Share

Chapter 5

It’s been 2 months simula nang ipakilala ni Pier si Minchy sa akin.

Okay naman kami ni Minchy...

Pero sa harap lang ni Pier. Kapag magkakasama kaming tatlo at umaalis saglit si Pier, nararamdaman ko na ayaw akong kasama ni Minchy. Sa tuwing magkakasalubong kami sa daan at magtatama ang mga mata namin, binabalewala niya lamang ako na para bang hindi kami magkakilala. Pero kapag magkakasama kaming tatlo nina Pier, napakabait at friendly niya makipag-usap sa akin.

Maaari ay naiinis siya na palagi akong nakabuntot sa kanila ni Pier sa lahat ng oras. Kahit naman siguro ako maiinis kapag di ko masolo ang taong gusto ko.

“Oh, look! Minchy’ calling!” Malaking ngiti na sabi ni Pier at mabilis na sinagot ang tawag.

Nginitian ko lamang siya.

Nagpatuloy kami sa pag-akyat papunta sa classroom namin sa unang subject habang kinakausap ni Pier si Minchy sa kanyang cellphone.

Di siya hinatid ni Pier sa classroom niya ngayon dahil absent daw ang dalaga kaya naman sabay kami ni Pier papasok ngayon. Nitong mga nakaraang araw simula ng makilala namin si Minchy, pinipilit ko si Pier na ihatid ang dalaga sa classroom nito para naman magkapagsolo silang dalawa. Takot pa rin ako mag-isa pero pinipilit ko at sinasanay ko ang sarili ko dahil alam ko darating ang oras na may lalamang at mayroon mas magiging prayoridad si Pier kesa sa akin.

Pero minsan lang din naman niya maihatid si Minchy, madalas kasi ay tanghali nag-uumpisa ang klase nito. Minsan naman absent. Tulad ngayon.

“You mean, right now?” Narinig ko na sabi ni Pier kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin din siya sa akin at tila ba nagdadalawang isip.

Ano kayang problema?

Maya-maya may nakasalubong kaming grupo ng magkakaibigan at bigla akong nakaramdam ng labis na kaba lalo pa’t maiingay at nagtatawanan ang mga ito. Malamang ay wala namang intensyon ang mga ito na masama sa akin pero pakiramdam ko ay may gagawin pa rin sila sa akin. Sinusubukan ko naman pero mahirap talagang alisin ang takot ko sa mga tao.

Naramdaman ko ang paghila ni Pier sa braso ko at marahan niya akong sinandal sa pader. Iniharang niya ang kabilang braso niya sa pader habang hawak pa rin ng isang kamay niya ang kanyang cellphone.

“I don’t think I can go, right now, Minchy. I’m sorry!” sabi niya sa dalaga sa nanghihinayang na tono. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Di ko alam kung dahil ba iyon sa maiingay ng magkakaibigang dumadaan sa kinatatayuan namin o dahil malapit ang katawan namin ni Pier sa isa’t-isa.

Nakatitig siya sa mga mata ko habang kinakausap ang dalaga sa telepono. Di ko naman natagalan ang titig niya kaya umiwas ako ng tingin.

Nanatili kami sa ganoong pwesto hanggang sa makalagpas ang mga studyanteng nakasalubong namin.

“Bye, Minch. Babawi ako.” Agad na lumayo si Pier sa akin at pinatay ang tawag. Napabuntong-hiningan muna siya bago tumingin muli sa akin ng may pilit na ngiti sa mukha. “Let’s go?” Tanong niya at tumango naman ako.

Bakit kaya mukhang disappointed siya? Ano’ng pinag-usapan nila ni Minchy?

Inakbayan niya ako habang naglalakad kami. “Uhh... Pier?” Tawag ko sa kaibigan.

“Hmm?”

“Ano’ng pinag-usapan nyo ni Minchy?” Di mapigilang tanong ko sa kanya. Bakit may panghihinayang aakong nabasa sa mukha niya kanina habang tinatanggihan niya si Minchy?

Bumuntong-hininga siya at ngumiti, “She asked me to go on a date.” Sagot niya sa tanong ko.

“Oh, bakit ka tumanggi?” Nagtatakang tanong ko. Alam ko at nararamdaman kong gusto niya si Minchy. Palagi niya nga itong hinahatid sa room niya para ipaalam sa mga kaklse nito na may pagtatangi siya sa dalaga.

“Kasi ngayong araw niya gusto magdate kami.” Sagot naman niya. “Nakita mo naman ang nangyari kanina nang may dumaang mga students sa harap natin. Halos manginig ka sa takot. What if I’m not there?”

