All Chapters of My Hot Billionaire Husband : Chapter 31 - Chapter 40
48 Chapters
Chapter 31 Ang Pagsambulat ng Katotohanan 
PIGIL na pigil ni Yvette ang kanyang emosyon. Kung hindi niya siguro kagat-kagat ang kanyangblabi ay baka napahagulgol na siya ng iyak. Para kasing alam na niya ang dahilan kung bakit biglang nagbago si Liam. Bumalik ang first love nito kaya maaaring iniisip nito na kung hindi siya pinakasalan ay maaari nitong maging asawa ang Janiz na iyon. Sa pagkakaalam niya kasi mag-iisang taon na buhat ng mabiyuda ang ex nito. Mas bumigat ang kanyang dibdib nang maalala niyang hindi pag-ibig ang dahilan kaya pinakasalan siya ni Liam. Well, ganoon din naman siya kaya gusto niyang magtaka kung bakit sobra siyang nagri-react ngayon. Napahinto siya sa kanyang paghakbang nang maramdaman niyang may umakbay sa kanya. Kahit naman hindi niya lingunin kung wino iyon, alam na alam niyang si Liam. Iyon ay base sa amoy nito at sa bilis ng pintig ng kanyang puso.Sa kaisipang iyon, gilalas siyang napatingin kay Liam. Mahal na ba niya ito kaya ganoon ang kanyang nararamdaman? Gusto niyang magsabi ng imposibl
Read more
Chapter 32 Ang Komprontasyon nina Liam at Yvette
"WHY?" Tanging naitanong ni Yvette nang pumasok na sila ni Liam sa opisina nito. Hanggang ngayon kasi ay hindi niya maunawaan kung bakit kailangan nitong i-broadcast ng ganoon ang kanilang relasyon. Kahit walang hawak na mega phone si Liam ang lakas-lakas pa rin ng boses nito. Kung sakali mang hindi narinig ng lahat ang pagkakasabi ni Liam na mag-asawa sila, tiyak, kakalat pa rin sa buong WilMar dahil tumapat sila sa kinatatayuan ng tinaguriang Maritess ng WilMar Mall – si Nelia. Maging siya nga ay hindi nakaligtas sa pagiging tsismosa nito. Hindi nga ba pinagkakalat nito na isa siyang mangkukulam? Kung talaga lang may kakayahan siyang gumamit ng itim na kapangyarihan, tiyak niyang ito ang kauna-unahang niyang magiging biktima. "Anong why?" Wala sa tono ng boses nito ang pagtataka sigurado siyang nagmamaang-maangan lang ito. Syempre tiyak niyang alam nito ang kanyang sinasabi. Malalim na buntong hininga ang pinawalan niya pagkaraan. Kailangan ka di kasing malaman ni Liam ang tumata
Read more
Chapter 33 Ang Pagsulpot ng mga Kontrabida
PARANG ibig magtawa ni Yvette dahil damang-dama niya ang pagbabago ng trato sa kanya ng mga empleyado ng WilMar Mall. Dahil nga sa nalaman na ng lahat na asawa siya ni William Arguelles III biglang bumait ang lahat sa kanya. Good morning, Madam. Be happy always. Ito ang kalimitang bati sa kanya ng mga nagkalat na Maritess. Tiyak ang puso ng mga ito ay puno ng pangamba na kapag naging salbahe sa kanya ay mapapatalsik sa WilMar Mall. Well, hindi naman siya ganu'n. May puso pa naman siya saka hindi niya gugustuhin na may maghirap dahil lang na-offend siya. "Nelia!" Biglang napatalon ang Maritess ng WilMar Mall sa pagbanggit niya sa pangalan nito. Pakiwari niya, nagulat ito sa kanyang presensya ngayon malayo pa siya ay natanaw na nito. Sadya lang nitong iniwas ang tingin sa kanya dahil sigurado nag aalangan ito. Siguro iniisip nito na galit siya. "Po?" Mahabang bulalas nito. Kung susukatin kasi nga ang pagbigkas nito ay parang abot hanggang kabilang kanto. Ibig tuloy niyang mag
Read more
Chapter 34 Ang Utak ni Janiz
