All Chapters of DSS: TRAP: Chapter 11 - Chapter 17
17 Chapters
11.Revelation
THIRD PERSON'S POV"Welcome home honey!" Salubong ni Don Arthur sa asawang si Donya Eloisa."It's good to be back honey, there is no other place like home," aniyang iginala ang paningin sa kabuuan ng mansion. Wala pa rin iyong ipinagbago. "Magpahinga ka na muna. See you later honey, may importante akong meeting today," paalam niya sa asawa."Don't worry I'll be fine," tugon naman ng donya.Ang totoo n'yan umuwi lang talaga ang donya dahil sa report ng private investigator niya na may lead na siya sa napakatagal nang paghahanap sa kaniyang panganay na anak. Hindi alam ng Don ang ginagawa naiyang patuloy na pagpapahanap sa anak dahil pagbabawalan lamang siya nito. Naapektuhan kasi ang kaniyang kalusugan nang walang tigil siyang naghahanap noong bago pa lamang na nawala ang bata. Hindi na raw kakayanin ng Don kung pati siya ay mawala pa kaya ipinadala sila nito sa Amerika para maiwas sa stress. Ayon pa sa Don ay siya na raw ang bahalang maghahanap sa nawawalang anak. Ngunit lingid sa kaa
Read more
12.Love conquers all
VIOLET POVDalawang araw na mula nang ikulong ako rito, hindi ko malaman kung ano talaga ang binabalak ng Alpha sa akin. Laging may kausap sa cellphone ang mga lalaking nagbabantay sa akin. Naulinigan kong parating na ang isa sa mga founder ng grupo kaya kinakabahan ako, paano kung pati si Alex ay pinatay na rin nila? Siguradong hinahanap rin siya ng mga ito.Hindi ako nagkamali, mamaya pa ay narinig ko ang mga ugong ng sasakyang palapit.Bahagya akong sumiksik sa gilid. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay tinakasan na yata ako ng tapang, o sadyang wala lang akong lakas dahil halos dalawang beses pa lamang akong kumakain mula nang dalhin ako sa lugar na ito. "Lucy!" malakas na bulyaw ng isa sa mga nagbabantay sa amin saka lumapit at pahablot akong itinayo. Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod lang sa agos. Nanghihina ako at masakit na rin ang katawan ko dahil sa pagkakatali ng mga kamay at paa ko."Kakausapin ka ni boss!" aniyang kinaladkad ako palabas ng bodega. Nasilaw ako sa li
Read more
13.Finally found
THIRD PERSON POV "Are you sure about this?" hindi pa rin makapaniwala ang Don sa ibinalita ng asawa. "Yes, of course! My private detective finally found our daughter!" bakas sa tinig ng Donya ang tuwa at excitement. "I know you have not given up sa anak natin, ako man ay umaasa pa rin na mahanap s'ya," tugon naman ng Don sa asawa. Hindi nga ba't itinayo pa niya ang Alpha para pagbayarin ang mga kumidnap sa anak nila?Nang mahuli ang mga kidnapers ay ibang mga bata ang hawak ng mga ito. Hindi rin nila sigurado kung isa nga si Ariah sa mga batang kinuha nila. Hanggang sa unti-unting naglalaho ang mga nahuhuling miyembro ng sindikatong iyon, para bang mayroon talagang humahadlang para mahuli ang pinuno nito. Wala ring nagawa ang mga awtoridad nang mga panahong iyon kaya siya na mismo ang gumawa ng paraan para magbayad ang mga taong iyon.Maagang dumating and mag-asawang Arthur at Eloisa Chavez sa bahay ampunan ng San Juaquin. Kapwa sabik mayakap ang matagal na nawalay na anak.Dala ang
Read more
14. Home