Kinilabutan ako sa tanong niya. Paano nga ba kung wala si Pier doon. Malamang tumakbo na ako ng walang dahilan. Kung di niya ako pinrotektahan, maaring umuwi nalang ako or baka nabully nga ako ng mga iyon.

Thank God, hindi siya pumayag!

Pero sa di malamang dahilan, pumasok ang disappointed na mukha ni Pier sa isipan ko. After that, kinain ako ng guilt. Kita ko ang kagustuhan niyang pumunta pero dahil sa akin isasantabi ang ang kagustuhan niyang iyon.

Naguguilty ako. Sobrang naguguilty.

Napatigil ako sa paglalakad. At dahil nakaakbay siya sa akin, napatigil din siya.

“Sige na, puntahan mo na si Minchy. Wag mo na akong isipin, ano ka ba?” Sabi ko sa kanya at inalis ang pagkakaakbay niya sa akin.

Pabiring inakbayan ulit ako ni Pier at niyugyog pa. “I’m not going anywhere. Not after nang makita kitang natuod dahil lang sa may nakasalubong kang mga tao.” Ginulo niya ang buhok ko. “Minchy and I can date another time. Sa restday, maybe. Wag ka nang magpaka huwarang kaibigan dyan. Malalate na tayo.” Biro niya.

Lalakad na sana siya pero nanatili akong nakatayo sa pwesto ko.

“Puntahan mo na kasi.” Pagpupumilit ko.

“Ayoko nga, Nik! Paano kung gusto talagang umattend ng klase? Namimilit ka dyan!” Natatawang sabi niya.

“I saw how disappointed you are! Gusto mo pumunta at makipagdate pero dahil sa’kin di mo magawa. Alam mo ba na naguguilty ako?” Sabi ko sa kanya kaya biglang nawala ang ekspersyon niya sa mukha.

Bumuntong-hinga muli siya at matiim na tumitig sa mata ko. “Look, Nikko! You got it wrong kung sa tingin mo disappointed ako because I can’t date Minchy today.”

“Why do you look so disappointed, then?”

“Secret. No clue.” Natatawang sabi niya at pinisil ang pisngi ko.

“Di ako nakikipaglokohan, Pier. Puntahan mo na si Minchy. Di lang para sa’yo. Para sa akin na din. Kinakain ako ng konsensya ko dahil pakiramdam ko inoobliga kita na protektahan ako – na di ka makapag-enjoy sa ibang bagay kasi nakatali ka sa akin.” Paliwanag ko sa kanya. “Gawin na rin nating practice ito para maalis ang takot ko sa ibang tao. Para baguhin sarili ko.”

 Nakatitig lang sa mukha ko si Pier, tila hinihintay niyang magsabi ako na nagbibiro lang ako. Nang mapatunayan na seryoso at determinado ako napailing na lamang siya “You don’t have to feel that way. I’m doing this because I want to. Kahit ayaw mo, I would still protect you.”

“And I am thanking you so hard for that. So much that I want you to be happy. I can see how much you like Minchy. Dahil sa akin di kayo makapagkilala ng maayos. Ako naman, I can’t grow because I’m depending so much on you. Maybe, chance pala ito para magbago na ako. Para mawala ang takot ko sa ibang tao.”

“You don’t know what you’re talking about, Nikko! Di ganito kabilis magbago---”

“Just go, okay? Kung concern ka talaga sa akin, magtiwala ka na kaya ko. Kwentuhan mo ko sa magiging date nyo, ha? Bye!” Mabilis na sabi ko at naglakad na palayo sa kanya.

Ramdam ko ang labis na panginginig ng kamay ko. Oo, may times na nauuna akong pumasok sa klase kapag ihahatid niya si Minchy pero sa pagkakataong ito, di ko alam kung kelan ba siya babalik o baka bukas na ulit kami magkita.

Nalulungkot man pero masaya na rin ako na hindi sumunod si Pier. Siguro sinunod niya nga ang request ko at nakipagdate na kay Minchy. Alam ko naman na iyon din ang kagustuhan niya.

Habang paakyat sa huling hadgan nakailangan kong akyatin para makarating sa klase ko, nakarining ako ng mga yabag. Feeling ko naiihi ako sa sobrang kaba. Mahigpit na kinipkip ko ang mga libro sa dibdib ko at tumingin sa sahig.

Natatakot ako, Pier.

Nang mag-angat ako ng tingin agad na sumalubong sa mata ko ang isang binata na may malaking bulto ng katawan at may matikas ang postura. Nagbibigay siya ng nakakatakot na aura sa ibang tao.

Agad kong nakilala ang binata na nakasalubong ko. Siya ang ikatlong alpha sa school na ito.

Si Red Morales.

