All Chapters of Fortalejo Series 2: The Meticulous Fortalejo: Chapter 21 - Chapter 30
45 Chapters
Kabanata 20
ILANG ARAW na hindi umuwi sa mansion si Aiha. Sa kaniyang Tiya Sabel siya umuuwi. Kinuwento niya sa kaniyang tiya ang pangyayari kaya ay naintindihan siya nito. "Eneng, hindi ko talaga inakala na magagawa sa iyo 'yon ni Senior Fortalejo. Mabait naman siya at hindi gahaman sa pera. Si Mina nga at Nigoel ay nagawa niyang tanggapin kahit na niloko siya ng mga ito. Hays, hindi ko makuha bakit ganoon niya na lang tratuhin ang iyong relasyon kay Weiss," anang Sabel habang binabanlawan ang mga damit na nakuso na. Malungkot lamang na huminga si Aiha. Namimiss niya ang kaniyang nobyo at tanging sa chat na lamang niya ito nakakausap. "Hindi ko rin alam, Tiya Sabel. Hinahangaan ko pa naman siya dahil nga ay tinitingala siya ng lahat. Akala ko rin na kaya niyang tanggapin ang relasyon namin ni Weiss," sambit ni Aiha.Umiling ang tiyahin niya. "Naku, Aiha. Hayaan mo na at magmadali ka na lamang diyan. Wala tayong magagawa kung iyon ang trato ni Senior Fortalejo sa inyo ni Weiss sa ngayon. Umasa
Read more
Kabanata 21
MATAPOS ANG kanilang masayang hapunan kasama ang mga butler at mga maid ay tumungo na sila sa silid ni Aiha. Susulitin ni Weiss na makasama ang babaeng mahal niya habang wala ang kaniyang Abuelo.Tinitigan niya si Aiha at naulungkot siya nang maisip niya ang damdamin ng babae. Alam niya na ang hirap ng sitwasyon nito. Hindi ito matanggap ng kaniyang Abuelo dahil sa estado na kinalalagyan nito. Sana ay makita ng pamilya niya ang nakikita niya kay Aiha. Kumg puwedeng ibigay nga niya ang sariling mga mata niya sa pamilya niya ay ginawa niya na iyon para lang makita nila kung gaano kabuting tao ang babaeng kinaaayawan nila."Bakit ganiyan ka makatitig?" tanong ng babae sa kaniya. Tumayo siya at lumapit siya kay Aiha. Yumuko siya at niyakap niya si Aiha na abala sa pagpunas sa mukha upang alisin ang dumi at ang kaunting kolorete na nilagay niya kanina. "Bawal bang pagmasdan ang babaeng mahal ko?" tanong nito sa babae sa halip na sumagot sa tanong nito. Ngumiti lang si Aiha.Tinapon ni A
Read more
Kabanata 22
NAGSISIMULA NA siyang pumirma ng mga papeles na pinadala ng ibang mga investors. This was the end of their contact with Andromeda but still would love to request a renewal. Sila na ang humahabol sa Andromeda ngayon. Hindi kasi basta-basta ang may hawak ng kompanya. Si Weiss kasi ay isang magaling na business partner. Hindi niya hahayaan na siya lang ang makakakuha ng benefits mula sa investors niya. Para sa kaniya ay dapat na pantay ang nakukuhang benepisyo ng kompanyang hawak niya at ng mga investors nito. Gusto ni Weiss na aangat siya kasabay ang mga taong puno ng tiwala sa kaniya at sa kompanya. Pumasok ang kaniyang sekretarya at lumapit ito sa kaniya. Inangat niya ang titig niya rito at binigyan niya ito ng titig na nagbibigay ng permisyon na makapagsalita. "Sir, nasa labas po ang nobya niyo. Hindi ko na pinapasok because you told me to consult to you before I let someone in," sabi nito sa kaniya.Natuwa si Weiss sa narinig niya. Kahahatid pa lamang niya kay Aiha kanina pero nan
Read more
Kabanata 23
