Semua Bab PAUL VINCENT SOHN (Wild Men Series #38): Bab 21 - Bab 30
48 Bab
Chapter 20
C20 WMS#38 “Ibaba niyo ang mga baril niyo!”“Pero Boss,”“Ibaba niyo sabi!” Malakas na sigaw ni Jeffrey sa mga lalaking nakapalibot sa amin.Binaba naman nila ang kanilang mga baril. Habang hindi ko pa rin ibinaba ang hawak kong baril at nakatutok pa rin ito sa kanya.“Hindi mo ako kalaban kaya ibaba mo na ‘yan.” kunot-noo niyang wika. Medyo nakakapanibago rin ang kanyang ugali dahil biglang naglaho ang Jeffrey na nakilala namin na laging nakangiti.“Kung nagtataka ka, kung bakit kilala kita.” Umiling naman siya habang nakatingin pa rin sa akin.“Businessman ako, bawat taong lumalapit sa akin ay kini-kilala ko, higit sa lahat hindi ako bobo.” Sh!t baka totoo nga ang hinala ko na isang member ng Mafia ang lalaking ‘to.“Hindi ko sinabing bobo ka!” sagot ko naman sa kanya. lumingon naman siya sa akin at ngumisi.“Ito, ang ginagamit namin kaya kami yumaman nang husto, alam kung meron ka rin nito.” Aniya habang nakaturo sa kanyang noo malapit sa kanyang utak. Mukhang lasing na ito dahil
Baca selengkapnya
Chapter 21
C21 WMS#38 “Kanina ko pa yata napapansin na hindi ka mapakali, ano ba ang problema?” Nag-angat ako nang tingin kay Alma dahil sa kanyang tanong.“Ilang araw ko na kasing hindi makontak si Donie,” sagot ko sa kanya.“Baka busy lang, kilala mo naman si Major,” “Hindi eh, iba talaga ang pakiramdam ko,”“’Wag mo na siyang isipin Captain, baka kasi busy lang talaga,” ngiting wika sa akin ni Aiane. “Siguro nga,” Ani ko habang nakatingin pa rin sa aking phone. Naisipan ko namang tawagan si Tita Adeline mamaya kapag nahuli na namin ang minamanmanan naming terrorist.“Mukhang maganda yata ang mood mo ngayon?” Napatingin naman ako kay Aiane dahil sa sinabi sa kanya ni Alma.“Oo nga Cruz, inlove ka ba?” ngiting tanong ko habang panay pa rin ang pagtingin ko sa babaeng nasa unahan namin. Ayon sa amig source ay asawa ito ng isang Kumander nang kilalang terrorist group.“Sa totoo lang, matagal ko na siyang gusto,” Nilingon ko si Aiane dahil sa kanyang sinabi.“Alam ba niya na gusto mo siya?” ta
Baca selengkapnya
Chapter 22
C22 WMS#38 “Good morning Major,” Sumasaludo sila sa akin habang ganun din ang ginawa ko sa kanila. wala akong tulog kagabi dahil kinabisado ko ang mga pangalan nang mga taong madalas pumasok sa office ni Donie.“Bumalik ka na pala, hindi ka man lang nag-message.” Napalingon ako at nakita ko si Ligaya na kunot-noo akong tinitingnan. Simula noong pinasok ko ang mundo nang pagiging con-artist ay hindi ko pa naranasan na nakaramdam nang guilt sa mga ginagawa kong pagpapanggap, pero ngayon, bakit..bakit iba ang nararamdaman ko?“Hon,” Hindi ko pinapahata sa kanya ang kaba na nararamdaman ko habang nilapitan siya at hinalikan sa kanyang pisngi.Napatitig naman siya sa akin kaya muli akong humalik sa kanya pero sa labi na.“I’m sorry Hon, masyado kasi akong busy sa ginaw-.”“Busy?” Aniya habang hindi pa rin inaalis ang kanyang mga tingin sa akin.“Nakita ka ni Mommy kasama si Tita, dumating ka na pala, hindi ka man lang tumawag o nag-message man lang?”“As I said I’m busy.” Wika ko habang t
Baca selengkapnya
Chapter 23
