LOGINLorden Weiss Fortalejo is a well -known CEO of Andromeda. Perhaps his brother Nigoel Fortalejo had settled quietly in Spain with his family, and he was in turn assigned to manage their company. Even though he quickly grew the company again, there were still many rumors about the man. Despite his good looks, elegance and intelligence, his delicate disposition prevails. The man is meticulous in everything, his staff must work perfectly, no dust must hit his skin, he would rather not hear greetings from the staff, and he will not stay in a crowded place. No one despises contradicting the man’s wishes. Whoever intends to disobey his order is liable to the law he himself made. Others view him as more than standard because of his behavior. A provincial woman with a hope of overcoming poverty will test the meticulous CEO of Andromeda. She is Kaihannah Kaguran. With the entry of the provincial woman into Andromeda, the man's life will be chaotic. When the woman enters the mansion of Fortalejos, the man will be filled with annoyance. Will the result of the arrival of a provincial woman in his life be just an annoyance, or will love appear that The Meticulous Fortalejo cannot escape?
View MoreITO ANG alam niyang tama. Hindi niya kakayanin na mawala sa kaniya nang tuluyan si Aiha. Ginawa niya ang lahat para lang makarating sa lugar na ito. Bago sa kaniya ang paligid at hindi niya man lang alam kung makakalabas pa ba siya rito nang buhay. Tinuro lang sa kaniya ng ale sa daan kanina ang daan patungo kuno sa tinutuluyan nila Aiha ngayon. "Fuck the hell! Ano bang lugar ito?" tanong niya sa sarili niya. Pakiramdam niya ay nawawala siya. Napatitig na lang siya sa kaniyang puting damit na puno na ng putik. Katatapos lang kasi ng ulan kaya masyadong maputik ang daan. Nagtanong siya kanina sa daan kung makakapasok ba ang sasakyan sa loob pero pinagtawanan lang siya ng mga tao. He sighed. Napatingala siya. Para siyang maiiyak dahil sa takot na naramdaman niya.Kabaliktaran ng pagkatao niya ang nangyayari sa kaniya ngayon. Hinamak nita talaga ang sarili niya para lang makita si Aiha at makasama itong muli. Hindi pa nakauwi galing sa Morocco si Cleint kaya si Joseph ang ginawa niy
HE WAS missing her so much. Gayunpaman ay hindi niya hinamak na makipagkita o magkaroon ng komunikasyon sa babae. Sa totoo lang, gusto niyang hagkan si Aiha pero tiniis niya ito. Ayaw niyang mapahamak ang babae. He knew that Aiha might get hurt even more if he will confront the Toresses. Handa na siya ngayon na tumungo sa Andromeda. Nagulat ang mga stakeholders ng kompanya dahil bigla na lang siyang nagpatawag ng meeting. Nang nalaman niya ang plano ng nga Torres ay agad siyang nakapagdesisyon na magpa-emergency meeting. Hindi niya hahayaan ang mga ito na maisakatuparan ang masama nilang balak. Nasa loob pa rin siya ng kaniyang kotse kahit na nasa building na siya ng Andromeda. Kaniyang tinanod ang pagdating ng bawat stakeholders niya. He breathed heavily. Gusto niyang pakalmahin ang sarili niya. He was feeling deep anger towards the Torreses. Sa tingin niya nga kung hindi niya makontrol ang sarili niya ay masapak niya agad ang ama ni Kloudette. Pumitik ang ugat sa gilid ng ulo niy
NAGING SANDIGAN niya ang alak. Nakailang lata na siya ng beer habang naglalakad siya sa gitna ng maraming tao. Gabi na at mas dumami pa ang mga tao. Bakit ganoon? Alam niyang kasalanan niya dahil hindi niya inalam kung may sakit ba si Senior Fortalejo o wala. Pero parang sobra naman iyong ginawa ni Weiss at sinabi nito sa kaniya. Hindi siya manhid para hindi niya maramdaman na tuluyan na siyang pinaaalis ng lalaki sa buhay nito. Wala na siyang pinagkaiba sa mga manginginom sa kanilang lugar. Pagewang-gewang na siyang naglalakad ngayon at ang masahol pa ay hindi niya alam kung saan siya tutungo. Hindi niya maiwasan na masaktan. Nang gumawa siya ng isang hakbang ay pumatak ang luha niya. Nang sumunod niyang mga hakbang ay doon na tumodo ang pagpatak ng sandamakmak niyang mga luha.Gusto niya lang naman mailigtas ang lalaki at ang angkan nito mula sa kapahamakan pero pinaramdam ni Weiss sa kaniya na mali ang ginawa niya. Sinabihan pa siya ng lalaki na huwag nang makisali pa dahil probl
HE GULPED the drink from his cup. Inom sila nang inom ng Kuya Nigoel niya. Nakailang Jack Daniels na sila. Sa totoo ay medyo nahihilo na siya. "Basta ako, kahit na sino papakasalan mo ay susuportahan kita," sabi ng kapatid niya sa kaniya."Nasa loob ng kuwarto na iyan ang gusto kong pakasalan, Kuya," aniya at tinuro ang silid kung saan pumasok si Nigoel.Tumayo siya. Gusto niyang makatabi ngayon ang babae. Nagtatampo iyon sa kaniya dahil nagsinungaling siya rito. Inayos niya ang sarili niya. Susuyuin niya ang babae ngayon mismo. Ayaw niyang umabot pa bukas ang tampo na nararamdaman ng babae sa kaniya.Halos matumba siya pero nasalo siya ng kaniyang kapatid."Saan ka pupunta!?" Sumenyas siya na tutungo siya sa silid ni Aiha. Umiling ang kapatid niya pero wala itong nagawa dahil humiwalay na siya rito. Humakbang na ito papunta sa silid ni Aiha."Lorden Weiss, baka magising si oldman," anang Kuya Nigoel niya.Lumingon siya sa kaniyang kapatid. Nanliliit ang kaniyang mga mata patitig sa












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews