Semua Bab Isang Gabing Pagsasalo: Bab 41 - Bab 50
237 Bab
KABANATA 41
Halos manginig ang mga binti ni Bea. Kinakabahan siya nang malala. Pero nagpatangay pa rin siya kay Levi palapit sa sasakyan nito imbis na tumaliwas ng takbo."I guess, no one will hear us here." Umikot pa ang tingin nito sa paligid. Puro sasakyan lang ang nandoon.Pinirmi niya ang mga labi. Hindi niya naman mababago ang isip nito."Sabi mo, babawi ka. Sa tingin mo ba aabot pa 'to sa bahay?" mariing bulong nito bago sinulyapan ang sariling pants.Bigla, nakonsensya siya. Napalunok bago mabilis na hinawakan ang pintuan ng sasakyan, "Make it fast. Ayokong magpagabi ng sobra.""Sure. It will be really really fast," makahulugang bulong nito.Hinigit niya ang paghinga noong tumama ang mainit nitong hininga sa balat niya. Hinawakan nito ang bewang niya at pinadama sa kanya ang pamumukol nito."Or do you want to do it here outside—"Hindi niya ito pinatapos. Agad niyang binuksan ang pinto ng sasakyan at pumasok sa loob. Hindi niya ipapahamak ang sarili. Paniguradong may cctv ang parking lot
Baca selengkapnya
KABANATA 42
"No, Bea," mariing sagot nito.Napamaang si Bea. Hindi makapaniwalang tinanggian nito ang hiling niya."Seriously, Levi? Kahit maging secretary mo, hindi pwede?"Malamig siya nitong sinulyapan, "I already have a secretary. No, I won't let you work in my company."Nagdamdam siya sa sagot nito. Iyon lang naman ang gusto niya. Ang magtrabaho ulit sa kumpanya. That way, mas magiging madali sa kanya ang lahat."Fasten your seatbelt," utos nito noong lumipat na ito sa driver seat.Hanggang makauwi ay hindi siya umimik. Nagpupuyos ang kalooban niya. Nagpakagaga pa siya, hindi naman pala makukuha ang gusto niya. Napirmi ang mga labi niya, hanggang makauwi ay hindi niya ito kinausap."Beatrix!" galit nitong tawag sa kanya noong tuloy-tuloy siyang umakyat at padabog na pumasok sa kwarto.Alam niyang nakasunod ito sa kanya pero inabala niya ang sarili sa paghugot ng mga damit."Hindi mo ko papansinin buong magdamag?" hinanakit nito.Napairap siya at iniwasan ito noong pumasok ito sa walk in clos
Baca selengkapnya
KABANATA 43
"Mommy, bibili na po ba tayo ng books?" tanong ni Calvin matapos nilang makapasok sa Mall.Dito ang meet up nila ni Ava. Dito rin siguro ang spa at salon ng dalaga. Pero sa coffee house siya nito pinapapunta."Yes, pero mamaya na ah? May kikitain kasi akong kaibigan."Napanguso si Cyprus at humawak nang mabuti sa kamay niya. Si Calvin ay tipid lang na tumango.Tatawagan niya na sana si Ava ulit ngunit nakita na niya itong papalapit. Agad itong kumaway at malawak ang ngiti sa kanya. Sinuklian niya ang ngiti nito. Ngunit noong makalapit ang dalaga ay umawang ang mga labi nito at namimilog ang mga matang nakatitig sa kambal."O-M-G, may anak ka kay—"Pinanlakihan niya ito ng mata upang hindi maituloy ang sasabihin."Uhm, mali ang iniisip mo. Mamaya ko na ikukwento," bulong niya rito pagkaraan ay ninguso ang mga anak niyang inosenteng nakatitig kay Ava.Nakuha naman nito ang ibig niyang sabihin. Dumukwang ito at ngumiti nang pagkalaki-laki sa kambal."Hello, Kids! I'm your Tita Ava. Uhm,
Baca selengkapnya
KABANATA 44
