"What did you say, love? Sasama ka kina Freya at Jackson sa paghahanap sa batang 'yon? Anong nakain mo?" inis na sambit ni Ivana habang nakatingin nang masama kay Jacob."I want peace of mind, love," turan ni Jacob."Peace of mind? What the héck are you saying?" Ivana blurted."Gusto kong malaman kung totoong anak ko nga si Yael," tugon ni Jacob."And?" Nakataas ang mga kilay ni Ivana. Tumayo siya sa pagkakaupo sa kama at lumakad palapit kay Jacob."Kaya tutulong ako sa paghahanap sa kaniya. 'Di ba sabi ko sa iyo, magpapa-DNA test kami? Paano ko iyon gagawin kung wala si Yael?" ani Jacob habang nagsusuot ng v-neck t-shirt.Ipinulupot ni Ivana ang kaniyang mga kamay sa bewang ni Jacob. "Love, biglang sumakit ang ulo ko. Can't you stay here with me? I miss you. Ang aga-aga mong umalis kanina. Nagising na lang akong wala ka na sa tabi ko. Please, don't go. Kaya nang hanapin nina Jackson at Freya si Yael. Besides, they already reported it to the police. Please love, huwag ka nang umalis,"
Last Updated : 2022-11-07 Read more