All Chapters of One Night Love (Tagalog): Chapter 141 - Chapter 150
163 Chapters
One Night Deal - Kabanata 52
La Niños Group of CompaniesHindi mapakali si Diana. Kanina pa siyang lakad nang lakad habang kagat-kagat ang isang ballpen. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita niya kahit naibalita na niya iyon sa kaniyang papa. Tatawagan pa sana niya sina Jacob at Freya nang bigla namang namatay ang cell phone niya. Nakalimutan niya iyong i-charge."Tita Diana, sasabihin niyo na po ba sa akin kung nasaan si Mommy Freya?" tanong ni Yael. Sinusundan ng kaniyang tingin ang bawat kilos ni Diana.Lumakad si Diana palapit kay Yael. Maingat siyang lumuhod para mahawakan ang mukha nito. Pinisil-pisil pa niya ang pisngi ng kaniyang pamangkin."Aray!" biglang sigaw ni Yael."I'm sorry, Yael." Tinitigang mabuti ni Diana ang bawat sulok ng mukha nito. She's looking for possible stitches or marks of surgery. Nang wala siyang nakita ay napatakip sa kaniyang bibig ang dalawa niyang mga kamay. "Oh my God! Totoo nga talaga! Ikaw si Yael! Ang nawawala kong pamangkin!" Saglit siyang natigilan dahil sa huling sa
Read more
One Night Deal - Kabanata 53
"WHAT? BAKIT NGAYON MO LANG SINABI?" galit na galit na sigaw ni Jacob.["Sorry po, Sir Jaco–"]"SORRY NA NAMAN? SET NAMAN! ALAM MONG HINDI PA GANO'N KAGANDA ANG KONDISYON NI PAPA! BAKIT MO HINAYAANG…NASA'N NA KAYO? PUPUNTAHAN KO KAYO NGAYON DIN!" Lumalabas na ang ugat ni Jacob sa leeg. Hawak niya ang kaniyang buhok. Ang kaniyang mga mata ay napuno ng pag-aalala.["Sasakay na po kami ng eroplan—"]"FÚCK! BAKIT HINDI MO AGAD AKO TINAWAGAN?" Napasuntok sa hangin si Jacob.["Sabi po kasi ni senior eh siya na raw po ang tatawag sa inyo eh."]"At naniwala ka naman? Damn! Pupunta ako ng Mayo Clinic. Kakausapin ko ang doctor ni papa. After no'n, susunod na agad ako sa inyo sa Pilipinas. Huwag na huwag mong pababayaan si papa, Setyembre! Alam mo kung paano ako magalit," ani Jacob.["Huwag po kayong mag-alala. Ako na po ang bahala kay senior."]"Siguraduhin mo lang, Set! Siguraduhin mo!" Inis na pinatay ni Jacob ang tawag. "Papa is so stubborn!" Mabilis niyang sinagot ang tawag nang biglang tum
Read more
One Night Deal - Kabanata 54
Marahang ginalaw ni Freya ang kaniyang leeg nang maramdaman niyang kumikirot iyon. Hinawakan niya ang kaniyang leeg at dahan-dahang iminulat ang kaniyang mga mata. Ilang minuto siyang natulala bago niya iniikot ang kaniyang mga mata sa kinaroroonan niya. Matapos niyang maalala ang nangyari, agad siyang naging alerto. Mula sa may kisame ay bumaba ang paningin niya sa kaniyang mga paa. Nakatali ang mga ito. Ganoon din ang kaniyang bewang. Tanging ang mga kamay niya lang ang malaya. Sinubukan niyang kalasin ang mga tali subalit nabigo siya. Malaya nga niyang nai-igalaw ang kaniyang mga kamay…ang kaso, masyadong matibay at mahigpit ang pagkakatali ng kaniyang mga paa at bewang sa kaniyang inuupuan. Pumikit siya nang mariin."Anong gagawin mo ngayon, Freya? Paano ka makakalabas ng buhay sa lugar na ito?" aniya sa sarili.Sinubukang tumayo ni Freya pero palagi siyang nabibigo. Masakit sa parteng tiyan dahil nahahagip ito ng tali sa kaniyang bewang sa tuwing pinipilit niyang tumayo. Napating
Read more
One Night Deal - Kabanata 55
