“Mukhang pinaghandaan mo talaga ang gabi na ito, ah,” nakangiting sabi ni Don Carlo habang pinagmamasdan si Patrisha na inaayos ang laylayan ng kanyang damit.“Lagi naman po akong handa, Lolo,” natatawang sagot ni Patrisha.“But you do look a little different tonight,” komento ng matanda, bakas ang katuwaan sa mukha nito.“Different how?”“Mas maganda ka ngayon. Mukhang excited ka sa date ninyo ni Benjamin.”Napailing si Patrisha habang natatawa. “Lolo naman! It's just a date.”“Wala namang masama roon, Hija. In fact, I'm happy that you're finally giving Benjamin a chance. Mabait na bata iyon, at kilala ko ang pamilya niya.”“Alam ko naman po, Lolo.”“Good. I hope you two get along well.”Napangiti si Patrisha sa tuwa ng kanyang lolo. Halata naman kasing natutuwa ito sa nalalapit nilang pagkikita ni Benjamin.
Read more