Si Pier, Raul at Red ang tatlong alpha na nag-aaral dito sa universidad namin. Pareparehas silang nirerespeto at tinitingala pero si Red ang pinakanagbibigay ng nakakatakot na presensya sa ibang tao. Palagi kasi itong nakasimagot at tahamik lamabg na tao. Ayon iyon sa mga chismis na naririnig ko.

Nagtama ang mata naming dalawa at agad na tumindig ang balahibo ko sa takot. Tama nga ang sabi nila ntungkol kay Red. Pero di nagtagal ang pagtatama ng paningin namin dahil binawi niya rin ito agad at nilagpasan ako.

Doon ko lamang napansin ang isa pang lalaki na kasunod niya. Bumilis ang tibok ng puso ko pero sa ibang dahilan. Hindi katulad kay Red na dahil sa takot – ang pagbilis ng tibok ng puso ay dahil sa nakitang ko na collar na nakasuot sa leeg ng lalaki.

Agad kong natukoy na isa siyang omega dahil sa collar na suot niyang iyon. Sa universidad na ito, kaming dalawa naman ang omega.

Kumpara sa ibang studyante, kapansin-pansin ang itsura niya. Napakakinis ng mukha, tila nangungusap ang mga mata, saktong tangos ng ilong at mapupulang mga labi. Para itong naglalakad na manika. Napakaganda.

Ganito din kaya ang epekto ko sa ibang tao? Malamang ay hindi. Kaya nga malingat lang ng saglit sa akin si Pier ay nabubuly agad ako.

Nang magtama ang paningin naming dalawa, agad na nanlaki ang mga mata nito. “Bakit wala kang suot na proteksyon sa leeg?” Nag-aalala na sambit niya.

“H-Ha?” Maang na reaksyon ko. Di ko alam na kakausapin niya pala ako o mapapansin man lang na omega rin ako.

“Delikado----”

“Clarence.” Sabay kaming napalundag sa gulat nang biglang nagsalita si Red. Saglit na napuno ng katahimikan ang kapaligiran bago tumalima si Clarence at walang sabing lumapit sa kanya.

Sinulayapan muna ako ni Clarence bago sila nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan. Bago tuluyang mawala sa paningin ko ang dalawa bigla ding sumulyap si Red sa akin na para bang pinagbabantaan ako. Napaupo ako sa sahig sa sobrang takot.

At tulyan na silang nawala sa paningin ko. Tanging mga yabag na lamang nila ang naririnig ko.

Ano bang problema ng lalaking iyon?

Parang binantaan niya ako na wag lumapit kay Clarence eh parehas naman kaming omega. Wala kaming mapapala sa isa’t-isa. Grabe naman pala magselos ‘yung Red. Wala sa lugar.

Napaisip tuloy ako kung magkasintahan ba silang dalawa. Siguro ay ganun nga. Baka kaya ganun si Red kahigpit kay Clarence.

Magsana all sana ako kaso wala naman sa isip ko ang mga ganoong bagay.

Napabuga ako ng malalim nang matapos na ang huling klase ngayong umaga. Oras na para maglunch pero di ko alam kung saang lupalop ako kakain. Lahat naman kasi siguro ng kainan, mapacanteen or fast food chain ay matao.

Pinilig ko ang ulo ko. Kailangan kong tatagan ang loob ko. Nasa sa akin iyon kung gusto ko talaga magbago at mag-improve kelangan kong harapin ang takot ko. Isa pa, ang kailangna ko lang ay maging positibo sa pag-iisip ng bagay-bagay. Hindi lahat ng oras ay may mangyayaring masama sa akin.

Itinatak ko iyon sa isipan ko habang mabilis at nakatungo na naglalakad sa hallway. Patuloy lang ako sa ganoong bilis hanggang sa may bigla akong nabangga at sigurado akong tao iyon.

“What the heck? Di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?” inis at matinis na sigaw nung babae.

Unfortunately, I’m not. But I could ask her the same. Siguro naman kung tumitingin siya makakaiwas siya sa akin.

Nang mag-angat ako ng tingin nalaman ko na hindi siya mag-isa. Lima sila na mukhang mean girls dahil sa maiikling skirt ng uniform nila at nakakulot pa ang mga buhok – may hawak pang iced coffee iyong isa. May kolorete din sila sa mukha at yung nabangga ko, sa kasamaang palad ngumunguya ng bubble gum. Isang tingin palang alam ko na di na maganda ang kalalabasan ng usapan namin ngayon.

Nag-umpisa na akong kabahan ng sobra. Lalo pa at umaagaw kami ng atensyon sng ibang studyante na nakapaligid sa amin.

“Wait, I know you! Di ba ikaw ‘yung omega na laging nakabuntot at nakadikit kay Pier?” Natatawang sabi niya at humalukipkip.

