All Chapters of Sebastian's Downfall: Chapter 61 - Chapter 70
156 Chapters
Chapter 54
CHAPTER 54 Nakangising umiling si Nexus. “Sorry, Man. Kami ang naunang magsabi kina Papa.” Umungol ito sa pagkadisgusto kaya nilapitan niya. “Sila na ang mauuna,” aniya at ipinulupot ang mga kamay rito. “Why? I proposed to you first.” Malambing niyang hinaplos ang pisngi ni Sebastian. Awtomatiko namang lumambot ang mukha nito. Nagpagiya sa kanya nang hinila niya papunta sa likod-bahay upang mag-usap. “I want to marry you,” parang bata ito nagmamaktol. “Marami pa naman tayong mga araw na magkakasama. Sila na muna. Stephanie is so happy with the engagement. Ayaw kong sirain iyon.” “Fine. But we’ll get married the next day of their wedding.” Umawang ang labi niya na ikinangisi nito. “I can do that. And still be the wedding of the year.” Umiling-iling siya at pumamewang sa harap nito. “Hindi papayag sina Mama.” “Why? I’ll talk to Papa.” “Hindi sila tutol na ikasal tayo. Tututol sila na ikakasal tayo sa kaparehong taon ng kasal ng kapatid ko.” “What?” liton
Read more
Chapter 55
CHAPTER 55 Naunang umuwi si Sebastian kinahapunan. Ito na raw ang susundo kay Sevi. Hindi na rin siya tumutol dahil niyaya siya nina Andy na pumunta sa mall. Nang magpaalam siya kay Sebastian, ibinilin nitong isasama nila si Kuya Walter bilang driver at bodyguard nila. Kilig na kilig ang dalawang babae nang h alikan siya ni Sebastian sa noo bago ito sumakay sa sariling kotse at umalis. “Oh my God! Boyfriend mo talaga si Sir, Nesh?” bulalas ni Ditas nang makapasok sila sa loob ng kotse. “Hindi niya boyfriend, asawa na yata.” Sabay na bumaba ang tingin ng dalawa sa kanyang singsing. Hinayaan niyang mag-assume ang dalawa habang nagtitili. Pumasok si Kuya Walter sa loob at sinilip siya sa rearview mirror. “Saan po tayo, Ma’am? “Sa mall po, Kuya.” Pinaandar na nito ang kotse paalis. “Nag-text nga po pala si Sir sa akin na titingnan niya raw kung ginamit mo po ang ibinigay niya sa ‘yo. Hindi raw po kita i-uuwi hangga’t walang nababawas.” Napangiwi siya sa nar
Read more
Chapter 56
CHAPTER 56 “Take care of mommy when I’m away, Buddy.” Ginulo ni Sebastian ang buhok ng anak nang makarating sila sa Vesarius airline. Nasa di-kalayuan ang pribadong eroplano na pag-aari ng pamilyang Rocc. “Opo. Balik ka po and pasalubong po ng bigboy.” The Rocc Pharma Branch in Australia faced a crisis and Sebastian needed to attend the problem personally. No’ng isang linggo pa siya nito kinukulit na sumama sila ni Sevi. Mariin niyang tinanggihan dahil may trabaho siya at may pasok sa eskwela ang anak nila. It’s just one to two weeks. It’s not like they will not see each other again for years. Tumaas ang paningin sa kanya ni Sebastian. Muntik na siyang matawa sa namumula nitong mga mata. “I’m gonna miss you and our son.” “We’ll be okay, Seb. Saka ilang araw na lang, uuwi na sina Tita Florence. Safe naman ang Northshire Town.” Inabot siya nito at maingat na pinaloob sa matitigas na bisig. H umalik ng ilang beses sa kanyang noo. “I don’t want to go, Mommy Nesh.” She l
Read more
Chapter 57