UMUPO SIYA sa tapat ni Senior Fortalejo. Ang sabi ni Weiss sa kaniya ay mawawala sa loob ng dalawang araw ang matanda pero nandito ito ngayon at siya pa ang umupo sa upuan ng guidance counselor. Matalim na nakatitig sa kaniya ang matanda. Kinagat niya ang kaniyang ibabang labi. Alam niya kung ano na naman ang sasabihin ng matandang ito sa kaniya. Hindi na siya umasa pa na may mabubuting salita itong sasabihin dahil ayaw nito sa kaniya. "Ibang klase ka, Aiha. Napakatigas ng ulo mo at isa ka pang mapanakit na tao. Ngayon paano kaya kita matatanggap para sa apo ko? You are really showing that you don't deserve any chance from me!"Inangat ni Aiha ang tingin niya sa matanda. Lumunok siya. Ang alam niya ay nandito ang matanda para ayusin ang sigalot sa pagitan nila ni Miss Agustin at hindi para pagsabihan siya ng kung ano-ano pang malayo na sa problema nila ng babaeng iyon. Masyadong malayo na ang pinagsasabi ng matanda sa kaniya."Nandito ako para ayusin ang problema ko kay Miss Agustin
Read more
Kabanata 24
HINALIKAN NG lalaki ang kaniyang noo kaya ay binuksan niya ang kaniyang mga mata. Bumungad sa kaniyang mga mata ang malapad na ngiti ng lalaki."Good morning, Beautiful," bati ng lalaki sa kaniya. Ngumiti siya at kinusot niya ang kaniyang mga mata. "Good morning," bati niya pabalik sa lalaki. Tumayo ang lalaki at inayos nito ang sarili. Naamoy niya ang halimuyak ni Weiss. The man's perfume was strong but sweet.Napaayos siya ng pag-upo nang mapansin na basa ang buhok ng lalaki at nakasuot na ito ng pang-opisina na damit.Lumingon sa kaniya ang lalaki. Napakaguwapo ni Weiss para hindi tumibok ang puso niya nang muli na naman itong ngumiti sa kaniya. Her heart was pounding swiftly. Tumingin sa relo na nasa likod ng pulsuhan niya ang lalaki. Humakbang papunta sa kaniya si Weiss at lumuhod ito sa kama. Muli siya nitong hinalikan nito. Nahiya pa siyang gumanti sa paghalik dahil ay hindi pa siya nagmumog pero pinasok ng dila ni Weiss ang loob ng bibig niya kaya ay wala na siyang magawa
Read more
Kabanata 25
GABI NA pero hindi pa siya umuwi sa condo. Pinatay niya ang kaniyang smartphone upang hindi siya matawagan ng kahit na sino. Gusto niya munang mapag-isa. Ayaw rin niya munang marinig ang boses ni Weiss dahil baka tuluyan siyang lamunin ng kaniyang konsensiya.Ilang oras pa siyang nagtagal sa park bago niya naisipan na umuwi. Pinasok niya sa account niya ang pera na natanggap niya kapalit nang paglayo niya kay Weiss. Mabuti na lang dahil pinayagan siya ni Senior Fortalejo na makasama muna si Weiss sa loob ng isang linggo bago niya ito tuluyang iwan. Huminga siya nang malalim dahil sa mabigat niyang pasanin. Tuluyan siyang umuwi sa condo. Nang makarating siya ay nakita niya ang kaniyang nobyo na nasa sala. Naka-upo ang lalaki sa ibabaw ng sofa at nakakunot ang noo nito. Halatang wala sa mood ang lalaki.Puwersa siyang umiling at agad siyang tumungo sa kaniyang nobyo. "Kamote!" panggugulat niya sa kaniyang nobyo. Wala sa mood ang lalaki kaya ay hindi man lang ito nagkaroon ng kahit
Read more
Kabanata 26
NAPABUSANGOT SI Weiss nang makita ang mukha ng kaniyang Abuelo. Pumasok sa opisina niya ang matanda. Hindi niya kayang alisin sa kaniyang isipan ang masasamang mga salita na sinabi ng Abuelo niya sa kaniyang kasintahan. "Won't you greet your Abuelo a good day, Weiss? Bawal ang nakasimangot kung umaga pa lang. Malas iyan sa negosyo," sabi ng matanda.Maharang huminga nang malalim si Weiss. Tumayo siya at agad niyang tiniklop ang folder na na hawak niya. Isa itong proposal mula sa isang gustong mag-invest sa Andromeda. Gusto nitong maging parte ng kompanya ni Weiss at kaniyang pinag-iisipan kung ano ang gagawin niya rito. "Kung babastusin mo lang din si Aiha at sisirain siya sa akin ay mas mabuti na lang na umalis kayo, Abuelo. Marami akong iniisip ngayon at sana ay huwag niyo muna akong gambalain pa," sabi niya sa matanda.Humalakhak ang Abuelo niya at agad itong umupo sa sofa na nasa harap ng kaniyang table. Dumequattro ang Abuelo niya habang nakahalukipkip itong nakatitig sa kaniya
