Kinabukasan, tahimik lang ang paligid ng bahay ni Lola Aurora. Maaga akong nagising, pero hindi dahil sa ingay ng alarm. Para bang kusa na lang bumangon ang katawan ko. Magaan ang pakiramdam—hindi pa buo, pero mas magaan. Parang tinanggalan ng gapos.Paglabas ko ng kwarto, nagtungo ako sa kusina. Naabutan ko si Papa, nagkakape na. Akala ko kagabi lang siya magpapalipas ng oras dito kay Lola. Pero heto pa rin siya—tahimik, pero halatang may gustong sabihin.“Pa, di po ba dapat nasa bahay ka na?” tanong ko habang inaabot ang tasa.“Bumalik muna ako saglit. Gusto sana kitang yayain... umuwi,” diretsong sabi niya.Napatingin ako sa kanya. Hindi dahil sa gulat, kundi dahil sa bigat ng salitang uwi. Matagal na rin akong hindi tumira sa bahay namin.“Miss ka na ni Sarah,” dagdag niya. “Lagi kang tinatanong. Si Daniel din. Hindi siya palasalita, pero noong nalaman niyang nagkita tayo, nagtanong agad kung uuwi ka na raw.”Tahimik lang ako habang nagtitimpla ng kape. Miss ko na rin sila, lalo na
Last Updated : 2025-07-07 Read more