Nangunot ang noo ni Levi matapos ilapag ni Vin ang dalawang dokumento sa harap niya."Calvin and Cyprus birth certificate," anito bago umupo sa harap ng mesa niya katabi ni Joselito.Agad niyang pinulot ang mga dokumento. Gustong-gusto na niyang malaman kung sino ang ama ng kambal."Ano'ng gagawin mo kapag nalaman mo na kung sino?" inosenteng tanong ni Joselito."Strip down his wealth," tipid niyang sagot."Paano kung hindi naman pala mayaman?" Ngumisi si Joselito.Pinukaw noon ang atensyon niya. Nilingon niya si Vin. Tinuro naman ni Vin ang hawak niyang mga dokumento."Check it, Archie. Hahanapin ko kung sino man nakasulat diyan na ama nila," presinta nito.Tumango siya at hindi na pinansin ang tanong ni Joselito. Malabo naman magkagusto si Bea sa lalaking wala sa alta sosyedad.Huminga siya nang malalim at muling tinutok ang atensyon sa dalawang kulay dilaw na dokumento."Augustus Calvin Del.... Rosario," basa niya sa birth certificate ni Calvin.Nasalubong ang kilay niya. Agad na n
Baca selengkapnya
KABANATA 45
"Sinabi ko naman kasi sa'yong huwag ka ng maghiganti," ani Blaze mula sa kabilang linya.Galing na sila sa condo nito pero tumawag pa rin matapos niyang padalhan ito ng mesahe na nasa tapat na sila ng mansyon."Sinong bang sumuporta sa kalokohan ko? Hindi ba ikaw? Sabi mo pa, kung ikaw ako, susunggaban mo si Levi," inis niyang sagot.Dinig niyang nagmaktol ito at maaaring naalala ang sinabing iyon. Sa tantsa niya ay nangunguso pa ito."Kasi naman! Sino bang tatanggi sa yummy na lalaki? Malamang hindi ako! Pero seriously, kung mapapahamak lang kayo diyan. Bumalik na lang kayo sa condo ko. Mas safe dito kaysa sa tabi ni Alcantara."Napabuga siya nang hangin at nilingon ang kambal sa backseat. Pareho ng tulog ang dalawa. Bukod sa napagod ang mga ito sa biyahe, malungkot pa dahil hindi nakabili ng mga libro."Ah basta. Hahanap na lang ako ng paraan paano aalis dito."Muli siyang bumuntong hininga. Nalulungkot para sa mga anak niya. Pakiramdam niya, dinala niya sa isang malaking giyera ang
Baca selengkapnya
KABANATA 46
Namigat ang paghinga ni Bea sa bawat dampi ng labi ni Levi sa kanyang balikat. Ang malapad nitong dibdib sa kanyang likod ay sapat na upang kuhanin ang buo niyang lakas. Ang bawat himaymay ng kanyang katawan ay tila pinapaso. Kung hindi bukas ang shower ay malamang na magliliyab siya.Napapikit siya ngunit napamulat noong patayin nito shower. Nawala ang tubig na kumakalma sa katawan niya."Gusto mo talagang magtrabaho sa kumpanya ko?" maingat nitong tanong bago siya marahang hinarap. Ang mga kamay nito ay nakahawak na sa magkabilaang braso niya.Nagtama ang kanilang paningin. Ang mga kayumangging mata nito ay nagbabaga ngunit may kalakip na galit.Napasinghap siya, "Gusto ko. Pero kung ayaw mo... hindi ko ipipilit."Iba na ang gusto niya. Ang gusto niya ay makaalis na sa puder nito. Makalayo sa lalaki at tumira ng tahimik.Sumilay ang ngisi sa mga labi nito. Pagkatapos ay marahan siyang sinandal sa pader."I am not a fool, Bea. You have other plans?"Mahina ang pagkakabigkas nito pero
Baca selengkapnya
KABANATA 47
Pareho silang nagkatawanan ni Levi matapos iyon."I'm just kidding. You don't have to do that," pigil nito sa kanya.Himala na ito ang pumipigil sa kanya ngayon samantalang ito madalas ang nag-uudyok.Ngumisi siya, "Change mine? Natatakot ka bang mas magaling ako sa'yo?" pang-aasar niya.Ngumisi ito at ginawang unan ang parehong braso. Kitang-kita niya tuloy kung paano mag-flex ang mga muscles nito."Go on. Make sure that I will enjoy this ride," hamon nito.Napairap siya pero ngumisi rin. Huminga siya nang malalim at tumitig kay Levi bago inangat ang sarili upang simulan ang balak niya. Ngunit kusa siyang napatigil matapos mag-flash sa alaala niya ang pangyayari sa hotel. Kung saan siya rin ang nasa ibabaw.Napapikit siya noong sumakit ang ulo niya. Bumalik sa alaala niya ang buong pangyayari. Madalas niya itong mapanaginipan noon lalo na noong buntis pa siya sa kambal. Pero madalas na walang ulo ang lalaki sa kanya, pero ngayon, may ulo na ito, kaya lang ay blurred pa rin ang mukha.
