It’s been 2 months simula nang ipakilala ni Pier si Minchy sa akin.Okay naman kami ni Minchy...Pero sa harap lang ni Pier. Kapag magkakasama kaming tatlo at umaalis saglit si Pier, nararamdaman ko na ayaw akong kasama ni Minchy. Sa tuwing magkakasalubong kami sa daan at magtatama ang mga mata namin, binabalewala niya lamang ako na para bang hindi kami magkakilala. Pero kapag magkakasama kaming tatlo nina Pier, napakabait at friendly niya makipag-usap sa akin.Maaari ay naiinis siya na palagi akong nakabuntot sa kanila ni Pier sa lahat ng oras. Kahit naman siguro ako maiinis kapag di ko masolo ang taong gusto ko.“Oh, look! Minchy’ calling!” Malaking ngiti na sabi ni Pier at mabilis na sinagot ang tawag.Nginitian ko lamang siya.Nagpatuloy kami sa pag-akyat papunta sa classroom namin sa unang subject habang kinakausap ni Pier si Minchy sa kanyang cellphone.Di siya hinatid ni Pier sa classroom niya ngayon dahil absent daw ang dalaga kaya naman sabay kami ni Pier papasok ngayon. Nito
Magbasa pa