CHAPTER 57 Kunot ang noo ni Sebastian habang panay ang tipa niya sa cellphone number ni Neshara Fil. Nakailang tawag na siya rito simula pa kaninang alas-syete ng gabi, pagkauwing-pagkauwi niya galing sa opisina. Alas-nwebe na nang gabi sa Australia at alas-syete naman sa Pilipinas. Nakauwi na dapat ito at si Sevi sa bahay nila. Ring nang ring lang ang cellphone nito kanina na ngayon nga ay naka-off na. He even tried calling Mang Rene but the old man was in the hospital for his wife. Mabilis niyang sinagot ang tawag nang makitang si Roman iyon. “Dad, nasa Pilipinas na ba kayo? Are you with Nesh and Sevi? Tell my wife to answer my call.” “Iyon ang itinawag namin sa ‘yo, Sebastian.” “What? Why, what happened?” Nakapamewang na nagpalakad-lakad siya. “Tumawag ang security guard ng Northshire Academy. Kung hindi pa sila naglibot sa buong eskwelahan, hindi malalaman na naiwan ang apo ko ng mag-isa sa waiting shed. Umiiyak si Sevi, alas-syete na nang gabi.” “F uck! Where’s
Read more
Chapter 58
CHAPTER 58 “Nesh, wake up. Nesh, please!” Naririnig niya ang boses ni Sebastian mula sa kung saan. Tila alarm clock iyon na nagpagising sa kanya. Nawala ang mga imahe sa kanyang harapan at pumalit ang kadiliman. “N-Nesh. Come on, Love. Wake up, please!” Sebastian’s voice was trembling. She forced herself to open her eyes. It was hard and painful. Parang pinupokpok ang ulo niya sa sakit. Sa nanlalabong paningin, nakita niya ang nag-aalalang mukha ni Sebastian. Gusto niyang tawagin ang pangalan at tanungin kung bakit nandito na ito. Subalit, hindi niya magawang buksan ang kanyang bibig. She was too weak to open her lips or lift her finger. Pakiramdam niya ay pagod na pagod ang buo niyang sistema. Ang sakit ng ulo niya kanina pa. “P utangina! Tumawag kayo ng ambulansya. Nasaan ang ambulansya?! Sinong may gawa nito sa asawa ko?!” Muling bumagsak ang kanyang mga mata. Ramdam niya ang panunuyo ng mga labi. “MALANDI ka! Nilandi mo ang asawa ko.” “Hindi ko alam na may asawa
Read more
Chapter 59
CHAPTER 59 Nagtataka si Neshara Fil kung bakit ang agang umalis ni Sebastian papuntang opisina. Ni hindi man lang siya nito hinintay o kaya ihatid si Sevi sa Academy. “Kami na ang bahala sa apo ko,” wika ni Florence nang mapasukan niya ito sa dining room ng bahay nila sa Northshire Town. Tuwang-tuwa ang ginang habang sinusubuan si Sevi ng pagkain. “Bakit daw po?” “Wala rin akong ideya. Basta may natanggap na tawag tapos nagmamadaling lumabas.” “Mad po si Daddy, Mommy ko po. Salubong kilay niya ng ganito.” Sumimangot sa kanya ang anak. Niyaya siya ni Florence na kumain bago pa man siya makapag-isip ng kung anu-ano. Nabanggit niya rito na uuwi sila nina Sevi sa Bicol para sa kasal ng kapatid niya. “Pwede ba kaming sumama ni Roman?” tila nahihiyang tanong sa kanya nito. “Po?” “I know were not invited but we want to meet your parents. Gusto namin makausap ang mga magulang mo tungkol sa nangyari noon. Especially your mom, Ara.” Muntik na niyang tanungin kung kilala ba nit
Read more
Chapter 60
CHAPTER 60 “By the power vested in me, I pronounce you: husband and wife. You may now kiss the bride.” Napuno ng palakpakan ang simbahan nang unti-unting itinaas ni Nexus ang suot na veil ni Amara Stephanie. Kanina pa siya naluluha habang naglalakad ang kanyang kapatid sa isle papuntang altar. Muling inabot ni Sebastian ang mukha upang punasan ang basa niyang pisngi. “Kasal na si Teptep,” parang batang sumbong niya na tinawanan lang nito. It was a simple Mijares-Almeradez Nuptial. Tanging malalapit na pamilya at kaibigan lang ang imbitado. Alejandro Almeradez was the only visitor from Nix’s side, and the rest came from their family. Hindi naman sikreto sa kanila ang tungkol sa pamilya ni Nix. Hindi iyon naging dahilan para kaayawan nila ang lalaki. Lalo na ang Papa niya na nakuha yata ang kagustuhan nitong magkaanak na lalaki kina Nix at Sebastian. Palaging bukambibig ni Stegh ang dalawang lalaki sa bahay nila at sa mga kaibigan nito. Diretso sila sa Hacienda Constancia
