Dahil kasal na talaga sila ni Liam, minabuti ni yvet na baguhin ang tuluyan ang kanyang sarili. Pagkaraan ay natawa siya. Parang maling salita ang kanyang napili. Ang mala-Manang niyang itsura ay hindi ang tunay niyang anyo. Nagpanggap lang siya at alam niyang dahilan ayaw niyang magpabola ulit.Malalim na buntong hininga ang kanyang pinawalan. Totoo ang sinabi niya kay Liam na nu'ng mahalin niya ito, nabura na sa puso niya si Henry subalit, iba naman ang sinisigaw ng puso niya, sa hinihirit ng kanyang isipan. Naisip niya kasi na kung hindi siya magiging magandang maganda sa paningin ni Liam ay baka ipagpalit siya nito sa iba – kay Janiz halimbawa.May tiwala siya kay Liam pero naiisip niyang lalaki rin ito. Hindi malayong gustuhin nito ang palaging nakakasama at nakakausap ay pirming kaakit-akit. “How do I look?” tanong niya kay Liam nang lumabas na siya sa silid gusto niyang surpresahin ito kaya naman pinauna muna niya itong gumayak.“Gorgeous!” hindi makapaniwalang sabi nito. Mu
Last Updated : 2026-02-12 Read more