All Chapters of Ang Santo Sa Likod Ng Pinto 2: Si Father Mer: Chapter 21 - Chapter 30
41 Chapters
Chapter 21
Gising na si Nana Conrada bago pa sumapit ang alas kuwatro 'y medya ng umaga. Nagluto lang siya saglit ng sinangag at daing para sa almusal ng mga anak at lumarga na rin siya papunta sa katabing bayan ng Maasin. May dadaanan lang siya muna roon bago bumalik sa Casa.Dala niya sa wallet ang pangalan ng taong pupuntahan doon. Isinulat iyon ni Manong Jerry para hindi niya makalimutan."Punta ka doon sa gilid ng simbahan ng San Simon. Ipagtanong mo lang sa mga taga roon kung nasa'n kamo si Mameng. Kilala siya du'n. Maaga pumupuwesto 'yon doon," bilin sa kanya ni Manong Jerry noong nagdaang gabi matapos nila mag-inuman sa rooftop.Mabuti na lang at nakasakay na siya agad ng jeep at wala pang trenta minutos ay narating na rin niya ang terminal ng mga tricycle ng Maasin. Nagpahatid siya sa isa sa mga tricycle driver doon na naabutan niyang nagkakape pa habang nakikining ng balita. "Mama, may kilala ka na Mameng na nakapuwesto raw sa simbahan?" tanong niya sa driver habang binabaybay na nila
Read more
Chapter 22
"Ate bakit?" si Edgar na kasabay niya madalas na maagang gumigising."Ha?""Bakit ka nakatulala d'yan? May problema ka ba? 'Yung itlog kasi na niluluto mo masusunog na yata.""Ay!" dali-daling sinandok ni Minggay ang sunny side up na itlog at inilagay sa plato. Nangingitim na ang ilalim nito.Hindi halos nakatulog si Minggay buong magdamag. Sa tuwing ipipikit niya kasi ang mga mata, laging iyon ang nakikita niya. Si Isabel, umiiyak sa may bintana at laslas ang pulso. Si Serberus na nakanganga sa silong ng bintana, inaabangan ang bawat patak ng dugo mula sa sugat ni Isabel.Paulit-ulit na sinasabi ng demonyo sa panaginip na gusto niyang inumin ang dugo ng ate ni Father Mer. Na ito ang dapat na ialay nila sa kanya. Ipinagpatuloy ni Minggay ang pagluluto. Inilagay niya ang bawang sa kawali at pagkatapos ang bahaw na kanin. Nagbudbud din siya ng kaunting toyo rito, pampalasa. Pinipilit niyang maging abala sa mga gawain para kalimutan ang kanyang bangungot.Dumating ng alas singko 'y medy
Read more
Chapter 23
Sandaling tumigil si Minggay sa tabi ng kalsada. Sumandal siya sa poste ng kuryente para hindi matumba. Malakas ang tibok ng kanyang puso at nagbubutil-butil na ang pawis niya sa leeg. Kahit wala na ang bulong, parang may naiwan pa rin itong alingawngaw sa kanyang tenga.Umusal siya ng maikling dasal kahit na hindi naman talaga siya relihiyosong tao. Humingi siya ng panibagong proteksyon at gabay sa panginoon kung ano ang gagawin sa tila bagong utos na gustong ipagawa sa kanya ni Serberus. Hindi pa ba sapat na sinusunod niya ang lahat ng gusto nito? Na mistula siyang alipin? Bakit kailangan pati si Ate Isabel? Bakit hindi na lang siya makontento sa mga dugong inaalay nila? Bakit kailangan pa niyang gawing komplikado ang lahat? Gustong sumigaw at sabunutan ni Minggay ang sarili. Isinusumpa niya ang araw na tumapak siya sa Casa Del Los Benditos. Pinipigilan na lang niyang maiyak dahil nahihiya siyang makita ng mga taong dumadaan.Kaysa mag-aksaya sa pamasahe, napagpasyahan ni Minggay n
Read more
Chapter 24