Baca selengkapnya
KABANATA 48
Wala rin nagawa si Bea kun'di sumunod kahit pa gusto niyang umayaw sa lakad na iyon. Paano ba naman siya kokontra kung tuwang-tuwa ang kambal? Pakiramdam niya nga ay nagtatampo ang mga ito at puro si Levi lang ang kinakausap. Para siyang hangin sa gilid kahit pa hawak-hawak niya sa kamay si Cyprus kahit nasa loob ng Mall. Mabuti na lang ay ibang Mall iyon kun'di ay magpapanic siya at baka makita ulit sila ni Miggy."Pwede po bang sa bookstore na agad tayo?" tanong ni Calvin kay Levi.Hawak ito ng lalaki sa kamay. Ni hindi nga lumapit sa kanya ang anak sa sobrang kasabikan."Sure. Buy what you want young boy." Ngumiti ito at ginulo ang buhok ni Calvin.Lumawak ang ngiti ni Calvin. Patakbo itong pumasok sa bookstore."Uhm, can I buy books too?" nahihiyang tanong ni Cyprus kay Levi.Dumukwang si Levi at ngumiti kay Cyprus, "Yes, Little girl. Bilhin mo lahat ng gusto mo. My treat."Sunod na lang niyang namalayan ay kumawala sa hawak niya si Cyprus at patakbo ring pumasok sa bookstore."Cy
Baca selengkapnya
KABANATA 49
Hindi siya nakasagot kay Calvin pero tumakbo ito sa kinaroroonan nila Levi kaya naman tahimik siyang sumunod roon. Kumakalabog pa rin ang d*bdib niya sa request ng anak."Daddy!" sigaw ni Calvin kay Levi.Natigil ito mula sa pagkuha ng lobo at gulat na napalingon kay Calvin. Kahit si Cyprus ay naguguluhang tiningnan ang kakambal.Kinabahan siya lalo. Baka kasi biglang magalit si Levi. Alam niyang dati ay ni-request nito na tawagin siyang Daddy ng kambal pero baka nag-iba na ang gusto nito."Uhm, is it okay if we call you Daddy, Uncle Levi?" may kaba ang boses ni Calvin.Maging ako ay nahigit ang hininga sa paghihintay ng sagot nito. Kita niyang bahagyang kumibot ang mga labi ni Levi. Tahimik nitong binitiwan ang lobo bago ngumiti kay Calvin."Yes, if that will make you comfortable and happy. Why not?" Kumibit balikat ito at ang ngiti ay nangisi.Ginulo nito ang buhok ni Calvin at mahinang kinurot naman ang pisngi ni Cyprus na ngiting-ngiti na rin."May Daddy na ako!" Tumalon-talon pa
Baca selengkapnya
KABANATA 50
Natigalgal siya at nanatiling nakatingin sa likod ng babaeng dumaan. Ang damitan nito ay kamukhang-kamukha kung paano manamit ang Ate niya. Hapit na hapit ang pants nito maging blouse."Ate Isabella!" muling tawag niya sa atensyon nito ngunit hindi ito lumingon.Nanginginig ang mga tuhod niya. At kung walang sumalo sa bewang niya ay malamang na natumba na siya sa sa kinatatayuan."Are you alright? Did you see someone you know?" masuyong tanong ni Levi na tinulungan siyang tumayo nang maayos.Hindi niya ito pinansin. Ang mga mata niya ay nanatili sa babaeng papalayo at mukhang papalabas na ng Mall. Gusto niya itong habulin at yakapin pero paano niya gagawin iyon kung hindi naman ito lumingon sa kanya? Pero malinaw ang pagngisi nito kahit hindi siya tinapunan ng tingin. Ang bawat parte ng mukha nito ay kilalang kilala niya."Mommy, you look as if you've seen a ghost," dinig niyang komento ni Cyprus.Ghost?Tila piniraso ang puso niya matapos maalalang limang taon ng patay ang Ate niya.
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
34567
...
24
DMCA.com Protection Status