Semua Bab One Night Love (Tagalog): Bab 151 - Bab 160
163 Bab
One Night Deal - Kabanata 62
"Tita, huwag ka na pong umiyak. Sigurado po akong magtatagumpay sina Lolo Vandolf at Tito Hulyo sa mission nila," sabi ni Yael habang tinatapik ang likod ni Diana.Pinahid ni Diana ang kaniyang mga luha. "Oo naman. Magtatagumpay sila sa misyon nila, sweetie. Hindi ka ba inaantok? Matulog ka pa. Masyado pang maaga. Ayokong mapuyat ka," aniya.Umiling si Yael at tiningnan ang kaniyang lola-lolahan. Wala pa rin itong malay. "Tita, bakit po ayaw sabihin nina lolo at tito sa akin kung ano 'yong mission nila? Wala po ba silang tiwala sa akin?" kunot-noong tanong niya."Ano ka ba naman, sweetie! They have trust in you. Hindi lang nila sinabi sa'yo dahil masyado ka pang bata para sa mga ganoong bagay. Halika ka. Payakap si tita," nakangiting wika ni Diana.Mabilis na kumalong si Yael sa binti ni Diana. Niyakap siya nito nang mahigpit. Nagtaka siya kung bakit bigla na naman itong umiyak. "Tita, hindi po makabubuti sa pinsan ko kung iiyak po kayo ng iiyak. Nakakabawas din po ng ganda ng babae k
Baca selengkapnya
One Night Deal - Kabanata 63
Maingat na pinasok ng mga pulis at ng mga tauhan ng pamilyang Gray at Oligario ang hideout ni Ythan Marcus. Lahat sila ay alerto at mapagmasid sa paligid. Sumama sina Set, Hulyo at Jacob sa operasyon samantalang naiwan naman sa armored SUV si Don Vandolf."Sir Jacob!" tawag ni Set."Set!" mabilis na tugon ni Jacob. Napatingin siya sa katabi nito. "Hulyo, bakit sumama ka pa? Sino ang kasama ng mag-ina mo at nina Yael sa mansyon?" tanong niya."Huwag po kayong mag-alala. Marami pong nakabantay na pulis at tauhan ni Don…ni papa sa mansyon," sagot ni Hulyo. Tinapik siya sa balikat ni Jacob."Huwag mo na akong i-po. You are now part of our family. Actually, matagal na naman tayong mag kapamilya," sabi ni Jacob."Ano pong plano niyo, Sir Jacob? Papasok po ba kayo sa loob?" tanong ni Set.Tumango si Jacob. "Sasamahan ako ni Uno. Nauna na ang ilang tauhan ko at ang ilang pulis sa loob. Masyadong malawak ang lugar na ito. Kailangang maghiwa-hiwalay para mas mapabilis ang paghahanap kina Freya
Baca selengkapnya
One Night Deal - Kabanata 64
Matapos makaligtas sa pagsabog ng granada nina Tamahome at Ramon ay agad na rumesponde ang mga kasamahan nila. Sa bawat palapag ay nangyari ang isang matinding sagupaan sa pagitan ng mga tauhan ni Ythan laban sa mga tauhan ni Ramon at ng kapulisan.Buong akala nila ay pumapabor sa kanila ang sitwasyon hanggang sa unti-unting naubos ang kanilang mga kasamahan.Magkasamang lumaban sina Tamahome at Ramon sa kabila ng pagluluksa nila. Mas lalong nagliyab ang galit sa kani-kanilang mga puso. Sa ngayon ay hindi na lamang para kina Freya at Jackson ang kanilang laban kung hindi para na rin sa mga nasawi nilang kasamahan."Kamahalan, ito na ang huling silid," sabi ni Tamahome."Ihanda mo ang iyong sarili. Hindi natin alam kung anong klaseng patibong ang inihanda ni Ythan," turan ni Ramon. "Tamahome," aniya."Bakit po kamahalan?" tanong ni Tamahome."Maraming salamat sa samahang walang katulad. Salamat sa palaging pagtaya ng buhay mo, masunod mo lamang ang mga utos at bilin ko. Kung anuman ang
Baca selengkapnya
One Night Deal - Kabanata 65
