! Mahirap bang maintindihan na huwag na huwag mong iiwan si papa, ha?" Pinandilatan ni Jacob si Set. "Ma'am Freya, huwag niyo na pong pagsabihan si Sir Jacob. Kung gusto man po niya akong suntukin, ayos lang po sa akin. Kasalanan ko naman po talaga," nakayukong turan ni Set. Hindi makapaniwala si Freya sa kaniyang narinig buhat sa bodyguard ni Don Vandolf. "Set, wala namang nangyari kay—" "Nauunawaan ko po ang nararamdaman ngayon ni Sir Jacob, Ma'am Freya. Sinuwerte po akong walang nangyari kay senior pero paano kung bigla na lang siyang…hindi po iyon kakayanin ng aking konsensya," malungkot na sabi ni Set. Tinapik ni Freya ang balikat ni Set. "You're doing well, Set. Sa nakikita ko sa'yo, higit pa sa isang amo ang turi
Terakhir Diperbarui : 2023-04-05 Baca selengkapnya