Все главы Isang Gabing Pagsasalo: Глава 11 - Глава 20
237
KABANATA 11
Muling pinunasan ni Beatrix ang kanyang mga labi bago pumasok sa kanilang mansyon. Natatakot siyang may naiwang bakas ang isang Alcantara sa kanyang katawan at ikagalit iyon ng kanyang Daddy. Ngunit nagtaka siya matapos makitang maliwanag pa ang mansyon kahit dis-oras na ng gabi. Sa ganitong oras ay dapat tulog na ang lahat.Tinangay siya ng kanyang mga paa patungo sa kusina para lamang magulat matapos makitang nandoon pa rin ang pamilya niya at tila hinihintay siya."Wala kang ideya kung saan nagpunta si Bea?" malamig na tanong ng kanyang Mommy sa kanyang Ate na umiling lang."Joseph, baka bukas na umuwi iyon. Kumain na lang tayo. Malamig na ang lahat ng ito," baling nito sa kanyang Daddy.Napatigil siya sa paghakbang at natulala sa maraming pagkain. Binugso siya ng kaba at panghihinayang."Did you have fun?" biglaang tanong ng kanyang Daddy bago siya nito binalingan ng tingin.Napakurap siya habang napasinghap naman ang kanyang Mommy."Saan ka ba galing na bata ka?! Hindi mo man lan
Читайте больше
KABANATA 12
Ilang beses ding naulit ang ganoong panaginip kay Beatrix bago ang event. Nasanay na siya na sumasagi sa isipan niya si Levi Alcantara kapalit ng lalaking nakasiping niya. Ngunit hindi ibig sabihin niyon ay gusto niya si Levi. Wala lang siyang choice dahil makulit ang utak niya."Behave, Bea. Maraming pwedeng kuning investors doon. Huwag mong hayaang makuha lahat ng mga Alcantara, kun'di, babagsak tayo nang tuluyan," habilin sa kanya ng kanyang Ate Isabella.Tumango na lamang siya bago bumaba, naabutan niya pa ang Mommy at Daddy niya na papaalis at ni hindi siya tinapunan ng tingin. Piniga ang puso niya dahil doon ngunit hinayaan na lamang niya. Alam niyang lalambot din muli ang mga puso nila sa kanya, hindi nga lang iyon.Sa biyahe ay nag-isip na siya kung paano lalapit sa mga target investors nila. Kailangan may makuha siya kahit isa para naman matuwa ang Daddy niya. Mahirap ang gusto nila lalo pa't papabagsak na ang kumpanya nila.Sa bungad pa lang ay hinanda na niya ang ngiti mata
Читайте больше
KABANATA 13
Hindi mapakali si Beatrix sa nalaman. Napaka-impossibleng ipagbili iyon ng Daddy niya kaya't sino ang mangangahas na ibenta ang kumpanya nila?Mariin siyang pumikit matapos sumigid ang sakit sa ulo niya kaka-isip. Nasa-event pa rin siya ngunit hindi na siya makapag-pokus sa paghahanap ng investors. Ginugulo siya ng kaalamang nabili ni Levi Alcantara ang kumpanya."Argh, this is fucking frustrating!" madiing usal niya bago nagmulat ng mga mata at mabilis na kinuha ang long purse niya.Pagkatayo ay napatigil din siya matapos makitang halos maglupong ang mga businessman sa paligid ng mga Alcantara. Napatitig pa siya kung paano makiusap at tumawa si Levi sa lahat habang ang Lolo nito ay humahalakhak sa tuwa.Gumuhit ang mapait na ngiti sa kanyang mga labi. Ano bang ginagawa niya pa sa event na ito? Mukhang nahuli na lahat ng mga Alcantara ang mga isda. Imbis na manatili sa event ay mas pinili na lamang niyang magpunta sa opisina upang ipaalam ang nalaman niya.Nadatnan niyang nagkatutuwaa
Читайте больше
KABANATA 14
