Cold Nights with my Billionaire HusbandKabanata 23“Anak, matulog ka naman. Baka mamaya ay mawalan ka na ng malay,” nag-aalalang sabi ni Rhea matapos niyang datnan ang kaniyang anak na tulalang nakaupo sa harap ng kabaong ni Jia.“Okay lang po ako. Huwag niyo po akong alalahanin,” wala sa sariling sambit ni Freya.“Anong okay? Putlang-putla ka na nga oh! Pinuntahan pa kami ni Yael dahil nag-aalala na ng husto sa iyo ang bata. Kami na muna ng tatay mo ang magbabantay kay Jia. Magpahinga ka na muna roon sa hotel.” Hinaplos ni Rhea ang likod ng kaniyang anak.“‘Nay, ayos lang po talaga ako. Ayoko pong iwan si Jia. Ma-malulungkot po siya kapag i-iniwan ko na n-naman siya—” Hindi na naituloy ni Freya ang kaniyang sasabihin. Napahagulhol na naman siya ng iyak.“Anak, please, listen to me. Your body needs to rest. Pagang-paga na ang mga mata mo sa kaiiyak. Halos wala na ring buhay ang labi mo, putlang-putla ka na. Alalahanin mong may Yael ka pa. May asawa ka pa. Sigurado akong mas malulungk
Last Updated : 2024-09-06 Read more