**Third Person** "Welcome back to the Philippines, sir," salubong sa kaniya ni Tiara, isa sa mga tauhan niya, tulad ng dati. Sa tuwing umuuwi si Demetri, si Tiara ang palaging naroon. Ngunit kahit matagal na silang magkatrabaho, ni minsan ay hindi pa niya ito nasilayan na ngumiti o narinig na tumawa. "How's Italy, sir?" tanong ni Tiara sa karaniwan niyang seryosong tono. "Boring..." sagot ni Demetri habang papunta na sa sasakyang naghihintay upang ihatid siya sa penthouse. Bagamat dapat ay dalawang linggo siya sa Italy, nagpasya siyang umuwi nang mas maaga. Hindi na siya ang dating Demetri na aliw na aliw sa kagandahan ng mga Italiana, na dati’y nagpupunta roon upang makipaglaro ng apoy sa kanila. Ngayon, si Snow na lang ang nasa isip niya, ang kanyang asawang labis niyang kinasasabikan. Dahil sa matinding pangungulila, nagpasiya siyang bumalik agad ng Pilipinas. Ngunit higit pa sa pangungulila, naroon din ang tampo at inis niya kay Snow. Bihira itong sumagot sa mga tawag at mens
Terakhir Diperbarui : 2025-01-18 Baca selengkapnya