"Hindi kami sa bar nagkita, Vin. Sa convenience store iyon, G*go!" mura niya dahil maling mensahe ang naipadala nito sa babaeng hinahanap niya."Hindi naman ako sigurado kung sa kanya nga ang numero. Kapag may lumapit sa'yo na babae... siya na iyon." Ngumisi ito bago sumimsim sa alak."Vin, lahat ng babae lumalapit kay Archie. Isa pa, maraming bar sa mundo. Walang kasiguraduhan iyang plano mo," ani Joselito na may katotohanan naman.Sumasakit ang ulo ni Levi sa dalawang kaibigan. Hanggang ngayon ay hindi pa niya nahahanap ang babae at hanggang ngayon ay hindi pa siya nakakapag-ehersisyo sa gabi. Sa tuwing babalakin niya ay sumasagi sa isipan niya ang babae sa hotel o di kaya ay ang dalagang Del Rosario."Kalimutan mo na lang, Archie. Bakit ka ba kasi naghahabol sa isang one-night stand? Hindi mo naman gawain iyan," komento ni Vin.Humigpit ang hawak niya sa shot glass bago umikot ang tingin niya sa buong bar. Tama naman ang kaibigan niya. Hindi dapat siya naghahabol ng babae dahil siy
Читайте больше
KABANATA 15
Isang malakas na sampal ang ginawad ni Beatrix kay Levi matapos niyang maitulak ito dahil sa flash ng camera. Hinahabol niya ang paghinga mula sa malalim na halikan habang ang puso niya ay hindi matigil sa pagwawala.Nanginginig ang kamay niyang dinuro ang lalaki dahil sa galit."How dare you kiss me?!" asik niya ngunit kiniling lamang ng lalaki ang ulo bago pumikit nang mariin."Huling beses na ito, Alcantara. Hindi na ako natutuwa sa'yo!" mas malakas niyang sigaw sa kabila ng maingay na bar.Pagmulat ng mga mata ng lalaki ay matalim niya itong tiningnan."Isang halik pa Alcantara at hindi ka na sisikatan ng araw!" gigil niyang banta.Wala na siyang pakialam kung marami ang nakaririnig. Nagpupuyos siya sa galit para sa lalaki."Pwede kitang idemanda ng assault dahil diyan sa banta mo, Miss Del Rosario," mahinahong bigkas nito bago nangiwi, marahil ay nanakit ang pisngi dahil sa sampal niya.Maliit siyang nangisi, "Idedemanda kita ng sexual harassment, Mr. Alcantara. Magkita na lang t
Читайте больше
KABANATA 16
Hindi alam ni Beatrix kung ano ang dapat gawin. Halos mawalan na siya ng hininga kakaiyak ngunit hindi na ulit bumaba ang Daddy niya o kahit ang Mommy niya. Nanginginig ang mga kamay na niyakap ang kanyang tuhod at sinubsob doon ang kanyang mukha para umiyak."Ni-lock ni Daddy ang kwarto mo, hindi ko makuha ang suitcase mo. Malamang na pati cards mo ay naka-freeze na," panimula ng kanyang Ate na pababa mula sa hagdan.Nag-angat siya ng tingin at mabilis na nagpunas ng luha. Talagang pinalalayas na siya ng kanyang Daddy kung ganoon."Kunin mo na 'tong wallet at cards ko. Iyan muna ang gamitin mo. Maghotel ka na lang at bumili na muna ng damit sa labas. Hahanap ako ng paraan paano mawala ang galit ni Daddy para makabalik ka dito sa mansyon," sinserong bigkas nito bago inabot ang wallet nito.Nanghihina siyang tumayo at tinanggap iyon. Wala rin siyang choice kun'di sundin ang Ate niya."Bunso, mag-iingat ka," bulong nito na maliit niyang kinangiti at mahinang nagpasalamat.Ang bigat ng p
Читайте больше
KABANATA 17
"What is this shit, Levi?!" gigil na sigaw ng kanyang Lolo Alexander matapos nitong itapon sa kanyang mesa ang sandamakmak na larawan.Nangunot ang noo niya at pumulot ng isa. Umigting ang panga niya matapos makitang ang halikan nila ni Beatrix ang nasa larawan."Sinabi ko naman sa'yo na huwag kang maging mabuti sa mga Del Rosario! Kalaban sila! Kalaban, Levi!" gigil muli nitong bigkas na kulang na lang ay pukpukin siya gamit ang tungkod nito."Who gave you this, Lolo?""Si Richard. Pinasundan kita. Natatakot akong totoo ang sinabi ng dalagang Del Rosario na naghahabol ka sa kanya. At mukhang naghahabol ka nga!" anitong matalim siyang tiningnan.Humigpit ang hawak niya sa larawan at gusto na lamang sakalin sa isipan niya si Richard. Gusto talaga nitong sirain siya sa kanyang Lolo upang may makuha ito sa yaman nila. Hindi niya papayagan iyon. Hindi niya hahayaang mas manalo pa ang sakim kaysa sa kanya."Isang beses pa na makita kitang nakikipaghalikan diyan sa Del Rosario na iyan, ipap
