Lahat ng Kabanata ng My Hot Billionaire Husband : Kabanata 21 - Kabanata 30
48 Kabanata
Chapter 21 Ang Sorpresa ng mga Tatay
"KAMUSTA naman kayo rito?" Sa halip na sumagot agad ay narinig pa niya ang malalim na pagbuntunghininga ni Liam, alam na alam niya siyempre kung bakit. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang asawa na naisahan sila ng kanilang mga ama. Kunsabagay, siya rin naman ay hindi makapaniwala sa nangyari dahil para lang siyang sumakay sa roller coaster at sobra siyang nakaramdam ng pagkahilo pagkaraan. Ayaw niyang magpakasal kay William Arguelles kaya naman nagdesisyon siyang makipagtanan kay Henry. Naniniwala kasi siya na ito ang dapat niyang pakasalan, siyempre, mahal niya ito pero natapos ang pagmamahal niyang iyon ng makita niya itong nagtataksil. Napabuntunghininga siya nang maalala niyang dahil sa pangyayaring iyon ay naging asawa niya si Liam. Sa ngayon naman ay masasabi niyang kontento siya sa piling nito at naniniwala siya sa sinabi nitong hindi nito gugustuhing tapusin ang kanilang relasyon. "Okay na okay," wika ni Liam. Maang siyang napatingin sa asawa dahil walang
Magbasa pa
Chapter 22 Sina Liam, Yvette at Henry
AGAD inangkin ni Liam ang kanyang labi pagkasara nito ng pintuan. Damang-dama niya anh pananabik nito kaya tinugon din niya ng buong alab ang halik nito. Hindi niya alintana kung ang paraan ng paghalik nito sa kanya ay may kasamang panggigigil. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi, kapwa sila hinihingal. "Sino ako?" Tanong nito sa kanya pagkaraan ng ilang sandali. "Liam?" Maang niyang tanong. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit ganoon ang tanong nito sa kanya. "Very good.""Ha?"Sa halip sagutin ni Liam ang katanungan niya tungkol sa ginagawa nito, muli niyang natikman ang halik nito. Gusto sana muna niya itong itulak dahil sa naguguluhan siya sa inaakto nito pero hindi niya magawa. Mas masarap kasi kung magku-concentrate lang siya sa kanilang halikan. "Dahil ako ang nakikita mo kapag hinahalikan kita," mariing sabi nito. Ilang beses siyang napakurap-kurap sa sinabing iyon ni Liam. May ilang minuto rin bago naproseso sa utak niya ang sinabi nito. Tiyak niyang tumatak sa isi
Magbasa pa
Chapter 23 Ang Pag ibig ni Henry
MAHAL ni Henry si Yvette kaya sinabi niya sa sarili na lahat ng paraan ay gagawin niya para balikan siya nito. Sukdulang magmukha siyang kawawa sa harapan ni Yvette, sa paningin ng tatay nito o sa kahit sinong tao. "Liam…." Narinig niyang bulalas ni Yvette sa lalaking mistulang leong handang manakmal habang nakatitig sa kanya. Hindi siya ang tipo ng lalaki na nakakaramdam ng pagkailang sa kanyang kapwa lalaki pero iyon ang naramdaman niya ng mga sandaling iyon. Hindi niya ito kilala pero alam niyang hindi ito basta-basta. Ang pagkatao kasi nito ay nababalutan ng self confidence at karangyaan. Isang sulyap lang niya sa kasuotan nito ay alam niyang puro mamahalin iyon."Bakit mo kasama ang lalaking iyan?" Inis na tanong nito. Naniningkit pa ang mga mata nito na para bang may nagawa siyang kasalanan dito gayung hindi nga niya ito kilala. Gayunman, may pakiramdam siyang kilalang-kilala siya nito. "Boyfriend niya ako," nagtatapang tapangang sabi niya. Ngunit natigilan siya ng bigyan na
Magbasa pa
Chapter 24 Ang Pagseselos ni Liam
