All Chapters of Isang Gabing Pagsasalo: Chapter 61 - Chapter 70
237 Chapters
KABANATA 61
"Did she go home safe?" pagod na tanong ni Levi kay Vin matapos nitong tumawag at sabihing nanggaling sa bar si Bea.Kaka-park lang din niya sa tinutuluyang hotel sa oras na iyon."I guess so. Kasama niya si Blaze."Imbis na makahinga nang maluwag ay nagsalubong ang mga kilay niya."Hindi mo sinabi sa kanyang nasa Davao ka?" dagdag na tanong ni Vin.Mabigat siyang huminga. Tamad na bumaba at tinungo ang elevator. Pagkapasok ay sinandal sa salamin ang ulo niya."No. I forgot. I want to call her, can you send me her number?"Napahilot siya sa sentido matapos maramdaman ang sakit ng kanyang ulo. Gusto na lamang niyang humilata sa kama at matulog. Panigurado bukas ay bugbog sarado na naman siya sa pagod."You sounds tired," komento ng kaibigan.Napamura siya. Literal na pagod siya at kasalanan iyon ng kanyang Lolo."Lolo Alaexander made sure I have no break or free time. Akala yata ay kalabaw ako para magtrabaho buong araw. Overtime pa."Dinig niyang humalakhak ito sa kabilang linya, "Gus
Read more
KABANATA 62
"And they live happily ever after," pagtatapos ni Bea sa fairytale na binasa para sa mga anak.Alas diyes na iyon ng gabi ngunit gising pa rin sila. Nakatulala sa kisame si Calvin habang si Cyprus ay nakayakap sa kanya. Magdadalawang linggo na ganito ang kambal at hindi na siya natutuwa. Simula ng umalis si Levi, nabahiran ng lungkot ang condo nila. At naiinis siyang nalulungkot ang kambal habang ang lalaki ay nagpapakasasa sa fiancée nito."Mommy, do they always live happily ever after?" inosenteng tanong ni Cyprus."In fairytales? Yes. But in real life, it is not always the case, Baby. Minsan panandalian lang ang fairytale sa buhay."Napangiti siya nang mapakla. Akala talaga niya noon si Miggy na ang makakasama niya hanggang kamatayan pero hindi pala. Hindi sapat ang pitong taong pagsasama nila upang patatagin ang kanilang relasyon, bagkus, nadurog at nasira lamang iyon sa isang iglap."Will I ever find a prince charming, Mommy?" dagdag muli na tanong nito."I honestly don't know, B
Read more
KABANATA 63
Napatingala si Bea matapos dumapo ang mga labi ni Levi sa kanyang leeg. Ang mga kamay niya ay kusang sumabunot sa buhok nito."Uhmm."Bumigat ang paghinga niya matapos humigpit ang pagkakayakap sa kanya ni Levi. Muling tumaas ang h*lik nito ngunit tumigil pagkaraan. Napayuko siya at napatitig sa mga namumungay nitong mga mata.Umawang ang mga labi niya sa nakikitang pagka-antok nito. Literal na nababasa niya ang pagod sa mga mata nito. Masyado ba itong nagtrabaho sa Davao?"Y-ou look tired, you should get some sleep, Levi," hindi niya mapigilang komento.Ngunit napatitig pa ito muli sa kanya. Sumilay ang maliit na ngiti sa mga labi nito na siyang nagpalakas sa kabog ng kanyang d*bdib. Pagkaraan ay sinandal nito ang noo sa balikat niya."I am very very tired, Bea," mahinang usal nito habang humihigpit ang yakap sa kanya."Ayaw yata akong maging masaya ng Lolo ko," dugtong pa nito.Ramdam niya ang tensyon sa katawan nito na tila ba naiinis sa naiisip nito.Hindi siya makasagot. Ayaw niy
Read more
KABANATA 64