BIGLANG napatayo si Yvette nang bumalibag ang pinto pabukas. Kung si Liam ang nakita niya, malamang nakaramdam siya ng takot dahil tila galit na galit ito ngunit hindi ang asawa niya ang kanyang nakita kundi ang babaeng iyon –si Janiz. Nakuyom niya ang kanyang kamao. Hindi niya kasi naiwasan ang makaramdam ng panggigigil. Kung umasta ito ay para bang ito ang may-ari ng WilMar Mall. Feeling legal wife."Peke ang kasal ninyo ni Liam, hindi ba?" Mataray nitong tanong sa kanya. Ang talim-talim ng tingin kaya muli na naman itong nagtanong, maririin ang bawat bigkas ng mga kataga. "Kasal ba talaga kayo?"Ngumisi muna siya bago ito sinagot. "No.""Sabi ko na nga," anitong biglang nasiyahan. Napahagikgik siya. Sadya kasi niyang sinabi ang katagang 'no' para lituhin si Janiz. "Ang Ibig kong sabihin, hindi peke ang kasal namin. Kung duda ka, i-check mo sa NSO."Matagal itong hindi kumibo. Nanatili lang nakatingin sa kanya ng buong talim. Pakiwari niya tuloy ay iniisip na nitong saktan siya k
Read more
Chapter 35 Mga Tips sa Panliligaw ni Liam
"PAANO Ba ang manligaw?" Problemadong tanong ni Liam sa sarili. Pagkaraan ay malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Bigla na naman kasing pumasok sa isipan niya ang naganap sa kanila ni Yvette nu'ng nakaraan. Hinalikan niya ito pero pagkaraan ng ilang sandali ay itinulak siya nito. Ako ba talaga ang nais mong halikan? Tanong nito sa kanya. Sa ilang sandali ay napakurap-kurap siya. Hindi talaga niya mapaniwalaan na itatanong iyon ni Yvette. Ngunit, kahit gusto niyang magalit sa klase ng pagtatanong nito, hindi naman niya ito masisi, siya naman kasi talaga ang may kasalanan. Ipinaramdam niya kay Yvette na nawalan na siya ng gana sa kama. Baka nga iniisip nito na si Janiz ang dahilan. Kaya, kapag nagkakatitigan sila ay bigla rin itong natitigilan. Wala ng iba, mariin niyang sabi dahil gusto niyang maniwala ito sa kanyang sinabi. Patunayan mo, sabi nito. Kumunot tuloy ang kanyang noo. Sabi mo liligawan mo ko. Prove it, mapaghamon pang sabi nito."What?" Hindi makapaniwalang
Read more
Chapter 36 Ang Panaginip ni Yvette
HINDi alam ni Yvette kung nasaan siya pero ang lakas-lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Para kasing may nagsasabi sa kanya na ang eksenang iyon ay nangyari na. Sa pagkakataong iyon nga lang nakatingala siya sa pagkataas-taas na building. Ewan niya kung saan nga ba siya galing. Basta ang alam niya'y kumakabog ng husto ang kanyang dibdib. Parang may nagsasabi sa kanya na may hindi magandang nangyayari. Kaya naman napabilis ang pag-akyat niya sa building. Kailangan niya nang marating ang penthouse nila ni Liam. Hindi man sila ikinasal dahil talagang nagmamahalan sila, hindi pa rin mababago ang katotohanan na siya ang asawa nito. Dahil sa katagang 'asawa' ay lalo niyang binilisan ang kanyang paghakbang. Hindi niya siyempre hahayaan na maagaw sa kanya ang kanyang asawa. Totoo man o hindi ang kanilang kasal, hindi pa rin niya ito pawawalan. Ipaglalaban niya si Liam sa kahit sinong babae na magtatangka na agawin ito sa kanya. Maaari ngang noong nakita niya si Henry na may kasama itong baba
Read more
Chapter 37 Ang Pagkakaunawaan nina Liam at Yvette
NANG magkatitigan sila ni Liam ay parang may bumuhos na malamig na tubig sa kanyang bumbunan. Para ngang unti unting siyang natauhan.Tama ba ang kanyang ginawa? Tanong pa niya sa kanyang sa sarili. Gusto sana niyang sabihin na wala namang mali sa paghalik niya. Na asawa naman niya si Liam. "Sorry," wika niya. Pakiramdam niya kasi ay hahakbang palayo sa kanya si Liam kapag hindi niya ibinulalas iyon pero parang may isang bahagi ng kanyang isipan ang nagsasabing hindi iyon gagawin ng kanyang asawa. Asawa? Sarkastikong tanong ng isang bahagi ng kanyang isipan na nagsisilbing kontrabida sa kanyang kaligayahan. Pagkaraan ng ilang sandali ay mariin niyang sinabi sa kanyang sarili na asawa niya talaga si Liam dahil kasal sila at may nangyayari sa kanila. Kumunot ang noo ni Liam habang nakatitig sa kanya. Wari'y binabasa kung ano bang tumatakbo sa kanyang isipan. "Pinagsisihan mo ang paghalik sa akin?""No," mabilis niyang sabi. Talaga naman kasing hindi niya pinagsisihan ang paghalik na