NANG sabihin sa kanya ng mga bodyguard ni Yvette na kasama nito ang ex-boyfriend nito, biglang umakyat ang dugo niya sa ulo. Ang una kasing naisip niya ay magkakabalikan ang dalawa kaya kahit nasa gitna siya ng importanteng meeting ay bigla siyang nag-cancel. Parang wala siyang pakialam sa limpak-limpak na pera na papasok sa kanyang bank account. Ang importante lang sa kanya ng mga sandaling iyon ay ang kanyang asawa. Hindi niya hahayaan ang ex nito na magkaroon ng pagkakataon na mabola na naman ang kanyang misis. Mula nang sabihin ng kanilang kanilang mga ama na alam ng ex boyfriend ni Yvette na alam nito kung saan ito nagtatrabaho ay hindi na siya mapakali. Parang may nagsasabi sa kanya na kung hindi siya magiging matibay sa pagbabantay ay mawawala pa sa kanya ang asawa. Hah, hindi niya papayagang mangyari iyon!Nang makita nga niya si Yvette at ang ex boyfriend nito sa pizza parlor na iyon, parang gusto na niyang magwala. Parang gusto niyang bigwasan ng sunud-sunod na suntok ang
Magbasa pa
Chapter 25 Ang Selosang Misis
SA tingin ni Yvette ay balisa si Liam sa kung ano kaya kunot na kunot ang noo niya habang nakatitig dito. Sa kauna-unahang pagkakataon mula ng maging mag-asawa sila, ngayon lang niya ito nakitang nawala sa focus. Gustung-gusto na sana niya itong tanungin kung anong problema pero hindi niya magawa. Nasa Conference room kasi sila at naghihintay sa mga magmi-meeting.Mayroon na naman kasing tina-target ang asawa niyang kumpanya at gusto nitong mag-franchise at ilagay sa WilMar Mall. Ewan nga lang niya kung iyon ang dahilan kaya hindi ito mapakali. Gusto sana niyang magtanong kay Liam kahit sa pamamagitan ng tingin kaya lang parang sinasadya nitong iiwas ang tingin sa kanya. Pakiramdam niya tuloy ay mayroon itong kasalanang nagawa sa kanya kaya di siya matingnan ng diretso. Guilt ba ang ibig sabihin nu'n? Bumukas ang pintuan. "Magandang Umaga," maarteng bati ng babaeng pumasok. "Hatchoo!" Hindi niya naiwasan ang mabahing dahil sa tapang ng pabango ng babae. Parang mabibiyak kasi ang
Magbasa pa
Chapter 26 Si Janiz Mendez
I want him back! Iyon ang sigaw ng utak ni Janiz nang makita niyang muli si William Arguelles III. Sa kauna-unahang pagkakataon kasi'y tumibok ang puso niya para rito. Malayung-malayo na ito sa lalaking sinaktan niya't iniwan. Siya ay nagkaroon na ng sandamakmak na ex-boyfriend at dedo na rin ang matandang mayaman na kanyang pinakasalan, subalit ngayon lang siya nakaramdam ng matinding pagnanais na maangkin ang isang tao. Ewan lang niya kung dahil sa kaguwapuhang taglay ni William Arguelles III o dahil sa nakakalulang yaman nito. Kung ang ibang tao ay nangangasim sa pagkain, siya naman ay sa pera. Parang may mga peso sign siyang nakikita sa paligid kapag nalaman niyang ang isang tao ay maraming pera. Nang magpunta siya sa psychiatrist ay napag-alaman niyang mayroon siyang avaricious. Ibig sabihin ay sobra niyang mahal ang pera kaya kapag mayaman ang isang tao ay nagagawa na rin niya itong mahalin. Marunong ka ba talagang magmahal? Napapantastikuhan niyang tanong sa sarili. Well, n
Magbasa pa
Chapter 27 Ang Kapilyahan ni Yvette
ANG layunin lang naman talaga ni Yvette kaya bumili siya ng insecticide ay para sa mga lamok na nagliliparan, ngunit, makaraan ang ilang sandali, natigilan siya. Sa kanyang isipan kasi ay nakikita niyang nagliliparan ang mga babaeng umaali-aligid kay Liam. Nakakabuwisit! Siyempre, hindi naman siya nagseselos dahil hindi naman niya mahal si Liam para maramdaman niya iyon. Nabubuwisit lang siya sa mga babaeng akala mo'y mauubusan ng lalaki kung makaasta. Bigla tuloy niyang naalala si Ma-An. Sa eskuwelahan noon ay palagi niya itong tinatalo – sa pagiging honor roll pati na rin sa pagandahan. Palagi kasi siya ang nakukuhang muse noon. Tapos, may malaki pa itong gusto kay Henry pero siya ang niligawan ni Henry kaya talagang hindi kataka-taka na mas nadoble ang galit nito sa kanya. Dapat sana ay may sakit pa rin siyang nararamdaman kapag naiisip niya ang dahilan ng hiwalayan nila ni Henry pero wala na siyang kirot na naramdaman. Ayaw naman niyang isipin agad nawala ang pagmamahal niya s