"Go down and fetch her," utos ni Ythan sa kaniyang tauhang si Jett Jamison. Pinaslang niya ang lahat ng mga nagtraydor niyang tauhan at tanging ito na lamang ang natira sa mga pioneers. Nakangiti siya habang pinapanood niya sa current CCTV footage si Rhea. Kumakatok ito sa pinto habang palinga-linga sa paligid."Masusunod po, kamahalan. Sigurado po ba kayong hindi siya nagsama ng kahit sino o kaya ng mga pulis?" tanong ni Jett."Kilala ko ang asawa ko. Hindi niya kayang isugal ang buhay ng mga taong mahal niya. Nasisiguro kong mag-isa lang siyang pumunta rito. Kung may kasama man siya, alam mo na ang gagawin. Hindi natin kayang lumaban sa mga pulis dahil dalawa na lang tayo." Ikinuyom niya ang kaniyang mga kamay. "Nag-activate na ang bomba. It only means na napatay na nilang lahat ang mga tauhan ko!""Sige po, kamahalan. Pupuntahan ko na po ang inyong asawa," ani Jett.Lalakad na sana si Jett patungo sa may pintuan nang biglang nagsalita si Ythan, "naihanda mo na ba ang mga ipinahahan
Baca selengkapnya
One Night Deal - Kabanata 66
"Twenty minutes, Rhea. I'm giving you twenty minutes to talk to your daughter. After that, I will release her on the street, and you will come with me. Don't try to fool me or else... we will all be buried six feet underground," Ythan said.Kinagat ni Rhea ang kaniyang dila para pigilan ang mga masasamang salitang nais niyang sabihin kay Ythan. Mula sa mukha nito ay nalipat ang tingin niya sa hawak nitong remote-control. 'May bombà sa building na ito?' ani ng isip niya. Iniikot niya ang kaniyang mga mata sa paligid para hanapin ang bomba pero hindi niya iyon nakita."Twenty minutes start now!" sabi ni Ythan. "Jett, bantayan mo sila nang maayos," bilin niya bago tuluyang lumabas ng silid. Yumuko si Jett bilang pagsang-ayon sa utos niya.Galit na galit na nakatingin si Rhea sa kasasara lang na pinto. Biglang bumukas ang kaniyang mga kamay na kanina pang nakakuyom nang maramdaman niya ang paghawak sa kaniya ni Freya. Agad na pumatak ang sunod-sunod na mga luha sa kaniyang mga mata. Mabil
Baca selengkapnya
One Night Deal - Kabanata 67
"Sa wakas, makakapagsimula na kami ni Rhea ng panibagong buhay sa ibang bansa. Susubukan ulit naming bumuo ng anak. Magpapagamot ulit ako." Tumingin sa kaniyang relo si Ythan. "Twenty minutes is about to end." Binuhay niya ang dalawang maletang dala-dala niya simula noong kinidnap niya si Freya. Naglalaman ng mga gamit ni Rhea ang isang maleta samantalang kaniyang gamit naman ang laman ng isa pa.Marunong mag-operate ng helicopter si Ythan. Ni-check niya muna ang lahat at nang masiguro niyang walang magiging aberya. Sinubukan niya itong paandarin."Great! Now, we can fl—" Dahil sa adrenaline rush ay nagawang paliparin ni Ythan ang helicopter sa ere. Nanginginig ang mga kamay niya habang ino-operate ang kaniyang private helicopter. Mabilis niyang ini-landing sa helicopter pad sa kabilang gusali ang helicopter. Mabilis siyang bumaba mula rito. Nangingilid ang kaniyang mga luha habang lumuluhod. "R-Rhea! Hindi maaari!"Wala sa sariling kinapa ni Ythan ang bulsa ng kaniyang pantalon. Nanl
Baca selengkapnya
One Night Deal - Kabanata 68
**Bago sumabog ang bomba**"Anong balak mong gawin?" tanong ni Jett habang masamang nakatingin kay Rhea.Mabilis na lumayo si Rhea kay Freya. Napalunok siya nang sunod-sunod. "I'm just checking her. She's my daughter. Is it now a crime to check up on her? Besides, pakakawalan din naman siya ng amo mo, oras na sumama ako sa kaniya papuntang ibang bansa. Is there any problem?" Rhea said, without even blinking.Ngumiti si Jett at pagkatapos ay tumango. "I see." Naglakad siya palapit kay Jackson at bumulong, "I'm done playing. Let's end this game."Tumunghay si Jackson at ngumiti.Nagtatakang tiningnan nina Freya at Rhea ang dalawa."Nakuha mo ba?" tanong ni Jackson."Oo…Kuya Jackson," tugon ni Jett.Namilog ang mga mata nina Freya at Rhea sa kanilang narinig."What's happening?" Rhea asked."That Jett, called Jackson…kuya," Freya murmured."Magkapatid sila?" malakas na tanong nina Freya at Rhea habang nanlalaki ang mga mata sa isa't-isa.Tinulungan ni Jett na makatayo si Jackson. "Our se
Baca selengkapnya
