"Hindi na, Doc!" kaagad na tanggi ni Romana. "Kaya ko naman, eh! Minor lang naman. Madadaan pa ito sa cold compress," dagdag pa niya. “P-pero Miss Lichauco . . .” Pinandilatan niya ito ng mga mata. "Sinabi ko na huwag na, 'di ba?! Bakit ba ang kulit mo?!" Masamang tingin ang ibinigay niya sa manggagamot. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat sa kaniyang inasal. Malapit sila sa isa't isa ng doktor sapagkat ito rin ang doktor na gumagamot sa kaniyang ina, at ito rin ang doktor na pinakamatagal nang naninilbihan sa ospital na ito na pag-aari rin niya . . . kaya marahil hindi nito inaasahan ang pagtataas niya ng boses. "Ipagpaumanhin mo, Doc. Medyo pagod na kasi ako at nais nang makauwi sa bahay." Tumango ang doktor, ngunit nasa ekspresyon pa rin nito ang paninimbang sa kaniya. "Ipagpaumanhin mo ang katanungang ito, Miss Lichauco, ngunit . . . Bakit ka nga ba narito sa ganitong oras? At bakit ganiyan ang suot mo? Bakit nakasuot ka ng nurse uniform?" Mistula siyang nakasalang sa hot s
Read more