Magbasa pa
Chapter 28 Ang Paglabas ng Katotohanan
HINDI matandaan ni Yvette kung gaano nagtagal ang halikan nilang iyon ni Liam, basta kapwa sila hinihingal nang maghiwalay ang kanilang mga labi. "Yuck!" Wika naman ng tinig. Noon niya naalala na kaya niya nilapitan at hinalikan si Liam ay dahil gusto niyang ipakita sa babaeng iyon na sa kanya si Liam at hindi siya papayag na magkaroon pa ng iba. Matalim na matalim tuloy ang tingin na ibinigay niya sa biyuda nang lingunin niya ito. "Ang sarap," aniyang nang-iinggit pa at para mas inggitin niya ito, binigyan pa niya nang mabilis na halik si Liam sa labi. Kahit gusto na sana niyang salubungin ang tingin ni Liam, mas minabuti niyang harapin ang babae. Tinaasan pa niya ito ng kilay. Pagkaraan ay nginisihan pa. Iyong talagang nakakaloko. Gusto niyang ipakita sa babae na sa kanilang dalawa, siya ang nagwagi. "Ngayon mo sabihin sa aking 'he is your boyfriend," buong kasarkastikuhan niyang bulalas. Ewan lang lang niya kung talagang hindi nito alam ang pagkakaiba ng 'is' at 'was' o talaga
Magbasa pa
Chapter 29 Ang Napurnadang Gabi ni Yvette
ANG pagpipigil nila ni Liam para sa isa't isa ay natapos nu'ng makapasok na sila sa penthouse ni Liam. Kahit sabihin pang mag-asawa sila, hindi siya ang tipo na inaangkin ang mga bagay na hindi naman kanya. Basta para sa kanya, sapat ng magkayakap at naghahalikan silang mag-asawa. Talaga ba, Yvette? Nanunuksong tanong ng atribidang bahagi ng kanyang isipan. Pagkaraan tuloy ay napabulalas siya ng 'no way'. Talaga kasing hindi siya makukuntento sa yakap at halik lang. Gusto niyang may kasamang paghaplos at siyempre pag-angkin. Sa pamamagitan nu'n ay mararamdaman niya ng husto si Liam. Ngunit, hindi nila iyon magagawa kung may mga damit pang nakaharang sa kanilang mga katawan. Kaya, kusa nang humaplos ang kanyang kamay papasok sa loob ng damit nito upang isa-isang matanggal iyon. "Wait!" Pigil ni Liam sa kanyang ginagawa. Hinawakan pa nga nito ang kanyang kamay para hindi na niya maipagpatuloy pa ang ginagawa. Oh, para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng mga sandaling iyon. Sa
Magbasa pa
Chapter 30 Ang Pagbabago ni Yvette
WOW, iyon ang katagang inaasahan na maririnig ni Yvette kay Liam pero iba ang ibinulalas nito, "Bakit ganyan ang suot mo?" matabang nitong tanong. Kahit na parang dinukot ang puso niya sa loob ng kanyang rib cage, nakuha pa rin niya itong ngitian. "Nakakasawa na kasi ang Miss Minchin looks ko. Gusto ko naman mag-iba na tutal naman…""Nagkita na kayo ng ex-boyfriend mong tukmol?" Badtrip nitong tanong. Kita niya kasi sa mukha nito ang inis. Sa isang sandali ay gusto sana niyang isipin na nagseselos ito pero ipinilig niya ang kanyang ulo, ayaw na niya kasing umasa. Hindi pa rin kasi mawala sa isip niya ang ginawa nito kagabi. Kahit kasi nakapaligo na siya at mabangung-mabango na siya ay hindi siya nito pinansin kahit pareho na silang nakahiga sa kama. Ang sabi lang nito ay pagod ito. Ayaw niyang paniwalaan iyon dahil noon namang nakaraang linggo, kahit napapagod ito ay hindi pa rin nawawalan ng oras sa kanya. Panay pa ang bulong nito kung gaano siya kaganda at kabango. "Kung minsan
Magbasa pa
PREV
12345
DMCA.com Protection Status