Walang tigil sa pagkabog ang d*bdib ni Bea. Napupuno siya ng kaba na baka makilala ng matandang Alcantara. Agad siyang nagyuko muli, hindi makayanan ang naniningkit nitong mga mata."Are you eavesdropping on someone else's conversation?!" dumagundong ang boses nito.Pareho silang napaigtad ni Minerva. Nanlamig ang kalamnan niya. Nanginig ang mga kamay. Naramdaman pa niya ang pagkapit nang mahigpit ni Minerva sa braso niya."They thought you are going to kill me, Lo. Kahit sinong empleyado ko, maririnig ang sigaw mo sa loob."Napapikit siya matapos marinig si Levi. Nahigit niya ang hininga at baka mas ikagalit ng matanda ang pagsagot nito.Sarkastikong tumawa ang matanda, "Masyado yatang pakialamera ang mga empleyado mo. Palitan mo na," pag-uutos nito bago nagmartsa paalis.Ang kaninang pinipigilan niyang paghinga ay kumawala. Ngunit napaatras sila ni Minerva noong magmura si Levi."S-ir, sorry po," halos hindi maibuka ni Minerva ang mga labi."Next time, matuto kayong maging bingi," a
Read more
KABANATA 65
"Dress up, Bea," may diing utos nito ngunit hindi nakinig si Bea.Dumukwang siya upang halikan ito ngunit umiwas si Levi dahilan upang pisngi nito ang mahalikan niya."I want more than your body," bulong nito.Napapikit siya bago unti-unting kinalas ang butones ng longsleeve nito."Hindi ko pwedeng ibigay lahat, Levi. Katawan lang ang kaya kong ibigay—""Leave," malamig ang boses.May kalakasan din nitong kinalas ang pagkakahawak niya sa suot nitong longsleeve.Napamulat siya. Diretso ang titig sa mga mata nitong tagos sa pader ang tingin. Ang pag-igting ng panga nito ay senyales ng disgusto at pagkainis.Mariin siya muling pumikit. Kung iba lang sana ang sitwasyon ay tatanggapin niya pagkagusto nito."Just accept my body, Levi. You cannot have my heart—"Nanlaki ang mga mata niya matapos siya nitong kabigin at sunggaban ang mga labi niya. Tila napigtas ang pasensya nito at ayaw ng marinig ang mga sasabihin niya.Napakapit siya sa balikat nito noong maramdaman ang mainit nitong palad
Read more
KABANATA 66
Ilang beses na tinanong ni Bea kay Levi kung ano'ng klaseng imbestigasyon ang gagawin nito ngunit hindi naman siya sinasagot. Imbis na seryosohin ang tanong niya nauuwi sila sa mainit na pagsasalo. Sa huli sumuko na lamang siya.Pero noong uwian na, muli niyang binuksan ang usapan habang nag-aayos ng damit."Why are you so curious?" anito habang binubutones ang pabalik ang sariling longsleeve.Napairap siya at sinuot ang blazer na hinubad niya kanina."Feeling ko kasi may concern sa akin," pag-amin niya.Humalukipkip siya noong humakbang ito palapit. Wala na ang aliw sa mga mata nito. Naging seryoso iyon na nagbigay kalampag sa d*bdib niya."It does, Bea. It does concern you."Nagsalubong ang kilay niya ngunit umawang din ang mga labi. Malamang na patungkol sa kanya ang i-imbestigahan nito. Malamang din na sasabihin na ni Vin ang totoo kay Levi. Kapag nangyari iyon, tapos na ang lahat.Kumuyom ang mga kamao niya. Kahit gusto niyang pigilan ay hindi siya makaisip ng paraan."Hindi ba p
Read more
KABANATA 67
Mariing pinikit ni Bea ang mga mata. Mahigpit siyang kumapit sa bedsheet at inarko ang kanyang likod.Nagising ang bawat himaymay ng katawan niya. Nabalutan ng init ang katawan. Natagpuan niya ang sarili sa ilalim ni Levi, umuungol, at sinasalubong ang bawat paggalaw nito."Ah!"Hindi ito magkamayaw sa paggalaw. Tila nagmamadali dahilan upang maging sunod-sunod ang pag-ungol niya."Oh, Levi—ahhhh."Naghahabol siya ng paghinga kasabay ng kalabog ng puso niya. Pakiramdam niya ay nasa ibang dimensyon ang kanyang katawan at nagpapakasasa sa init."Hold on to me, Bea," bulong nito.Wala sa sariling kumapit siya sa mga braso nito habang ito naman ay mahigpit na hinawakan ang mga hita niyang nasa bewang nito. Hindi niya alam kung saan ibabaling ang ulo matapos bumilis ang galaw nito.Wala itong sinayang na oras. Ni hindi naging masuyo. Mararahas ang galaw nito, at aamining niyang gusto niya ang pagiging marahas nito. Tila nabuhayan ang katawan niya't kaluluwa. Gusto na lamang niyang hindi ma
