**The Past** (Part 2)"Tatay, matagal pa po ba si inay sa palengke?" naiinip na tanong ng batang si Freya."Anak, kaaalis lang ng inay mo ah. Miss mo na agad siya?" natatawang turan ni Ramil.Tumango si Freya. "Opo, tatay. Gusto ko na po ulit maglaro kasama si inay," aniya."Siya nga pala, anak. Hinahanap ka ng anak ni Josie kanina. Makikipaglaro raw sa'yo," sabi ni Ramil.Umikot ang mga mata ni Freya. "Ayoko po siyang kalaro, tatay! Madaya po siyang kalaro," tugon niya. "Akala mo rin palagi kung sinong guwapo. Mukhang walis-tingting naman," bulong niya."Anong sabi mo, anak?" tanong ni Ramil.Biglang binago ni Freya ang usapan. "Tatay, tayo na lang po maglaro," bagot na bagot na sabi niya."Anak, gustuhin man ni tatay makipaglaro sa'yo …" Tiningnan ni Ramil ang kaniyang isang putol na paa. Nakaramdam na naman siya ng awa sa kaniyang sarili.Nalungkot si Freya sa kondisyon ng kaniyang tatay. "Sorry po, tatay. Nakalimutan ko po," nakayukong sambit niya.Ginulo ni Ramil ang buhok ng kan
Last Updated : 2022-11-24 Read more