Hindi naging madali para kay Patrisha ang mga sumunod na araw. Dahil mula nang magsimulang tumulong siya sa pamamahala ng resort, sunod-sunod na ang mga gawaing kailangang asikasuhin. May mga dokumentong kailangan niyang basahin at pirmahan, mga department head na kailangang makausap, at mga desisyong hindi niya basta-basta maaaring ipagpaliban.Bagama't may ilang bagay pa siyang kailangang pag-aralan, unti-unti na siyang nasasanay sa bagong responsibilidad. Malaking tulong din ang mga paliwanag ni Mr. Ramirez, na matiyagang gumagabay sa kanya sa bawat hakbang.Ngunit hindi lamang ang mga gawain sa resort ang dahilan kung bakit halos wala na siyang oras para magpahinga.Madalas na rin niyang makasama si Benjamin.Bilang mayor ng bayan, may ilang proyektong nais nitong isulong na may kaugnayan sa turismo sa El Nido. Dahil kabilang ang resort ni Don Carlo sa mga establisimyentong maaaring makinabang sa mga proyektong iyon, naging madalas ang pagbisita nito
Read more