Nang tuluyang gumaling at umuwi na sa kanilang mansion si Alex ay umuwi na rin sa mansion ng mga Chavez si Violet. Hindi pumayag si Donya Eloisa na hindi siya nito ma-uwi sa kanilang tahanan. Sabik na sabik ang Donya na makasama ang kaniyang anak na nawalay ng napakatagal."Mama ang itawag mo sa akin," nakangiting wika ni Eloisa sa anak nang mapansing asiwa pa rin ito at minsan ay tinatawag pa siyang 'maam'. "Masanay ka na iha," anito at saka hinaplos ang kaniyang mahabang buhok. Kasalukuyan itong nasa silid niya. Naka-upo siya sa harap ng salamin habang dahan dahang sinusuklay ng kaniyang ina ang kaniyang buhok."Oho, M-mama," tugon ng dalaga kahit naninibago pa. Napakasarap pala ng pakiramdam nang mayroon kang matatawag na Mama, sa loob-loob ng dalaga."Darating sa susunod na linggo ang kapatid mo, excited na siyang makita ka anak," balita ng butihing ginang sa dalaga.Kahit paano ay natutuwa siya, hindi lang pala magulang ang mayroon siya. May kapatid din siya. Tila unti-unting lu
Read more
15.Last/lust night
Kinausap ni Violet ang ama nang masigurong nakapasok na ang ina sa silid."What's wrong?" simula niya. Alam niyang malaking problema ang bumabagabag dito."I want you to stay away from this, pero sasabihin ko pa rin sa'yo dahil alam kong hindi ka titigil hangga't hindi mo nalalaman ang totoo," tugon nito."Anak, magkakaroon na ng katarungan ang pagkaka-kidnap mo noon," kuwento nito."Pero hindi ganoon kasimple, alam mong napakadelikado ng Alpha. Hindi ko kontrolado ang lahat dito," aniya."Ano naman ang kinalaman ng Alpha sa mga dumukot sa akin?" kuwari ay tanong ng dalaga pero nakukuha na niya ang punto ng ama."My partners, sila ang pinuno ng sindikatong kumikidnap ng mga bata noong panahong mawala ka, hinihintay ko lang ang confirmation from my source para masigurong may kinalaman nga sila sa nangyari sa'yo noon," paliwanag nito."Hindi ako magdadalawang-isip na buwagin ang Alpha para sa kanila," banta ng kaniyang ama. Maraming koneksyon sa gobyerno ang ama kaya balewala lang sa kan
Read more
16.Sweet Goodbye
Kanina pa paikot-ikot doon ang mga tauhan ni Don Arthur. Hindi sila makapasok sa subdivision kung nasaan si Violet. Nangako pa naman sila sa amo na hindi pababayaan ang anak nito. Nagkasya na lamang silang bantayan ang gate ng subdibisyon kung saan naroon ang bahay ni Alex habang naroon si Violet. Siniguro nilang hindi makakapasok ang grupo ng kalaban sa loob. Mahigpit ang seguridad dito kaya kampante silang naghintay na lamang sa labas."Violet!" si Alex nang bigla siyang yakapin ng nobya. Hawak kasi niya sa magkabilang kamay ang bote ng inumin. Beer pa nga iyon dahil iyon na lamang ang natira sa ref."Hmm.. Do you think we should try to make here?" tila nang-aakit na tugon ng dalaga."Seriously?" hindi makapaniwalang tugon ni Alex sa nobya. Parang kakaiba kasi ito ngayon, masyadong hot."Yes, why not?" muli nitong inilapat ang hubad na katawan sa katawan ng nobyo. Bahagya naman siyang itinulak ni Alex sa isang sulok ng counter saka inilapag ang hawak na inumin doon. Niyakap siya nit
Read more
17.New life
"You may now kiss the bride," deklara ng pari hudyat na tapos na ang seremonyas ng kasal.Hinawi ni Alex ang belong tumatakip sa mukha ng nobya saka marahang hinalikan sa labi. Sigawan at palakpakan ang tanging maririnig sa paligid."I love you," masuyong bulong ni Alex sa nakangiting nobya na ngayon ay asawa na."I love you too," tugon ni Ariah habang nakatitig sa asawa. Muli siya nitong h******n kaya muling nagpalakpakan ang mga taong dumalo sa kanilang kasal. Naroon si Mia na masayang masaya para sa kaniyang kuya at Liah na proud naman sa kaniyang Ate.Sa lahat ng pinagdaanan at nalagpasan ni Ariah ay daig pa nito ang nagkaroon ng pangalawang buhay. Tila nagising siya nang araw na iyon sa isang bangungot. Sa mahabang pagkakakulong niya sa ICU ay pawang masasamang ala-ala ang dumalaw sa kaniya. Naririnig niya ang paligid at mga taong naroon para sa kaniya ngunit hindi siya makagalaw kaya tanging luha ang sagot niya sa mga pakiusap ng mga ito. At ang araw na maigalaw niya ang kaniyang
Read more
PREV
12
DMCA.com Protection Status