"ANO? NAKATAKAS SI YTHAN?" sigaw ni Ramon habang binabaybay niya ang daan pababa ng hagdan. Kausap niya sa kaniyang cell phone si Tamahome. Nasa baba lang ito, hinihintay ang kaniyang pagbaba. Napatingin siya sa direksyon nina Ramil at Rhea. Isinama niya pauwi ng kaniyang mansyon ang mga ito para masiguro niya ang kaligtasan ng dalawa. Pinatay niya ang tawag at nagmadaling bumaba sa hagdan. Namewang siya nang makita niya si Tamahome. Bakas ang pagkadismaya sa mukha nito."Pasensya na po, kamahalan. Inabangan po ng mga tauhan ni Ythan ang sasakyan ng mga kasamahan ko. Sa kasamaang palad ay nabaril sa ulo at dibdib ang mga kabaro ko sa kasagsagan ng engkwentro. Tatlo po ang napatay na mga pulis ng mga tauhan niya," ulat ni Tamahome. Ikinuyom niya ang kaniyang mga kamay dahil sa galit. Isa sa mga namatay sa engkwentro ay kaniyang kababata.Isinuot ni Ramon ang kaniyang coat. Kinuha niya sa kaniyang bulsa ang sigarilyo niya at sinindihan ang isa noon. Napatingin siyang muli sa direksyon n
Read more
One Night Deal - Kabanata 56
"Kumusta si Freya? Nagawa mo ba siyang pakainin?" tanong ni Ythan habang nakatingin sa kawalan."Kumain naman siya," sagot ni Jackson."Pwede mo siyang gamitin para makaganti ka sa half-brother mo. Pwede mo nang angkinin si Freya. Patay na patay ka sa kaniya 'di ba?" nakangiting sambit ni Ythan.Ngumiti lang si Jackson. "You don't have to remind me. Gagawin ko 'yan mamayang gabi," aniya.Tinapik ni Ythan sa likod si Jackson. "That's my boy! Pinagtangkaan ni Jacob ang buhay mo sa kulungan, hindi naman siguro masama kung titikman mo ang babaeng pinakamamahal niya…ang babaeng pinaka-iniingatan niya." Nagsindi siya ng sigarilyo. Hinithit niya iyon at ibinuga kay Jackson ang usok.Napa-ubo si Jackson. "Hindi ko talaga akalaing nais akong ipapatay ng kapatid ko." Tiningnan niya nang masama si Ythan. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya. Mayamaya pa ay tumawa na ito."You abducted his son. That's enough reason to get back to you. Another thing, kapag nawala ka sa landas niya…ma
Read more
One Night Deal - Kabanata 57
Malalaki ang bawat hakbang ni Jackson habang pasulyap-sulyap siya sa paligid. Hindi niya gustong magpakampante dahil alam niyang matalino si Ythan. Rinig na rinig niya ang pagtibok ng kaniyang puso at ang kaniyang paghinga. Sobrang tahimik na sa lugar. Kasabay ng paglubog ng araw ay ang pag-alis ni Ythan at ng mga tauhan nito. Para masigurong tumupad nga sa kanilang usapan si Ythan ay palihim niya itong sinundan hanggang sa makasakay ito ng sasakyan at makaalis sa kanilang hideout."They're gone. Freya, I'm coming to save you now. We will escape this place together," Jackson uttered as he strode towards Freya's location.Habang binabaybay ni Jackson ang daan patungo sa babaeng kaniyang minamahal, unti-unti niyang naalala ang nakaraan.***Flashback***"Bakit ka umiiyak?" Huminto sa pagsasalita ang batang babae at umupo sa tabi ng batang si Jackson. "Naliligaw ka ba? Huwag ka nang umiyak. Heto oh, gamitin mo muna ang panyo ko," sabi ng batang babae.Matagal na tinitigan ni Jackson ang p
Read more
One Night Deal - Kabanata 58
"I'm sorry, Mr. Marcus. This will be our first so I want it to be private," Jackson replied.Tumaas ang dalawang kilay ni Ythan. Inihagis niya ang susi kay Jackson at pagkatapos ay dahan-dahan siyang naglakad palapit dito. "Iyon lang ba talaga ang rason mo…Jackson?" tanong niya.Napalunok si Jackson. Tinitigan siya ni Ythan nang direkta sa kaniyang mga mata. Nag-iwas agad siya ng tingin. 'I belittle him. He's more dangerous than I ever imagined,' he thought."Maliit na pabor lang ang hinihiling ko sa'yo, Jackson. Pagbigyan mo na ako," patuloy na panghihikayat ni Ythan.Hinilot ni Jackson ang kaniyang noo. Bumalik sa kaniyang ala-ala kung paano pinagtangkaan ni Ythan ang buhay niya.***Flashback***Kabi-kabila ang pagpito ng mga prison guards sa correctional facility na pinagdalhan kay Jackson. Kulang ang salitang magulo at maingay para ilarawan ang buhay sa loob ng kulungan. Habang abala si Jackson sa paglalaba ng kaniyang underwear ay nilapitan siya ng isa sa mga tigasing preso sa se
Read more
One Night Deal - Kabanata 59
Malalaki ang hakbang ni Jacob nang bumaba siya sa eroplano habang hila-hila ang isa niyang maleta. Inalis niya ang kaniyang salamin at earpods at tumingin sa kaniyang wristwatch. "I just arrived on time," aniya.Kinuha ni Jacob ang kaniyang cell phone at tinawagan ang kaniyang tauhan."Did you locate my wife?" Luminga-linga si Jacob. "Nandito na ako sa airport. Nasaan ka?"["Kamahalan…"]"Don't tell me, nasa apartment ka pa? Kagigising mo lang?" inis na turan ni Jacob.["On the way na po ako sa airport. May heavy traffic lang po kaya medyo male-late po ako. Nadala na po ni Dos ang sasakyan niyo. Nasa parking area na po siya."]"Good. Teka, anong balita kay Freya? Nasa mansyon na ba siya? Kasama na ba niya sina papa at Diana?" Mas lalong binilisan ni Jacob ang paglalakad. Napangiti siya nang nakasalubong niya si Dos. Binati siya nito at agad na ibinigay ang susi. "Salamat, Dos! May lakad ka ba ngayon? Pwede mo ba akong samahan?" tanong niya."Pasensya na po, kamahalan. May utos po sa a
Read more
One Night Deal - Kabanata 60
"Kailangan ng kasama nina Diana at Yael. Doon na muna kayo ni Rhea," ani Ramon habang nakasakay sila sa kaniyang sasakyan. Kasalukuyan nilang binabaybay ang daan patungo sa kinaroroonan nina Diana."Kuya, sasamahan kita. Hindi ako mapapakali habang nakaupo at naghihintay ng balita galing sa'yo. Nag-aalala ako sa anak ko pati na rin sa'yo," sabi ni Ramil."Ramil, paano kung salakayin sina Diana ng mga tauhan ni Ythan? Sino ang magtatanggol sa kanila?" Kumunot ang noo ni Ramon. "Please listen, Ramil. Huwag matigas ang ulo.""Mag-iiwan ka naman ng mga tauhan, kuya 'di ba? Isa pa, may mga pulis na sa area. Ligtas na roon ang apo at asawa ko," giit ni Ramil."May pulis man o wala, may tauhan man ako roon o wala, kailangan ka ng asawa at apo mo. Hindi lahat ng mga pulis ay kakampi natin. Hindi natin alam…baka kasabwat pala ni Ythan ang ilan sa kanila. Maraming nagagawa ang pera, bunso. Sana makinig ka kay kuya." Sinulyapan ni Ramon si Rhea."Ramil, tama ang kuya mo. Doon ka na lang kasama n
Read more
One Night Deal - Kabanata 61
"Hinding-hindi mo na ulit maaangkin ang inay ko!" sigaw ni Freya habang pinandidilatan niya si Ythan."Sa sinabi mong 'yan, parang sinabi mo na rin na hindi ka niya mahal," natatawang sabi ni Ythan. Lumakad siya palapit kay Freya at hinila ang buhok nito. "Pasalamat ka, kamukhang-kamukha ka ng ina mo at pasalamat ka dahil hindi kita ginagalaw. Kung ako sa iyo, ititikom ko na lang ang bibig ko." Hinawakan niya ang labi ni Freya at pinaglaruan ito.Hindi magkaintindihan si Freya sa pagpalag sa ginawa ni Ythan. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niyang palapit nang palapit ang mukha nito sa kaniya. "Don't you dare touch me!" mahina ngunit mariing sambit niya.Tumawa nang malakas si Ythan. "Huwag kang mag-alala, hindi ako natikim ng tira-tira pwera na lang kung ikaw si Rhea." Tumalikod na siya kay Freya."Psychopath," Freya whispered.Nagpanting ang tainga ni Ythan sa kaniyang narinig. Muli niyang hinarap si Freya at pinisil nang mariin ang panga nito. "Anong sabi mo?" tanong niya."An
Read more
PREV
1
...
121314151617
DMCA.com Protection Status