Lahat ng Kabanata ng One night with Mr.Tanner Grimes: Kabanata 101 - Kabanata 110
144 Kabanata
Chapter 56
HINDI alam ni Tyler o tamang sa totoong pangalan niya na Tanner, ang kaniyang gagawin o sasabihin nang makita niya ang anak na si Asher. Hindi siya makapaniwala na alam nito na siya ang totoong Tanner, hindi ang lagi nilang kasama sa ngayon. Tanging si Emily, Clark, Brandon at Lawrence ang nakaka-alam ng totoong pagkatao niya kaya paanong nalaman ng anak niya ang bagay na iyon lalo na’t alam niyang hindi siya isasawalat ng mga ito. Naalala niya ang araw na sinabi niya ang totoo kay Emily. Hindi niya kaya na mangpanggap bilang kambal niya at ipakita sa mga ito na mahal na mahal niya si Emily tulad ng palagi nilang nakikita sa mag-asawa. Kung kaya dinala niya ito sa isang tahimik na lugar at tanging silang dalawa lamang at nag-usap. “Tyler? Bakit mo ako dinala dito? May problema ba—” hindi niya pinatapos ang sasabihin ni Emily dahil inunahan na niya ito. “Emily, hindi ako si Tyler. Ako si Tanner,” inalis niya ang suot na salamin at tinignan ng deretsyo sa mata si Emily na ikinalaki n
Magbasa pa
Chapter 57
Sabay kaming lumabas ni Clark upang masiguro na walang gulong mangyayari. Habang nasa loob kami ng kotse ay kinakalikot na ni Clark ang laptop na dala niya na kay Brandon. Pinahiram niya muna saamin dahil na-hack na niya ang mga CCTV doon. “Wala namang kakaiba Tanner,” sabi niya habang nasa gitna kami ng daan. Hindi ko nalang muna siya sinagot hanggang sa makarating kami sa simbahan. Sa likuran kami nag park para hindi nila ako mahalata lalo na at magkamuka kami ng kambal ko. Lumabas kami doon upang lumibot sa buong simbahan, hindi muna kami nagpakita kila mommy at daddy o ‘di kaya kila Kathy para makagalaw kami ng malaya. Ngunit maya-maya lang ay nagtaka kami kung bakit hindi pa dumadating sila Tyler. “Hindi kaya may nangyari sa kanila Tanner?” dahil sa sinabi ni Clark at napamura ako at dali-daling tumakbo sa kotse namin upang makita ang access ng CCTV. “T-tanner nawala!” natigilan ako sa sinabi ni Clark at inagaw sa kaniya ang laptop at nanghina ako ng makitang blangko na o sad
Magbasa pa
Chapter 58
NAPATINGIN ako kay Asher dahil doon at nakangiti na ‘din siya kaya niyakap ko itong muli. Thank you, God! Thank you at hindi niyo pinabayaan ang mag-ina ko! Pangako assailing ko na sa kaniya ang totoo. Hindi ko na siya papahirapan pa. Tumayo na kami sa kinauupuan namin at hinarap ko si Emily. “Emily, sasabihin na natin ang totoo sa asawa mo at sa asawa ko. Pati na ‘rin kay Troy. Tayo lang muna ang makaka-alam ‘wag na muna sa mga babae at kila Kevin.” Tumango naman siya sa sinabi ko.“Dapat lang, alam mo bang sabi saakin ni Troy na narinig ka ‘daw niya na tinawag mong ‘my wife’ si Anastasia. Baka isipin nun na niloloko ako ng asawa ko!” napatawa ako sa sinabi niya. Siguro noong tinawagan ko si Inang Ica ang sinasabi niya, nadulas kasi ako lalo na at nag-aalala ako kay Anastasia. “Okay, okay. Tara na,” hinawakan ko ang kamay ni Asher at naglakad na kami papunta sa kwarto ni Anastasia.
