CHAPTER 5 “Sorry, Sevi Baby. Hindi nakaabot si Mommy sa foundation day niyo,” nakangusong nilambing-lambing ni Neshara ang anak. Nakaalis siya sa MedBrain ng alas-kwatro ng hapon at kung minamalas nga naman, naipit siya sa mabigat na trapiko dahil sa banggaan sa highway. Naabutan niya si Sevi sa classroom nito na nanghahaba ang mga nguso. This is the first time she missed Sevi’s school event. Dati naman kasi ay pinapayagan siya ni Ms. Agnes na mag-absent basta para sa anak niya. “I promise hihingi ako ng kopya ng video mo sa lahat ng parents ng classmate mo. Hmn…” “Ms. Mijares,” nakangiting bati sa kanya ng adviser ni Sevi na kapapasok pa lang ng classroom. “Hello po, Ma’am.” “Kanina pa siya ganyan.” “Naku, kasalanan ko, Ma’am. Hindi ako nakaabot.” “Hindi siguro, Ms. Mijares. Kasi kanina naman nagpe-perform siya, maayos naman ang mood niya. No’ng kainan lang nagbago. Ayaw ng umimik at sinusungitan na ang mga kaklase. Ang bibilis talaga magbago ng mood ng mga bat
Read more