“L-Look, sorry kung n-nabangga kita.” Nanginginig na sabi ko habang nakayuko. Gusto ko lang matapos na agad ‘to. Huminga ako ng malalim. “Di ko sinasadya.” Lakas loob na dugtong ko.

Lalagpasan ko na sana siya pero hinarangan nilang lima ang dadaanan ko. Doon ako nagsimulang matakot ng sobra. Nanginig ang buong katawan ko at di makagalaw sa kinatatayuan ko.

Pier. Maluha-luhang tawag ko sa kaibigan ko sa aking isipan.

“P-Pa-Padaanin niyo ko.” Mahinang sabi ko.

“Before that, may gusto muna akong sabihin sa’yo, omega.” Nakangising sabi nung nabangga ko sa akin. “Ang mga omega na tulad mo, nakakadiring nilalang na binuhay lang para maging p****k at mag-anak ng bata. Ang lakas ng loob mo na maglakad-lakad sa school na ‘to ng walang suot na collar. Ano’ng pinagmamalaki mo? Na walang gagalaw sa’yo dahil nasa ilalim ka ng proteksyon ni Pier?” Sabi niya na para bang ang laki-laki ng kasalanan ko sa kanya.

Umiling ako. Hindi totoo iyon. Kaya lang naman ako walang collar dahil nito ko lang nalaman ang bagay na iyon at kailangan pala noon ay customized. Bilang isang hampaslupa, wala akong pera para magpagawa kaya si Pier na ang sumagot pero hanggang ngayon wala pa rin akong balita kung okay na ba iyon.

(A/N: Sa school lamang required na magsuot ng proteksyon sa leeg. Ang mga gumagamit nito sa labas ng paaralan ay mga mayayaman na omega lamang o may kakilalang mayaman. Kakaiba ang collar ng omega sa collar ng normal ng tao. Ginawa at pinagtibay ang sa mga omega upang di maalis o masira ng mga alpha sa oras na mawala ang mga ito sa isip dulot ng omega pheromones. May code din ito na tanging omega lang ang makakaalam upang mabuksan.)

“Oh, baka naman balak mo talagang magpakagat kay Pier para umasenso ka sa buhay? Matalino ka, ha?”

“H-Hindi totoo ‘yan----“

“Nakakaridi ka talaga!” Sagaw niya at tinulak ako ng malakas kaya nakaupo ako sa sahig.

Gusto kong gumanti. Takot ako sa tao pero ayoko din naman na yurakan lang ng ganun ganun ang pgakatao ko. Pero alam kong pagtutulungan nila ako. Malay ko baka makisali pa ‘yung ibang studyante na nanonood sa amin. Pag omega ka, wala kang kakampi. Kaya nanatili na lamang akong nakayuko habang nakasalampak sa sahig.

Nagulat ako nang may tumulo na malamig na likido sa ulo ko. Binuhusan pala ako ng iced coffee nung babae na hawak ng kaibigan niya.

“I heard may nililigawan daw si Pier na babae. Kaya ka siguro mag-isa ngayon kasi magkasama sila. Paaalalahanan na kita, hindi lang ito ang mangyayari sa’yo. Without Pier’s protection, impyerno ang magiging buhay mo dito.” Sabi niya at tinapon sa harap ko ang lalagyan ng iced coffee na binuhos niya sa akin. “Freaking omega! Let’s go!”

Nag-umpisa na silang maglakad at nilagpasan ang basang-basa na ako.

“Malas mo lang. Mainit ang ulo niya tapos binangga mo pa.” Rinig kong sabi nung isa at nagtawanan sila.

Napaangat ako nang tingin nang may nag-abot ng panyo sa akin. Isa siya sa mga kaibigan ‘nong nakabangga ko. “Ako na ang hihingi ng tawad para sa ginawa niya. Gamitin mo ‘to pangpunas sa katawan mo. Wag mo na ibalik. Bye!” Mabilis na sabi niya at ngumiti muna sa akin bago sumunod na agad sa mga kabigan niya.

I see. Sa grupo pala ng mga salbaheng babae na ‘yon mayroon din na isang mabait. Patunay lang na di lahat ng tao masama.

I am thankful but still, hindi niya ako nagawang ipagtanggol habang inaagrabyado ako ng kaibigan niya. I guess hindi siya gan’on kabuting nilalang.

Goddammit, looking like this, I guess uuwi na lang ako.

Bukas na lamang ako papasok kapag nandito na si Pier.

Biglang pumasok sa isipan ko ang itsura ni Pier. Masaya siguro siya ngayon sa naging date nila ni Minchy. Good for him. Sana nga nag-eenjoy siya. He deserves it.

Di ko na napigilan ko pagpatak ng luha ko.

God, Pier, I really miss you!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status