One Night Deal - Kabanata 69
Ikinubli nina Uno at Dos si Freya sa kanilang likuran. Nakasabay nila itong pumunta sa gusaling iyon at naisipan nilang sorpresahin ang kanilang amo. "Nakakatakot ang mga ngiti niyong 'yan, Uno at Dos. You're giving me false hope." Pinilit ni Jacob na tumayo sa sarili niyang mga paa. Bumitiw siya sa pagkakahawak nina Set at Hulyo. "Bakit po kayo umiiyak, kamahalan?" tanong ni Uno. Tumikhim si Jacob at tumingala. Mabuti na lamang at umuulan. Hindi halata ang kaniyang mga luha pero dahil sa basag niyang boses, nalaman nina Uno at Dos na tumatangis siya. "Who says I'm crying? I'm not weak," Jacob said. "Kamahalan, hindi po mahina ang mga taong umiiyak. Kailan pa po naging basehan ng pagiging malakas ang hindi pag-iyak? Okay lang naman pong umiyak kung sobra na ang sakit…kung patong-patong na ang mga problema. It's one of our ways to release stress, pressure, anger, disappointments and even prayers at the same time. Hindi rin po nakakabawas sa ating pagkalalaki ang pag-iyak sa harap n
Baca selengkapnya
One Night Deal - Kabanata 70
"Who are yo—" Nanlaki ang mga mata ni Freya nang yakapin siya ni Ramon. Pilit niyang inaalis ang pagkakayakap nito pero hindi niya ito naawat."Thanks God, you're safe!" nakapikit na turan ni Ramon habang yakap-yakap si Freya.Pinandilatan ni Freya si Jacob na ngayon ay hindi man lamang nagrereklamo na may ibang lalaki, worst, medyo matandang lalaking nakayapos sa kaniya. "Excuse me. Sino po ba kayo?" aniya pagkatapos niyang kumawala sa pagkakayakap ni Ramon."I'm sorry, Freya. Natuwa lang ako ng sobra. Hindi mo ba talaga ako natatandaan?" tanong ni Ramon.Kumunot ang noo ni Freya. "I don't think so," she said.Ngumiti si Ramon."Wait! You look familiar!" Nag-isip si Freya."I'm your Tito Ramon! Kapatid ako ng Tatay Ramil mo," diretsong sabi ni Ramon.Namilog ang mga mata ni Freya. Inilapit niya ang kaniyang mga mata sa mukha ni Ramon. Mayamaya pa ay naglulundag siya nang makumpirma niyang tiyuhin niya nga ito. "My God! Tito Ramon! Hindi po kita nakilala agad! I mean, look at you now!
Baca selengkapnya
One Night Deal - Kabanata 71
**P-Pop music playing**Dahan-dahang hinawakan ng isang kamay ni Jacob ang kamay ni Freya habang nagmamaneho siya patungo sa kinaroroonan nina Yael at Diana. Nabisita na nila si Jackson at ngayon ay kasalukuyang binabantayan ng mga pulis."May balak ka pa bang sampahan ng kaso si Kuya Jackson? Ini-urong na kasi ni Tito Ramon ang mga isinampa niyang kaso. I'm just asking kasi may mga pulis na nakabantay sa labas ng room niya." Pasulyap-sulyap si Freya sa mukha ni Jacob. Ilang minuto rin kasi itong hindi nagsasalita.Tumikhim si Jacob. "Kung ikaw ang tatanungin, kakasuhan mo pa ba siya? Mas malaki ang naging impact sa'yo ng ginawa niya dahil mas nasaksihan mo ang paglaki ni Yael. You've been together through ups and downs. Kung anuman ang maging desisyon mo, ire-respeto ko 'yon." Mas hinigpitan niya ang hawak niya sa kamay ni Freya."Pag-iisipan ko pa. Sa ngayon kasi medyo naguguluhan pa ako. He did everything to save me but he also did everything to harm our son. Let me weigh it." Inal
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
121314151617
DMCA.com Protection Status