"Naku naman. Sa'n ba kasi naglalagi ang babaeng 'yun?" reklamo ni Manong Jerry. Nag-aapoy na sa init at kaunti na lang ang pasensya na mayroon siya.Minamaneho niya ang tricycle na binili pa niya mula sa mga gantimpalang pinaghahatian nila ni Nana Conrada. Dala niya ito pampasada paminsan-minsan, pero mas ginagamit niya ito para isakay ang mga alay at dalhin sa Casa. Kasa-kasama niya madalas sa paghahanap at pagba-biyahe ng mga alay ang anak na si Hero. Wala lang ito ngayon dahil nag-swimming kasama ang barkada.Minsan lang nakita ni Manong Jerry si Ate Linda noong dalawin nito ang kapatid sa kuwarto nito. Palabas na ito ng bahay noong makasalubong niya ito sa pintuan. Hindi niya makakalimutan ang may kalakihan at makapal nitong salamin sa mata, ang blusa na may disenyo na mukhang galing sa dekada otsenta at buhok nitong nakapusod. Mukha itong istriktang guro na mahilig mamalo ng puwet ng kanyang mga estudyante. Binati niya ito noon subalit hindi siya nito pinansin."Suplada" mahina p
Read more
Chapter 25
"Sa ngalan ng ama, ng anak at ng espiritu santo. Amen." Yumuko si Father Mer pagkatapos niyang bigyan ng bendisyon ang mga maninimba. "Tapos na ang misa. Humayo kayo nang mapayapa."Umawit ang choir na nakapuwesto sa gilid, malapit sa altar. Nagpalakpakan ang mga tao. Pero imbes na samahan ni Father Mer ang mga sakristan niya sa pag-martsa palabas ng simbahan at para makamayan na rin ang mga parokyano, agad na nanakbo ang pari sa may likod ng altar. Napahawak siya sa pader. Sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso na para bang ito'y sasambulat na sa kanyang dibdib. Ang mga palad at batok niya ay nagsisimula nang mag-pawis. Narito na naman muli ang pakiramdam na may sasalpok na kometa sa kanya. Sinusumpong na naman siya ng kanyang anxiety attack.Umupo siya saglit sa isang sulok, tumingala at ipinikit ang mga mata. Huminga siya nang malalim. Pakiramdam ni Father Mer anumang sandali ay bigla siyang tutumba at malalagutan ng hininga. Kumapit siya sa bangko at mas pilit pang pinakalma ang
Read more
Chapter 26
Parang kiti-kiti na sayaw nang sayaw na sinalubong ni Ulap ang amo, pagkabukas na pagkabukas pa lang ng pinto."Kumusta na ang baby gremlin ko," lumuhod si Father Mer para yakapin ang alaga. Ayaw naman magpahuli ni Ulap. Paikot-ikot na tumakbo ito sa paligid niya sabay dinamba niya ang pari na may kasamang mga pagdila at halik sa kanyang mukha."Ulap behave! Behave ka na!" sinasaway niya kunwari ang aso kahit na halatang natutuwa siya."Father, nakahain na po ang tanghalian niyo sa lamesa," salubong sa kanya ni Nana Conrada. Katabi nito ang walang imik na si Minggay. "'Yung buko juice po hindi ko muna inilabas sa ref. Baka kasi mawala 'yung lamig.""Nana, sa'n po ba kayo galing? Kaninang umaga po kasi wala pa kayo rito. Akala ko kung napa'no na po kayo." Hindi na lang ipinahalata ni Father Mer ang pagka-asiwa niya. Bukod kasi sa walang nagluto ng kanyang almusal, hindi rin na-plantsa ang kanyang kasuotan para sa misa. Hindi dahil sa hindi siya marunong ng mga gawaing iyon. Nagmamadali
Read more
Chapter 27
Unti-unti nang nagbabalik sa wisyo si Isabel. Idinilat niya ang mga mata. May kalabuan ang nakikita niya pero alam niyang nasa loob siya ng isang umaandar na sasakyan base sa lakas ng hampas ng hangin na dumadampi sa kanyang mukha at sa nadaraanan nilang mga gusali. Sinubukan niyang umupo nang tuwid at agad din siyang napasandal muli. Bigla kasing umikot ang buong paligid niya."Ma'am, 'wag na po kayong malikot at baka madagdagan lang 'yang sakit niyo sa ulo," sabi ng boses sa kanya. Tinignan niya ang may-ari at agad na nanumbalik ang kanyang alaala."I-i-ikaw... driver. Sa'n mo 'ko d-dadalhin," hindi makapagsalita ng diretso si Isabel dahil hilong-hilo pa siya sa lakas ng palong natamo niya sa ulo."Relax ka lang d'yan," nakangiting sabi sa kanya ni Manong Jerry.Ipinikit ni Isabel ang mga mata at mamaya pa ay naramdaman na lang niyang tila bumabagal na ang andar ng kanilang sinasakyan. Hindi pa rin niya tuluyang maibukas nang matagal ang mga mata dahil para siyang maduduwal. "Hay,
