“Ang random, Kuya, ha.” Natawa ako habang mausisa siyang tinitingnan. Bihira lang magtanong si Kuya Jace, kaya ganito ang reaksyon ko. “Kung blind date iyan, pass ako.” Natawa sa gilid ko si Kuya Axsel. “Naku, bibigyan kita ng isang libo kung mapapayag mo iyan, Jace,” aniya. “Kahit dalawang libo pa iyan, hindi ako pupunta,” sagot ko sa dalawa. “Ano iyan?” singit ni Kuya Cillian. Busangot ko siyang tiningnan at tila nakuha naman niya ang nangyayari. “Sagot ko na ang car wash mo sa loob ng isang buwan kung mapapayag mo 'yan, Jace.” “Kuya!” suway ko sa kanya noong gatungan niya rin ang dalawa. “Guwapo 'to, Divina,” hirit pa ni Kuya Jace. Nakahalukipkip akong masungit ang mga matang napatitig sa kanila. "Hindi naman ako bumabase sa looks. Still, I won't go kahit gaano pa ka gwapo 'yan." “Kahit sabihin kong magaling siyang kumanta?” Nakatitig sa akin ang dalawang kapatid ko. “Type mo ang mga singer?” “Oo! Ganoon ang mga type niya,” sabi ni Kuya Jace. “Sabi ni Rhette, gusto mo raw '
Baca selengkapnya