Ngayon, inalis ni Thea ang Mind Control Art sa mga halimaw na ito at pinakawalan sila mula sa kontrol ng Chancellor. Pagkatapos niyang magmura, tumingin sa malayo ang Chanceller ng may seryosong ekspresyon. “Hmph, magpakasaya kayo hangga't kaya niyo! Sa oras na mamatay si James, walang makakatakas sa inyo.”Hindi nataranta ang Chanceller. Iyon ay dahil siya lang ang tanging nakakaalam ng daan palabas sa Cursed World. Isa pa, napakalakas ng Curse Power dito. Sa ganitong klaseng mundo, walang makakatalo sa kanya. Pagkatapos alisin ni Thea ang Mind Control Art sa ilang mga halimaw, pansamantalang huminto ang umaatikabong labanan. Ang lahat ng mga tingin ay nakapako kqy James at sa hukbo ng apat na raang libong malalakas na mga cultivator. Sa sandalong iyon, sumulpot si James sa harap ng Twelve Furies. Habang hawak ang Divine Sword, tumingin siya sa kanila at tinutok ang espada sa kanila. Lumipad sa ere ang napakalakas na Sword Energy, at sinabi niya ng may seryosong ekspresyon, “
Read more