Bitbit ni Rain si Hurri habang papasok sa bahay ni Ryder. Sinadya niyang iwan si Nahara sa condo dahil narin sa pakiusap ng mga kapatid nito na nais nitong makabonding si Nahara.Bago siya nagtungo doon, sandali muna silang namasyal ng kanyang anak. Napangiti siya nang tumingala ito sa kanya. At dahil medyo mainit, bahagyang namula ang pisngi nito kahit na sandali palang na natamaan ng araw.Hurri may got his looks from him, mana naman kay Nahara ang kutis nito. Nagningning pa ang mga mata nitong natamaan ng sikat ng araw.Nang makarating siya sa bulwagan, agad siyang pinapasok ng kasambahay at iginiya sa kinaroroonan ni Ryder. Pero pagpasok niya, nagulat pa siya nang makitang naroon din pala si Raven."Hindi ka ba pumasok ng ospital?" Kunot noo niyang tanong.Tumingin si Raven sa kanya bago sa kambal nito. Agad na nagsalubong ang kanyang kilay. "Don't tell me...""What you're thinking is right. Habang mamamasyal ang magkapatid, tayo ang magbabantay ng mga bata," buntong hininga niton
Last Updated : 2025-10-31 Read more