C23 WMS#38FLASHBACKNapatitig ako sa pitong founder na nasa aming harapan. Minsan naman ay nililingon ko ang dalawang lalaki na nasa tabi ko. seryoso lamang ang kanilang mga mukha at wala ring imik. Napatingin akong muli sa aking harapan at isa-isang tiningnan ang kanilang mga mukha. Na check ko na rin ang kanilang mga profile kaya kilala ko na sila.Trace Dimagiba, isa siyang architect at CEO. May-ari ng isang contraction company. Siya rin ang head ng Foedus. Ang katabi niya naman ay si Lev Petrov, isa rin itong CEO at founder nang Foedus. Sa tabi niya naman ay si Elliot James Hart, isa itong lawyer at CEO. Sa tabi niya ay si Jake Mondragon. Isa itong doctor at CEO. Si Jake rin ang ricruter ko para makapasok sa Foedus. Tiningnan ko rin ang nasa tabi niya na si Jerusalem Mcbride, sikat itong Artista kaya hindi ko akalain na isa ito sa mga founder nang Foedus. Sa amo at pogi nitong mukha hindi mo akalain na isa itong Mafia.Sa tabi niya naman ay si Daxon Mueller, isa rin itong CEO. H
Baca selengkapnya
Chapter 24
C24 WMS#38LIGAYA POVHindi maalis sa aking labi ang ngiti habang nakahiga na ako sa kama. ngayon ko lang kasi naranasan na makasama si Donie nang matagal. Lagi kasi itong busy at halos wala na itong oras sa akin, pero naiintindihan ko naman siya. muli ko namang niyakap ang binili niya sa akin na stuff toys. ‘di ko maiwasang magtaka noong una dahil hindi naman siya mahilig bumili sa akin ng ganito. Dati kasi kung ituring niya ako ay para akong hindi babae. Para tuloy siyang si Paul minsan. Napatayo naman ako dahil sa naisip ko. sumandal ako sa head board ng kama at umiling, dahil imposible naman na si Paul ‘yong kasama ko. isa ba wala namang dahilan si Paul para magpanggap na si Donie. May asawa na rin at anak si Paul, kaya malabo na mangyari na siya ‘yon.“Ahh! Ano ka ba naman Ligaya! ano ba ‘yang iniisip mo?” Sigaw ko habang ginugulo ang aking buhok.Napatingin naman ako sa aking phone ng tumunog ito. Agad ko itong inabot at tiningnan kung sino ang tumawag.“Mom,” ani ko nang saguti
Baca selengkapnya
Chapter 25
C25 WMS#38Lumayo ako nang konti kay Ligaya nang makita ko ang tawa ni Keros, agad ko itong sinagot habang nakatingin pa rin si Ligaya sa akin.“Yes,” mahinang sagot ko rito.“I already found who’s the kidnaper of your brother,” wika ni Keros sa kabilang linya. sinabi ko nga ba, na kapag siya ang lapitan ko ay mabilis niyang mahanap ang kapatid ko.“Who?” Tanong ko habang nakakuyom ang isa kong kamao. Pinapangako ko na sa oras na malaman ko kung sino ang gumawa nu’n ay uubusin ko ang kanilang pamilya.“It’s was Henry Sevilla and James Sevilla, they are also a Mafia.” James Sevilla, sa’n ko ba narinig ang pangalan na ‘yon?“Ito pa, James Sevilla is the brother of your brother’s girlfriend, Ligaya Sevilla.”“W-what?” Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Keros. Nilingon ko naman si Ligaya habang may ngiti pa rin ito sa kanyang mga labi na tumingin sa akin.Damn why her?“Hey Paul, are you still there?” Tumalikod ako kay Ligaya at muling sinagot si Keros.“Yes,”“Hindi ka yata nag-iingat,
Baca selengkapnya
Chapter 26
C26 WMS#38Nang magising ako ay sinubukan ko ulit tumayo, pero masyadong mahigpit ang pagkatali nila ng kadina sa aking mga kamay.Namilog naman ang aking mga mata nang napansin na iba na ang suot kong damit at hindi na ang basa kong uniform.Sh!t! hindi kaya ako pinagsamantalahan nang hayop na ‘yon?Wala naman akong nararamdaman na kahit anong sakit sa aking gitnang hita kaya naging panatag ako na walang nangyari sa amin nang hayop na ‘yon. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit niya ako dinukot at bakit niya kausap si Daddy kanina. Hindi niya naman siguro ako ipatubos kay Daddy, dahil malalagot siya kay Donie kapag nalaman niya na ang walang hiya niyang kakambal ang dumukot sa akin. pero nasa’n siya? nasa’n na si Donie? Napatingin naman ako sa paligid at naghahanap nang pwede kong gamitin para makawala rito. Napahinto ako ng makita ang cctv camera sa dingding. Ang hayop pinapanood niya pala ako. tinitigan ko nang husto ang cctv dahil alam kong pinapanood n
