Share

Chapter 2

Dalawang taon na ang nakalipas simula ng malaman ko na isa akong omega. 

4th year high school at graduating ako 'nung magsagawa ng testing sa school namin. 

Sadyang bago tumapak ng college ang mga estudyante isinasagawa ang testing for secondary sexuality dahil madalas sa edad na 18 unang nararanasan ng mga alpha ang kanilang rut at heat naman para sa mga omega. Ginagawa ito upang malaman kung sinong estudyante ang dapat i-monitor if ever na may makaranas ng penomena. 

Hindi naman kami mahirap bantayan dahil 3 alpha at 2 omega lang ang meron dito sa school namin. Pero sa totoo lang, sa lahat-lahat ng school dito sa lugar namin, dito sa university namin nagkaroon ng ganoong karaming bilang ng alpha at omega. Sobrang liit lang kasi ng populasyon ng mga kagaya namin - hindi katulad ng mga beta. 

3rd year college na ako ngayon. Tulad ng inaasahan nag-iba ang trato sa akin ng mga tao pero palaging nandiyan si Pier upang ipagtanggol ako. 

Sa paanong paraan? Pier is from a family of alphas. He is a pure-blooded alpha. Meaning, his father and mother are both alphas. Even his brothers and sisters are. Imagine how indestructible his family is. Being an alpha alone is enough for people to respect and fear you. Sila pa kayang buong pamilya pa. 

Kaya naman nang nagstart kami magcollege, Pier did everything to protect me. Kaya naman walang nagtatangka kahit lapitan ako. Kasi natatakot sila sa kanya. And I am thanking him for that. 

Simula kasi ng malaman ko ang ikalawang sekswalidad ko, natakot na ko makipag-interact sa ibang tao thinking na ibubully lang nila ako. Kaya I only talk to them whenever I have to or I am forced to do so. 

Tulad ngayon... 

"Nikko, kadarating mo lang din?" nakangiting bati sa akin ni Gavin at binuksan ang locker niya. Tabi kasi kami ng locker. He's a beta. 

Pilit akong ngumiti at tumango. Nagbukas na rin ako ng locker para kunin ang mga kailangan kong gamit. 

I don't know why but he's always trying to befriend me. I don't know what his intentions are but I can't let my guard down - even though he looks like a genuinely nice person. But I shouldn't be fooled.

Sinara niya ang locker niya pero sa halip umalis sumadal siya dito at humalukipkip habang pinapanood ako sa ginagawa ko. Ako naman ay nakafocus lang sa pagkuha ko ng mga gamit sa locker. "Boy, you're still guarded as ever." natatawang sabi niya. "I don't bite or anything. No one here does. Try to open up a little bit." 

Tinapunan ko lang siya ng tingin saglit bago isara ang locker ko. "Thanks for the advice." sabi ko nalang at ngumiti ng pilit sa kanya. 

Lalagpasan ko na sana siya pero hinarangan nya ang dadaan ko. Doon ako nakaramdam ng kaba kahit na nasa harap pa kami ng maraming tao. Bilang isang omega, alam kong wala akong kakampi dito. 

"W-What do you want?" nanginginig na sabi ko - nahihintakutan. Ibubully niya ba ako? Iinsultuhin dahil isa lang akong omega. 

'I can protect myself.' Sino bang niloko ko nang sinabi ko ang mga katagang 'yan kay Pier? Eh hindi nga ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon dahil sa takot sa maaaring gawin sa akin ng mga taong nakapaligid sa'kin. 

Bahagyang napaalis sa pagkakasandal niya sa locker si Gavin. "No, Nikko! I'm sorry! I am not trying to scare you or anything. I just want us to be friends." Tila nag-aalalang sabi niya dahil sa inakto ko. 

Friends? 

"Liar." Pagboboses ko sa iniisip ko. Sinong gusto kumaibigan ng mga kagaya ko? Di ako madadala sa sinasabi niya. 

Napabuntong hininga siya. "Nikko---" 

"Leave him alone."

Naramdaman ko ang pagpulupot ng braso ni Pier sa balikat ko. Finally, he's here. Ililigtas niya ako. 

Nakita ko kung paano natigilan si Gavin ng makita si Pier sa tabi ko. Di lang siya. Buong kapaligiran ang tumahimik habang nakatingin sa aming tatlo.

"D-Don't get me wrong. I'm not bullying him or anything." Depensa ni Gavin.

Narinig kong huminga ng malalim si Pier. "I see. Well, as you can see, he's not good around with people he doesn't really know." Tiningnan ako ni Pier at ginulo ang buhok ko. Ngumiti siya na parang sinasabing magiging okay ang lahat. Ngumiti naman ako pabalik. "Don't worry. We'll work on it. But for now, just let him be." 