Read more
Chapter 28
Bukas ang gate ng Casa Del Los Benditos pagkarating ni Father Mer. Sa loob, malapit sa hardin, nakaparada ang isang tricycle sa may pintuan na noon lang niya nakita."Nana, kanino 'yung tricycle sa labas?" Walang sumasagot. Napaisip si Father Mer kung nasaan na naman ang kasambahay. Awtomatikong niligid ng tingin ni Father ang kanyang paligid. Inaalam kung may nawawala bang kagamitan o mga bagay na wala sa ayos. Nilapitan niya rin ang altar at kumpleto pa rin ang istatwa ng mga santo na nakapatong doon.Lumiko siya pakanan papunta sa kanyang kuwarto para kunin doon ang kanyang wallet. Hindi niya alam eksakto kung saan niya iyon nailagay, pero sigurado siyang naroon lang iyon. Kung wala sa bulsa ng huling maong na pantalon na isinuot niya, malamang nakatago lang iyon sa isa mga drawer. Tama nga si Ate Linda niya. Kailangan na niyang mas maging organisado at masinop sa gamit.Subalit maging si Ate Isabel pala niya ay hindi sinusunod ang sarili niyang payo. Anong ginagawa ng palda niya
Read more
Chapter 29
Sapo ni Father Mer ang nalamog niyang tagiliran. Nakasandal siya sa mainit na pader ng silid. Ginapang niya ang apat na dipang layo mula sa puwesto niya kanina hanggang sa kasalukuyan niyang kinalalagyan kahit na halos panawan na siya ng ulirat. Pinanood lang siya ni Manong Jerry na parang insektong tinanggalan ng mga paa."Anong kasalanan namin sa inyo? Bakit nandito ate ko? Anong ginawa niyo sa kanya?" "Sssssh, huminahon ka, Father. Kailangang mangyari ang dapat mangyari?" si Nana Conrada. "Anong hinahon? Anong dapat mangyari? Hindi ko kayo maintindihan!" Nagpalipat-lipat ng tingin si Father Mer kina Nana Conrada at Manong Jerry. Naghihintay ng kapaliwanagan."May sumpa ang bahay at simbahang ito. Sumpang nandirito na simula noong itatag ang haligi ng mga gusaling ito. May bantay na kailangan naming pakainin para iligtas tayong lahat sa kapahamakan," nanlalaki at namumula ang mga mata ni Manong Jerry habang nagsasalita."Anong pinagsasabi niyo! Hindi ko kayo maintindihan! Mga hayo
Read more
Chapter 30
"Masdan mo, Father. Ito!--ito ang itsura ng impyerno. Dito tayo iniligtas ni Serberus. Magpasalamat tayo sa proteksyong ibinibigay niya!" Parang na-uulol na si Manong Jerry. Hindi mawari ni Father Mer kung nawala na sa katinuan ang hardinero dahil sa malaking ngiti na nakapaskil sa mukha nito.Mula sa kanyang kinatatayuan, tanaw ng pari ang milyong-milyong katawan ng mga tao sa lagusan. Pawang mga butil ng buhangin sa sobrang dami. Kung ano-anong uri ng pagpapahirap at parusa ang ipinapataw sa kanila ng mga demonyong nakabantay sa kanila. Kahit anong pikit-dilat ang gawin niya, hindi mawala-wala ang mga imaheng iyon sa harap niya. Totoo ang impyerno!Salamat sa ilaw na galing sa mga nagbabagang apoy ng lagusan, nakita ni Father Mer ang tulog pa ring si Isabel. Nilapitan niya ang kapatid at ipinatong ang ulo nito sa kanyang kandungan. "Nakikiusap ako, palabasin niyo na kami dito."Pinuntahan ni Nana Conrada si Father. "Pasensya na Father pero kailangan naming ibigay ang kapatid mo sa k
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status