Read more
Chapter 61
CHAPTER 61 Ang kasal na plinano nila ay hindi natuloy nang sumunod na taon. Nag-aral na kasi siya at napagdisisyunan na tapusin niya na ang apat na taong kurso na kinuha. “Here’s your notes.” Inabot sa kanya ni Julia ang lectures notes na hiniram nito sa kanya. Bahagyang kumunot ang kanyang noo nang makitang may mga sulat ang back cover niyon at parang pinaglaruan sa dumi ng mga pahina. “Ops! Nabasa ng pamangkin ko. Makulit kasi.” She took a deep breath. “Ayos lang. Sa susunod, paki-ingatan dahil hiniram mo lang naman.” “Yeah, whatever.” Ngumunguya ng bubble gum ang babae nang halos irapan siya at tinalikuran. Sumunod ang mga alipores nitong hindi rin niya gusto. Hindi pa man tuluyang nakalalabas ng classroom, sumulpot sa pinto ang boyfriend ni Julia. Malaki ang ngiting kinawayan siya ni Lex kahit nasa harapan nito ang nobya. Si Lex ang rason kung bakit inis sa kanya si Julia. Halatang-halata kasi na interesado ito sa kanya. Kung hindi lang siya mas matanda kina Julia
Read more
Chapter 62
CHAPTER 62 “Walang patutunguhan ang usapan na ito. Kung wala po kayong concern about or subject, aalis na po ako.” Akala niya ay hahayaan na siya nitong makaalis dahil sa biglaang pag-pormal ng kanyang boses. Iyon pala ay may pahabol pa na parang galit ang tono. “Siya ang dahilan kung bakit hindi ko tinuloy ang panliligaw ko sa iyo noon.” “Sa pagkakatanda ko, binasted kita, Sir.” “I am not a loser, Nesh. You know that. I had a plan to pursue you even more. Pero tinakot niya ako. Pinagbantaan niya ang buhay ng pamilya ko.” “Hindi niya pa ako kilala nang mga panahong iyon.” Ngumisi si Dwight. Napalitan ng pagkaawa ang mga mata nitong sumisigaw ng iritasyon kanina. “Hindi mo nga siya kilala. He is a psycho. Hindi ko siya sinunod kaya pinaharang niya ako sa mga taga-fraternity na hawak niya.” Hindi niya na ito pinatulan pa. Napapailing na tinalikuran niya si Dwight. Hindi pa man siya nakakalayo, ang grupo naman nina Julia ang namataan niya na nakatayo sa di-kalayuan. Tining
Read more
Chapter 63
CHAPTER 63 Nakangiti na ulit si Sevi nang kumain sila sa labas. Pagkatapos, ay sila umuwi sa Northshire dahil masyadong gabi. Sa halip, nag-check in na lang sila sa Almeradez Hotel na pag-aari nina Nexus Almeradez. Itinatali niya ang robang suot nang pumasok si Sebastian sa malaking banyo. “S-Si Sevi?” Nagkunyari siyang abala sa ginagawa nang magsimulang h ubarin ni Sebastian ang suot nitong putting long sleeve. “Sleep.” Halos hindi bumuka ang mga labi nito. Mariin ang tingin sa kanya habang palapit sa kanyang kinaroroonan. Malakas ang kabog ng kanyang dibd ib kahit wala naman siyang ginagawang masama. Dapat ito pa ang ang kabahan dahil iinterogahin niya talaga kung bakit nasa opisina nito ang bruhang Lolita na iyon. Patay-malisya siyang tumango. Namumula ang mga pisnging nag-iwas siya ng tingin nang tuluyang lumantad sa kanyang mga mata ang matitigas na abs ni Sebastian. Nangangati ang kanyang mga kamay na sundutin iyon isa-isa. “Sunod ka na lang. Tabihan ko na—” M
Read more
PREV
1
...
56789
...
16
DMCA.com Protection Status