Read more
KABANATA 68
"Ako? May gusto sa'yo?" hindi makapaniwalang tanong ni Bea.Nakangising tumango si Levi at binalikan ang nilulutong pancake."No pressure, Bea. Alam ko namang gwapo ako—""Tss. Asa ka, Mr. Alcantara." Napairap siya't napailing, "Hindi ba malinaw sa'yo ang naging usapan natin? Katawan ko lang—"Natigilan siya noong lapagan siya nito ng pancake sa plato. Hindi na ito nakangisi bagkus ay madilim na muli ang tingin nito."Eat and don't talk," may diing utos nito.Napayuko siya at kinagat ang labi. Nasira niya ang mood nito pero hindi siya nagsisisi. Mas mabuti na iyon kaysa naman umasa ito.Natahimik sila sa kusina. Hindi na rin ito nagsalita. Sa kalan ang atensyon nito habang siya ay inuubos naman ang mga sandwich at pancake na binigay nito sa kanya."Daddy?"Napalingon siya sa sala matapos marinig ang boses ni Calvin. Nakita niya itong nakatitig kay Levi, sa likod nito ay si Cyprus na humihikab pa."Daddy! You're here!"Masiglang tumakbo si Calvin patungo kay Levi. Pagtingin niya ay nak
Read more
KABANATA 69
"It was dark and we were both drunk."Ilang beses na umulit iyon sa isipan ni Levi. Dapat ay hindi siya nagagalit dagil gawain niya rin ang bagay na iyon pero umiinit ang ulo niya sa kaalamang nakipagt*lik din si Bea sa isang estranghero.Mahigpit niyang hinawakan ang kauubos lang na beer in can. Nalukot iyon sa tindi ng hawak niya.Wala namang dapat i-big deal sa inamin ni Bea na nakipag-one-night stand ito. Siya rin naman noon ay tinatapon niya lang at iniiwan ang mga babaeng nakasama sa hotel. Dapat ay normal ang reaction niya dahil hindi lang naman si Bea ang babaeng nakikipag-one-night stand. Pero hindi niya napigilan ang inis. Nag-walk out siya sa condo, hindi man lang nakahingi ng sorry sa mga bata. Tapos heto at alak ang inaatupag niya.Napapikit siya nang mariin bago malakas na binato sa libreng sofa ang beer in can. Bumuntong hininga at sinandal ang ulo sa inuupuang couch."You're heartless."Doon siya napamulat ng mga mata. Nasalubong niya ang naiinip na titig ni Vin. Nakas
Read more
KABANATA 70
Mabagsik na tinitigan ni Levi si Vin. Napatayo siya't agad itong kinwelyuhan. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong galit sa kaibigan."How dare you!" gigil at madiin niyang bigkas.Walang takot sa itsura ni Vin. Nakangisi pa ito. Mas mukha pang kinakabahan si Joselito kaysa kay Vin."Huwag kayong mag-away, Vin, Archie. Babae lang iyan—""You, shut up!" sigaw niya kay Joselito.Napataas ito ng mga kamay at nangiwi, "Alright. Sige, mag-away lang kayo. Magandang bisyo iyan. Ipagpatuloy niyo.""Tss."Binalingan niya muli si Vin na sinubukang alisin ang hawak niya sa kwelyo nito ngunit mas hinigpitan niya iyon. Pagdating talaga kay Bea, nagiging masamang tao siya."Sinabi mo pa lang na pwede karelasyon ni Bea si Miggy. Ngayon naman gusto mong ibigay ko sa'yo si Bea?!" asik niya.Tamad itong bumuntong hininga at malakas na binaklas ang mga kamay niya sa kwelyo nito. Hindi niya rin inasahan ang pagtulak sa kanya nito dahilan upang mapaupo siya pabalik sa sofa."Calm down, Archie. Para kan
Read more
PREV
1
...
56789
...
24
DMCA.com Protection Status