Share

Chapter 12

"Anong ginagawa niyo rito?!" mahina ngunit may diin na tanong ni Romana sa mga bagong dating.

Hinawakan ni Vincent ang braso ng babae para mapigilan sa kung ano man ang maaaring magawa nito sa dalawa.

"Ate Romana naman. Hayaan mo naman kaming makita si Mommy kahit na sa huling sandali," nakikiusap na tugon ng lalaki.

Malaki ang pagkakahawig ng mga bisita kay Romana. Tinawag din siyang ate ng lalaki kaya tiyak ni Vincent na kapamilya ang mga ito.

"Hanggang ngayon ba ay galit ka pa sa akin, Anak? Matagal ko nang pinagsisisihan ang nagawa ko sa inyo. Patawarin mo na ako, anak ko!"

May butil ng luha sa gilid ng mga mata ng matandang lalaking nagmamakaawa.

"Anak? Can you stop calling me anak?" Mapang-uri na tingin ang ipinukol ni Romana sa kaharap mula ulo hanggang paa.

"Patay na ang ama ko, matagal na!" dagdag pa niya.

"Sobra ka naman kay Daddy, Ate Romana! Matanda na siya! Wala ba kaming makakapa kahit na kaunting awa riyan sa puso mo na puno na ng poot?! Kaunti na lang din ang natitira
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status