Read more
Kabanata 27
HINDI NIYA mapigilan ang mapangiti dahil tumakbo sa isipan niya ang sabay nilang paghakbang ni Aiha habang nilibit nila ang park. Ngayon ay gusto niyang isurpresa ang babae. Gusto niyang dalhin ang babae sa private resort na binili niya noong nasa kolehiyo pa lamang siya. "Bebs, ano ang gusto mong gawin natin? We still have five days to do some things together," sabi niya sa dalaga.Tinitigan lang siya ni Aiha. Ilang saglit ang lumipas ay tumingala ang babae at tila ba ay nag-iisip. "Depende sa iyo. Parang hinanda mo naman yata ang lahat ng mga bagay na gagawin natin ngayong linggong ito."Inabot niya ang pisngi ng babae at inalis niya ang butil ng bigas rito. Kumakain sila ngayon. He realized that dinner was as tasteful as fuck when he and Aiha took it together. Magkaharap sila ngayon sa mesa habang patuloy lang na kumakain. Hindi na siya umuuwi sa mansion mula noong nandito na si Aiha. Ayaw niya na mawala sa paningin niya ang babae. Kung hindi lang niya iniisip ang trabaho niya
Read more
Kabanata 28
KINAUMAGAHAN AY tumungo siya sa ospital kung saan sinugod si Weiss. Pumunta siya sa nurse station at agad siyang nagtanong kung saan ang room ni Weiss. "Good morning po. Nasaan po ang room ni Mister Lorden Weiss Fortalejo?" agad niyang tanong sa nurse na dumungaw sa maliit na butas. "Ano po ang pangalan nila?" sa halip na sumagot ay tanong ang sinambit nito sa kaniya."Aiha po. Kaihannah Kaguran," sabi niya. Nakita niya na nagtinginan ang mga nurse. Hindi mapakali ang mga ito. Mapait siyang ngumiti sa kanila. Alam niya na kagagawan na naman ito ni Senior Fortalejo. "Ma'am Aiha, pasensiya na po talaga. Hindi po kami puwedeng sumuway sa gusto ng pamilya ng mga pasyente namin dito. Pinagbabawal po kasi na dumalaw kayo kay Mister Fortalejo," sabi ng nurse.Tumango siya at patuloy lamang siya sa pagngiti nang sapilitan. Lumunok siya. Ayaw niyang umiyak dito kaya ay huminga siya nang malalim at kinagat niya ang kaniyang ibabang labi. "Naiintindihan ko po," malungkot na sabi lamang niy
Read more
Kabanata 29
HINILA NIYA papasok sa silid na tutuluyan niya ang kaniyang maleta. Nasa Davao na siya ngayon. Napagod siya kaya ay hindi na siya nag-atubili pang magpahinga na lamang. Ilang oras na ang lumipas mula nang lumabas ang araw bago siya nagising. Ngayon ay nakalublob ang katawan niya sa indoor pool ng Seda Abreeza. May iilang mga tao ang nasa paligid ng pool. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya dahil sa tubig na bumalot sa kaniyang katawan. Nasira ang tahimik na paligid nang lumapit sa kaniya ang isang estranghero."Hi, Miss," bati sa kaniya ng lalaki.Umirap siya at agad na lamang siyang lumangoy patungo sa malayo. Gusto niyang mapag-isa ngayon at ayaw niyang maabala."Umalis ka sa harapan ko ngayon kung ayaw mong sipain ko ang itlog mo," sabi ni Aiha sa lalaki.The man was handsome and has an athletic build but the only man she could bear was Weiss. Nakakalungkot nga dahil binalik na naman siya ng kapalaran niya sa katotohanan na ang layo ng agwat nila ng lalaki. Langit ang lal
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status