Ngumiti si Gavin at tumango. "Alright." Binalik niya ang tingin niya sakin. Patago naman akong napahawak sa laylayan ng damit ni Pier. "Sorry if I bothered you, Nikko." 

Dismayado na ngumiti muna si Gavin konti sakin bago umalis sa harapan namin ni Pier. 

"You alright?" Tanong ni Pier. 

"Y-Yeah." Sabi ko at nginitian siya. "Salamat." 

Ginulo nalang ulit niya ang buhok ko bilang sagot. 

What would I do without him?

--- 

I can't move. It feels like my whole body is bound to something. 

I can't see anything. My vision is filled with darkness. 

I can hardly breathe. If it's because of fear or what, I don't know anymore. 

Aside from chains and heavy breathings, I can't hear anything. 

"Nikko..." someone whispered.

I roamed my sight to the darkness but failed to see anything. 

"W-Who are you?!" I asked with all my might - trying to fill my lungs with air. 

"You are mine." He claimed instead of answering my question. 

I shook my head, no. 

"Nobody owns me." I said firmly. I tried to move but the chain around my body tightened. I whimpered in pain. 

I heard a chuckle. "You are wrong, Nikko. I've been watching over you for a very long time now. It's just a matter of time until I make all of you mine." 

Once again, I shook my head. 

"W-Whoever you are, f*ck you!" I said, still gasping for air. I feel suffocated. "That time will never come!" I added. 

I don't know who he is. But I hate how he claims me as his. To be treated like an object, it pisses me off. 

The chain around me started to tighten. Seems like he didn't like what I just said. 

Suddenly, I felt very hot hands clasping my neck - choking me. Unlike earlier, even just a bit, I could not breathe at all. I feel like losing consciousness any second now. 

"You. Have. No. Choice." He shouted. "As an omega, you will never have a choice! You will belong to someone, and that someone will be ME... 

...I am you destined mate!" 

"HAH!!!" Napabalikwas ako ng bangon. Hingal na hingal pa ko dahil sa napanaginipan ko. 

Parang kay tagal na nang huli akong dinalaw ng nagpapakilalang mate ko daw sa panaginip ko. Hindi ko pa siya nakita. Kahit kailan hindi siya nagpakita. Ang tanging alam ko lang ay ang boses niya na para bang laging galit. 

"Nik, okay ka lang?!" 

Napatingin ako kay Pier na tila nag-aalala sa akin. Nandito nga pala kami sa classroom at mukhang nakaidlip ako sa kalagitnaan ng klase. 

Ngumiti ako at dali-daling tumango. "O-Oo, okay lang." 

Ano kayang dahilan at napanaginipan ko na naman iyon? Sa naman ay wala iyong masamang ibig sabihin. 

Maya-maya ay natapos na ang klase. Napansin ko tumayo na si Pier kaya napatingin ako sa kanya.

"Teka, patapos na ang sinusulat ko." sabi ko sa kanya. 

"Sige na tapusin mo na, hintayin mo ko sa gate kukunin ko lang sa parking lot ang kotse. Alam mo na. Kapag ganitong araw at oras mahirap ilabas ang mga oto dahil sabay-sabay halos ang tapos ng sched ng mga uni students." Paliwanag niya. 

"Oo nga. Di ka pa ba nasanay? Eh hindi ba may okay nga 'yung may kasama ka sa paglalabas ng kotse mo? Para din di ka nadadaan ng gate. At saka maaga tayong dinismiss ngayon. Baka 'yung ibang makakasabayan natin maya-maya pa maglalaq9basan." 

Napakamot siya sa ulo. "Kasi..." Napansin ko namula mukha niya. "May blind date ako mamaya." tila nahihiyang sabi niya. 

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. 

Hindi ko maintindihan kung bakit parang may tumarak na punyal sa puso ko nang marinig ko ang sinabi niya. 

"Kaya hangga't magagawa ko na maaga makauwi para makapag handa, gagawin ko. Pag naipit tayo diyan sa parking lot siguradong maiipit na rin tayo sa traffic." Paliwanag niya. 

Binalik ko ang mata ko sa whiteboard at pinatuloy ang pagkopya ko ng notes. Kung bakit kasi nakatulog pa ako. Eh di sana sabay na lamang kami bababa. 

"Hindi mo naman ako kailangan ihatid pauwi." Mahinang sabi ko pero tama lang upang marinig niya. "Dumiretso ka na sa inyo para makapaghanda ka na. Kayang-kaya ko na sarili ko." Pagkasabi ko noon ay tumingin ako sa kanya at ngumiti ng maliwanag. 