Magbasa pa
Chapter 59
“KUMUSTA na siya?” Napalingon sina Kevin sa nagsalita at nakita nila si Tanner o mas kilala pa nila sa ngayon bilang Tyler. “Sabi ng doctor maayos na ‘daw ang lagay niya at ng baby. Stress ‘daw, mabuti at hindi nalaglag ang bata,” mahina ngunit mahihimigan mo ang lungkot sa boses ni Kevin ng sabihin niya iyon. Samantalang si Tanner naman ay napatingin lamang kay Anastasia at gustong-gusto na niya itong yakapin. Ngunit nasa tabi nito ang kambal niya na buong akala nito’y si Anastasia ay kaniyang asawa. He felt bad for lying that much to his twin pero wala siyang ibang choice dahil kung hindi baka hindi siya makakagalaw ng malaya upang malaman kung sino ang traydor. Lumapit si Asher kay Anastasia at hinawakan ang kamay ng ina. Katabi niya ngayon si Amari na hindi na umalis sa tabi ni Anastasia simula ng sabihin ng doctor na pwede na silang pumasok. “K-kuya, natakot ako… Natakot ako na mawala si baby o ‘di kaya si mommy. Dapat hindi natin siya hinayaan na maiwan.mag-isa,” Dahil sa
Magbasa pa
Chapter 60
ANG hindi nila alam ay nag-uusap na ang dalawa bago pa sila dumating. Nagising si Anastasia na purong puting kisame ang nakita niya at ng ilibot niya ang mata sa paligid ay puro puti pa ‘rin ang kaniyang nakikita. Nagsimula na siyang kabahan dahil doon at naalala ang pagsakit ng kaniyang tiyan. Nagsimula na siyang umiyak at kinapa ang kaniyang tiyan. “A-anastasia! Gising ka na! Sandali bakit ka umiiyak?” Napalingon siya sa nagsalita at agad siyang kumalma ng makita si Tanner. Niyakap siya ng lalaki ng mahigpit at sinuklian naman niya ito at doon umiyak. “Shh... Hindi makakaganda sa baby kapag na-stress ka nanaman,” natigilan si Anastasia dahil sa sinabi nito sa kaniya at napahiwalay mula sa pagkakayakap nito dito. “L-ligtas ang anak natin?” Sunod-sunod na tumango si Tanner sa kaniya at muli siyang niyakap kaya mas lumakas ang iyak ni Anastasia dahil doon. Buong akala niya ay mawawala na ang anak sa kaniya, takot na takot siya. “S-sorry... Natuwa lang ako. Natakot ako na mawala
Magbasa pa
Chapter 61
“ANASTASIA, anak!” Napalingon sila sa nagsalita at doon ay nakita nila ang pumasok na mommy ni Anastasia kasama.ang daddy nito at pawang nakasuot ng sumbrelo upang hindi makilala ng mga tao sa labas. Dali-dali siyang niyakap ng ina ng sobrang higpit at tinignan kung ayos lang ba siya. “K-kumusta ka anak? Kumusta ang apo namin?! Baka may masakit pa sa’yo, tatawag tayo ng doctor!” Hinawakan ni Anastasia ang magkabilang kamay ng ina na ikinalingon nito sa kaniya. Nakita niya ang pagtulo ng luha nito kung kaya pinahid niya iyon at binigyan ng malaking ngiti ang ina. “Mommy, kalma lang po. Maayos na po ako at maayos na ‘din si baby. Pa-tatlong araw na po ako dito sa ospital kaya sabi ng doctor ay bukas pwede na akong makalabas dito,” Parang nakahinga ng maluwag ang mommy niya dahil sa sinabi niyang iyon at niyakap siya muli ng mahigpit. “Anak, sorry kung ngayon lang kami ng mommy mo. May kailangan kasi muna kaming asikasuhin bago pumunta dito,” hinging paumanhin ng daddy niya at niya
Magbasa pa
Chapter 62
“DADDY!” Mahigpit na yakap ang salubong ng kambal kay Tanner ng dumating sila sa hotel room nila Anastasia. Napangiti nalang ‘din ng kusa si Tanner dahil sa magigpit na yakap ng kambal sa kaniya at dinama ang yakap na iyon. “I miss you twins, did you miss daddy that much?” Hiwalay na sabi niya sa kambal na ikinatango ng mga ito ng sunod-sunod. “Muntik na nga po madulas si Amari tungkol sa inyo ni tito Tyler, mabuti nalang natakpan ko agad bibig niya,” napakunot ang noo ni Tanner sa sinabi ni Asher at kaagad naman na nag sorry si Amari. “Sorry daddy, si tita Kathy kasi nagtataka kay tito Tyler at palaging nakangiti,” Napansin ‘din iyon ni Tanner. Palaging nakangiti si Tyler kahit pa na hindi ganoon ang pagkatao niya. Ginulo nalang niya ang buhok ni Amari at ngumiti dito. “Ayos lang ‘yun anak, nasaan ang mommy niyo?” pag-iiba niya ng usapan sa mga ito. “Nasa kwarto po daddy. Sama ka po saamin may ipapakita kami sa’yo!” hinila siya agad ni Amari paalis doon sa may sala pero humint