Читайте больше
KABANATA 18
Napaungol si Beatrix matapos maramdaman ang haplos sa kanyang hita. Namimigat ang mga mata niya. Gusto pang matulog ngunit hindi niya maipagsawalang bahala ang init na nararamdaman. Gusto niyang umikot sa kama pero tila may pumipigil sa kanyang mga hita.Nakagat niya ang labi matapos maramdaman ang mainit na dampi sa pagitan ng kanyang hita. Kahit namimigat ang mga mata niya, pilit niyang binuksan ang mga iyon para lamang matanaw si Levi Alcantara na pinagkakasya ang sarili sa pagitan ng kanyang hita.Namungay ang mga mata niya. Kakaisip yata sa lalaki ay ngayon nasa paniginip na niya. Napalunok siya noong makita ang ngisi sa mga labi nito. Imbis na gisingin ang sarili, mas pinaghiwalay niya ang kanyang hita upang magkasya ito roon.Bumigat ang kanyang paghinga sa mahigpit na paghawak nito sa dalawa niyang hita upang hindi magsara. Hindi niya lubos maisip na ganito ka-hot ang isang Levi Alcantara sa paniginip niya. Hindi niya naman itatanggi sa sarili na gusto niya ang nangyayari. Pag
Читайте больше
KABANATA 19
Napa-igik si Bea matapos maramdaman ang sakit ng buong katawan niya. Mahina siyang umungol ngunit napatakip agad sa bibig matapos maalala ang nangyari kagabi. Napamulat siya para lamang makita ang sariling nakahiga sa ibabaw ni Levi habang mahigpit ang kapit nito sa kanyang bewang. Takot na mahulog siya sa sofa."Sofa?" bulong niya sa sarili.Nilingon niya ang kinahihigaan ng lalaki. Sofa nga iyon sa kanyang kwarto. Hindi niya alam kung paano sila napunta roon. Ang pagkakatanda niya ay nasa sahig sila noong muli niyang halikan ito. Natigilan siya matapos maalalang muli silang humatong sa mainit na pagt*talik. Dito sa sofa ang huling destinasyon nila.Nakagat niya ang labi. Kahit takot na baka magising niya ang lalaki, maingat siyang bumaba sa sahig. Inilayo ang braso nito sa kanyang katawan. Napapikit pa siya matapos makita ang buong kah*bdan nito."Such a flirt, Bea," sermon niya sa sarili.Napailing siya. Naalala niyang hindi siya nakuntento sa isang beses lang at humirit pa. Ganito
Читайте больше
KABANATA 20
Kagat-kagat ni Levi ang mga labi habang sumisimsim sa kanyang wine glass. Kanina pa siya naiinip sa dinner nila ngunit hindi siya makaalis. Hindi rin niya masundan ang usapan. Iba ang nasa isip niya.Lumilipad ang isipan niya sa mansyon ng mga Del Rosario. Sa tindi yata ng kalasingan niya, napanaginipan niya si Beatrix na kasalo sa kama. Pakiramdam niya totoo ang lahat ng iyon. He literally smelled s*x right after he woke up. Pero wala naman ang dalaga doon. Wala ring damit na nagkalat. Baka nga panaginip lang iyon at siya lang ang nagh*bad.Napabuga siya ng hangin. Sumimsim muli sa alak. Sa kawalan ang tingin niya, walang pakialam kahit nasa harap niya ang Lolo Alexander niya, si Richard, at kapatid nitong si Divine."Ga-graduate ka na, Divine?""Opo, Lolo. Isang semester na lang po.""Naku, naku. Bibigyan kita agad ng posisyon sa kumpanya tutal business naman ang kurso mo. Sigurado ay kasing sipag ka ng Kuya Richard mo. Gusto mo ba siya sa department mo, Levi? O kaya ay sekretarya m
Читайте больше
Предыдущий
123456
...
24
DMCA.com Protection Status