Pinilit kong maging makatotohanan iyong ngiti dahil ang totoo niyan ayoko rin naman talaga makaabala sa mga gusto niyang gawin. Ang dami-dami ko ng utang na loob sa kanya, ayokong maging dahilan at maging balakid sa love life niya. 

"You know I'll never do that, right?" Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. I almost purred. "Kapag hinayaan kita umuwi mag-isa baka ako lang din ang magsisi dahil sigurado di ako makakapagfocus sa date ko, thinking if you actually got home safe. I'd rather see you home myself." 

Nakaramdam ako ng nalungkot sa sinabi niya. Para kasing obligado siya sa panatilihin ako ligtas dahil ipinangako niya iyon sa'kin. He doesn't have to feel that way. Naguguilty tuloy ako since he can't have normal social life because of me. Because of how I am scared of other people. 

He doesn't have that many friends since he's always with me, trying to protect me. 

"Alam mo naman sigurong nauubos ang oras mo sa pagpapaliwanag no?" I told him and started taking notes again. "Mauna ka na. Hintayin kita sa gate kasi patapos na rin naman ako dito." 

"I'll see you, then." Wala nang paligoy-ligoy na sabi niya at nagmamadaling lumabas ng classroom. 

Ayoko sanang magpahatid talaga pero ayoko din naman makipag-argumento pa sa kanya. Alam ko naman na ipagpipilitan niya na ihatid ako. Mas masasayang lang oras niya. Gusto ko din naman siya maging masaya. At kung ang magiging partner niya ang makakapagbigay ng kasiyahang iyon, I'll be more than happy to help Pier. 

Will he be still the same kung magkakaroon siya ng karelasyon? 

What if pag nagkalover siya, siya na ang iprioritize ni Pier? What will happen to me? Bullied? 

I shook the thought out of my head. 

I believe in Pier. Hindi niya ko pababayaan. 

After five minutes natapos ko na din ang pagsusulat sa notes ko. Kung di lang mahalaga, di ko naman pag aaksayahan ng oras na sulatin to eh. 

Alam ko sa ngayon nasa parking lot na si Pier para makipag-unahan na ilabas ang kotse niya. Mahirap kasi talaga pag ganitong araw, 'yung sched ng labasan ng mga students pare-parehas kaya ang sikip sa parking lot. May times pa na nagkakabuhol buhol kasi hindi organize ang pamamalakad dun. Dagdag mo pa na nagpapataasan ang mga ego walang gusto magpalamang. Itong university kasi namin ay school para sa mayayamang nilalang. Even betas are wealthy. Baka nga ako lang hindi. Ewan. Kaya 'yun, lamangan sila. 

Nang matapos akong mag-ayos ng gamit, lumabas na ko ng classroom para pumunta at hintayin sa gate si Pier.

Habang papalapit sa hagdanan, nakaramdam ako ng kaba ng mapansing may tatlong lalaking studyate na nakatambay sa hagdan na dadaanan ko. Nagtatawanan ang mga ito at di pa ako napapansin. 

Tutuloy ba ko? 

Pwede naman sa ibang hagdanan ako dumaan kaso ito 'yung may pinakamalapit sa gate. 

Ilang segundo pa akong nag-isip bago napagdesisyunan na sa ibang hagdan nalang ako dadaan. Malayo man pero magmamadali na lamang ako. 

Kasi hindi ko kaya. Wala man silang intensyon o meron, pero natatakot talaga ako sa kanilang lahat. Lalo pa at tahimik din sa floor na ito. Mukahng kami-kami lang ang nandito. 

Bago ako tumalikod nagtama ang mata namin noong isa doon sa tatlo. 

Kahit walang ginagawa, biglang bumilis ang puso ko sa sobrang takot. Nagmadali ako maglakad pero may biglang narinig ako. 

"Hindi ba 'yun iyong omega ni Pier?" 

Lalo akong nahintakutan at halos tumakbo na dahil sa narinig ko. 

No, hindi ako omega ni Pier. Pero ako lang 'yung nag-iisang omega na palagi niyang kasama. Alam ko sa sarili ko na ako 'yung tinutukoy nila. 

Mas lalo akong nahintakutan nang may marinig ako mga yabag na sumusunod sa'kin. 

Lumingon ako sa kanila at mas binilisan ang takbo nang makitang nakangisi silang sumusunod sa akin. 

Pagkababa ko ng hagdan alam kong maaabutan na nila ako kaya di ko na napigilang mapasigaw.

 "T-Tulong---" 

Bago pa man ako makasigaw nahila na ako ng isa sa kanila at maagap na tinakpang bibig ko gamit ang kamay niya. 

Nanginginig ang buong katawan ko sa sobrang takot. Napansin kong pinag gitnaan pa ako ng dalawa kaya parang nakapalibot sila sa akin. 

Pier, tulungan mo ko!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status