Magbasa pa
Chapter 63
“TANNER?” Takang tanong ni Anastasia ng biglang pumasok ang asawa sa loob ng kwarto niya. Agad itong naupo sa tabi niya at inalis ang kaniyang suot na salamin pagkatapos ay nag cross arms. Nakaupo kasi siya ngayon sa higaan nila at nakasandal sa headboard niyon at nagbabasa ng libro. Tatanungin na sana niya ang lalaki kung anong nangyari kaso bigla namang dumating ang kambal. “Daddy!” Tumakbo ang dalawa paakyat sa higaan nila at pumagitna sa mga ito. “Daddy hayaan mo na si tito, inaasar ka lang nu’n!” Sabi ni Amari dito. “Amari is right daddy, besides alam ko na ‘di niya ‘yun gagawin kay.mommy,” pag sang-ayon pa ni Asher sa kakambal. “Teka ano bang nangyayari? At bakit nakasimangot ang daddy niyo?” Dahil sa pagkalito ay hindi na napigilan pa ni Anastasia ang sumingit sa usapan ng mga ito. Naging dahilan iyon kung bakit nabaling sa kaniya ang atensyon ng kambal. “Si tito Tyler po kasi inasar si daddy. Sinabihan lang po ni daddy si tito na ‘wag masyadong ngumiti at baka mabuking
Magbasa pa
Chapter 64
“GUYS!” Napalingon sila kay Kathy ng dumating ito at kasama na niya ngayon si Bellis na nagihiya at hindi makatingin sa mga ito lalo na at nakita niya na kasama ‘din nila ang may-ari ng Fancy Fashion na si Ms. Valine at sikat na sikat na designer noon pa. “Ito nga pala si Bellis Perennis, fan mo Anastasia!” Masigla na sabi ni Kathy na ikinangiti ng alanganin ni Bellis sa kanila. “Lis nalang po. Sorry po, kung naka-abala ako sa pag-uusap niyo. Aalis nalang po ako—” hindi niya naituloy ang sasabihin niya ng pigilan siya ni Anastasia. “No, ano ka ba. Pero totoo ba na Fan kita?” nahihiyang tumango ang babae na ikinangiti ng malaki ni Anastasia. “Wow! Thank you, nakakatuwa naman. Halika, maupo ka dito sa tabi ko,” Sakto na ka-aalis lang ng kambal kasama si Brandon at Troy upang pumunta sa ice cream parlour at bumili kaya may bakante sa tabi niya. Agad na ‘din siyang nag order ng pagkain para sa dito. “Si Bellis ang tumulong kay Tanner at Brandon kagabi! Lasing na lasing kasi ang asa
Magbasa pa
Chapter 65
ILANG minuto na ang lumipas mula ng umalis si Anastasia at Melany para kumuha ng drinks nila. Dahil nag-aalala si Bellis na baka kung anong isipin ng mag ito na hindi manlang siyang tumutulong sa mga ito ay tumayo siya mula sa kinauupuan niya na ikinatingin sa kaniya ng mga kasama niya doon. “Bakit Bellis? May problema ba?” Nasanay na ‘din siya na Bellis ang tinatawag sa kaniya ng mga bago niyang kaibigan kaya hinayaan nalang niya ang mga ito kahit na karamihan sa matatagal na niyang kasama ay ‘Lis’ ang tawag sa kaniya. “Susundan ko lang sila Anastasia, ako na magbubuhat tutal baka kung anong mangyari sa baby ni Anastasia,” Walang nagawa ang mga ito kundi ang tumango nalamang sa kaniya at hayaan siya. Hindi pa ‘rin siya makapaniwala na kaibigan na niya ang pinakang hinahangaan niyang designer at bonus pa na nakausap niya ‘din si Ms. Valine nitong nakaraang araw. Nakangiti siyang lumabas ng cottage nila ngunit napahinto siya ng biglang may humarang na mga lalaking pawang nakaiti
Magbasa pa
PREV
1
...
910111213
...
15
DMCA.com Protection Status