Baca selengkapnya
Chapter 27
C27 WMS#38PAUL VINCENT POVFLASHBACK“Sa’n ka pupunta?” Nilingon ko si John John habang kinuha ko ang susi ng aking kotse.“May bagong bukas na Casino,” sagot ko naman sa kanya.“Oy, Casino? Sama ako.” Sinamaan ko naman nang tingin si Jeffrey dahil sa kanyang sinabi. “’Di pwede,” rason ko.“Saan ba ‘yan?” muli namang tanong sa akin ni John John.“Malapit sa Military Base,” sagot ko.“’Yong Lucky Casino? Sa Clark ‘yon.” Napatingin naman ako kay John John dahil sa kanyang sinabi.“Paano mo nalaman?” Itinaas niya naman ang kanyang laptop kaya nailing ako sa kanya.“Pasamahin mo na ako Dude.” Tinanggal ko naman ang kamay ni Jeffrey dahil para itong bata kung makahawak sa aking braso.“Do’n ka na lang sa bar mo, mag-e-enjoy ka pa,” ani ko habang tinalikuran sila. Tsk. . . mukhang marami na naman akong makukuhang pera sa Casino na ‘yon. Napangisi ako habang sumakay ako sa kotse.Nang makarating ako sa Casino, agad akong pumasok. Pinagmamasdan ko muna ang paligid at ang mga taong naglalaro
Baca selengkapnya
Chapter 28
C28 WMS#38FLASHBACKPAUL POV“Bakit hindi mo subukang pumasok sa Foedus?”“Foedus? Ano’ng meron do’n? magkaka-pera ba ako ro’n?” biro kong tanong kay Indigo.“Ul*l!” Napahalakhak ako dahil sa kanyang sinabi. Mula nang mahuli niya ako ay lagi na akong pumunta rito sa Casino niya. hindi ko na rin ako nandaya dahil bantay sarado ako nang mukong na ‘to.“Ano sasali ka ba?” Tumango ako sa kanya, dahil naririnig ko na rin ang Foedus. Ito ay isang organization, base rin sa nabalitaan ko they build friendship power and brotherhood.“Mayaman ka ba?” “G*go! Ano bang tingin mo sa’kin?” malakas naman siyang humalakhak dahil sa sinabi ko sa kanya.“Sigurado ka na ba? ano ba ang matindi mong dahilan bakit gusto mong pumasok sa Foedus?”“I know that Foedus is a top-ranking organization, kaya alam kong makakatulong ito sa akin, lalo na sa illegal business ko.”“Well, tama ka, pero dapat mong malaman na kapag sumali ka rito ay hind ka na pwede pang umatras, at lalong hindi ka pwedeng umalis, pero pwe
Baca selengkapnya
Chapter 29
C29 WMS#38 PAUL VINCENT POV“Kumusta siya?” tanong ko kay John John habang umupo ako sa sofa.“Sa kwarto,” balewala niyang wika. Naisipan ko namang tumayo at puntahan si Ligaya sa kwarto.NANG buksan ko ang pinto ay napatitig ako sa kanya habang maladkit ang kanyang mga matang tumingin sa akin. namumugay ito at parang nang-aakit.“Anong nangyari sa ‘yo?” taka kong tanong sa kanya habang nilapitan ko siya.“Hindi mo ba ako gusto?” ngiting tanong niya habang tinitigan ako mula ulo hanggang paa.Damn! Ano bang nangyari sa kanya.“Hon, maganda naman ako ‘di ba? alam mo bang sexy rin ako!” hindi ko mapigilang magtaka dahil sa sinabi niya sa akin. nakalimutan niya ba na hindi ako si Donie?“Ano ba ‘yang pinagsasabi mo?” kunot-noo kong tanong sa kanya.“Ang init Hon, lumapit ka sa akin….” sh!t! ano bang ginawa ni John John sa kanya? akala ko ba nagkaka-intindihan kami bago ako umalis?Nilapitan ko si Ligaya at tinanggal ang mga kadena na nasa kamay at paa niya.“Fvck!” bulaslas ko nang bigl
Baca selengkapnya
Sebelumnya
12345
DMCA.com Protection Status