Read more
Chapter 38 Ang Sweetness nina Liam at Yvette
"GOOD morning," sabay pa nilang bati ni Liam nang imulat niya ang mata. Ang totoo kanina pa siya gising pero hindi siya kumikilos para gumalaw. Paano ba naman kasi, ang sarap sa pakiramdam na magkayakap silang dalawa. Ilang araw na rin kasi niyang hindi nararamdaman ang yakap ni Liam. Nang una ay sobra siyang nasaktan dahil pakiramdam niya'y wala na itong nararamdaman sa kanya kahit na pagnanasa pero ngayon ay unti-unting nagkakaroon siya ng pag-asa. Hindi naman kasi nito sasabihin na liligawan siya kung wala talagang nararamdaman sa kanya. "Mas maganda ka pa sa morning," wika ni Liam. Hindi man niya tiyak kung seryoso si Liam sa sinabi, napangiti pa rin siya. Talaga kasing na-miss niya na lagi itong makita. Nang nakalipas na araw kasi ay lagi itong nauunang magising. Ngunit, sinisiguro namang himbing na siya bago tumabi sa kanya. Kapag kasi naaalimpungatan siya ay nararamdaman niya ito sa kanyang tabi. "Bolero."Tumaas ang kilay nito. "Bakit ko naman bobolahin ang sarili kong asa
Read more
Chapter 39 Ang Salpukan nina Yvette at Janiz
"WELL….well…well, nandito na pala ang lovebirds."Ang sabi ni Yvette sa sarili, walang sinuman ang makapagpapa-badtrip sa kanya pero nagkamali siya. Para kasi gusto na niyang dukutin ang mga mata ni Janiz na malagkit na malagkit na nakatitig kay Liam. "Ano na naman ba ang ginagawa mo rito?" Buwisit na tanong ni Liam. Pulang-pula ang mukha ni Liam na nagsasaad ng matinding galit. Siguro ay dahil naalala na naman ng kanyang asawa ang pagsampal sa kanya ni Janiz. Dapat nga sana ay pamahayan din ng galit ang kanyang dibdib pero hindi niya iyon magawa. Sa halip kasi kay Janiz niya ibaling ang kanyang nararamdaman, napunta iyon kay Liam. Sa pagkakatitig niya tuloy dito, bumilis ang tibok ng kanyang puso. "Nagpunta ako rito para humingi ng tawad," wika nitong mababang mababa ang tono. Nang buksan kasi ni Liam ang pintuan ng opisina nito ay agad sumunod sa kanila na para bang invited na pumasok roon. Marahas na buntunghininga na lang tuloy ang pinawalan ni Liam pero mahigpit ang ginawang
Read more
Chapter 40 Ang Panggagalaiti ni Janiz
KANINA pa pinipigilan ni Janiz ang kanyang emosyon – ang matinding poot para kay Yvette, kailan lang niya ito nakilala pero parang gusto na niya itong patayin. Ito kasi ang nag-iisang hadlang para mapalapit siyang muli kay William Arguelles III. Matinding galit ang ipinakita sa kanya ng lalaki dahil sa pagsampal niya sa 'matandang mangkukulam na iyon. Napamura siya nang maisip niyang iba na nga pala ngayon ang hitsura ng babaeng iyon. Dahil doon mas nakaramdam siya ng panggigigil sa kasinungalingan nito. Umasam kasi siya na milya-milya ang lamang niya sa babaeng iyon kung pisikal na hitsura ang pag-uusapan pero mali siya, maling-mali siya dahil napakaganda pala ng babaeng tinatawag niyang matandang mangkukulam. Maganda at seksi naman siya pero nakakaramdam siya ng insecurity sa babaeng iyon. Hindi lang dahil sa asawa ito ng lalaking dati'y patay na patay sa kanya kundi dahil sa bukod na mala anghel itong kagandahan ay hindi ito tulad niyang bilasa na. Marahas na buntunghininga ang
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status